C6.2

524 19 1
                                    

Maagang nagising si Paige. Hindi naman kasi siya nakatulog nang maayos kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa araw na ‘yon. Wala na nga pala syang trabaho at back to zero ulit ang buhay nya. Naubusan na rin sya ng mga option. Ni plano wala sya. Idagdag pa yong nananakit nyang sugat sa kamay.

“Agang-aga nakatulala ka dyan.” Nagulat siya ng may magsalita sa malapit sa tenga nya. Nang akma nyang lingunin ito ay ga-dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha nila ni Stephen. Para namang tambol sa bilis ang tibok ng puso nya. Sobrang lapit nito sa kanya. Nakatunghay ito sa couch kung saan siya nakaupo. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. Basa pa kasi ang buhok nito at may towel pa sa balikat. She could even smell the refreshing, manly scent nito. Siguro mamahalin ang gamit nitong bath soap. He smells good kahit wala pang perfume. Hindi naman nya maaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong salamin. Pero sa tingin nya, sa kanya ito nakatingin. Para rin syang nagyelo dahil hindi agad siya nakareact o nakalayo man lang dito.

Tss. Badtrip. Bakit hindi ako makagalaw. First time na may makalapit sa kanyang lalaki sa ganung gap lang. Karaniwan kasi bumubulagta na bago pa man makalapit sa kanya.

Sunod-sunod ang lunok ni Paige. Napansin na rin ni Stephen ang awkward look sa mata niya kaya ito na rin mismo ang lumayo sa war freak girl sa gilid nito at tuluyan nang tumayo ng diretso. Si Paige naman parang bumalik na sa sense nito at biglang nagsalita, “A-Ano bang problema mo?” Obvious na namula ang pisngi.

Napa-angat naman ang isang kilay ni Stephen sa sinabi nito. “Problema ko? Wala.” Ngumiti pa ito saka sinabing, “Ikaw nga itong parang baliw na nakatulala lang dyan.”

Nang-gagalaiti na naman siya sa inis. Umagang-umaga e badtrip siya. Para kasing multo kung saan-saan sumusulpot! Di nya sinasadyang nai-voice out ang laman ng utak. “Para ka kasing multo!”

“Ano bang mata meron ka?” Ganti naman ni Stephen. “Hindi mo man lang napansin na lumabas ako ng kwarto?" Hindi naman nakapagsalita si Paige. Naupo siya sa couch na opposite sa inuupuan nito. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. “So, are you going to tell me the truth now?”

“What truth?” Patay malisya si Paige.

He wants to settle things first bago sya pumasok sa University. Maaga pa naman kaya may time pa syang makipagtuos dito. Kung alam lang nito na he’s now risking something para lang mapaayos ang kalagayan nito. Pero may kataasan talaga ang pride ng babaeng yon. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang ibuko ito sa sarili nitong kasinungalingan. “The truth that you’re not a tutor. Hindi ko alam kung anong trabaho meron ka…” Ayaw ring malaman ni Stephen na alam na niya ang lahat-lahat. Baka paghinalaan sya nito na sya ang tumulong dito dun sa impaktong Drake na yon. Masisira naman ang disguise niya as nerdy guy. Although, he really had no idea kung ano ba ang relasyon ni Drake kay Paige na lalo pang nagpa-curious sa kanya. “…but I’m sure hindi ka tutor.” He finally concluded.

Tinaasan lang sya nito ng kilay. “Psh. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin.”

He simpered. “Sabihin mo nga sa’kin. May tutor bang inaabot ng gabi? Lalo na kung part time lang naman?”

Hindi nakasagot si Paige. Bakit ba kasi hindi nya alam na sinusundan na pala sya ni Stephen? O baka naman nakita sya nito nung bumili ng kape sa coffee shop? Tssk. Patay na. Medyo gabi na nga yon. Daig pa nya ang detective kung makapagsalita a! Hindi sya makatingin dito.

“According to what you said, kagagaling mo lang dun sa bahay ng tinuturuan mo, right? Hindi na kaagad reasonable yong time ng pag-uwi mo. Kung bata yong tinuturuan mo na ang edad is just about five to six years of age…” Natawa pa ito. “…in addition to the depressing part na hindi mo man lang alam ang exact profile ng estudyante mo. Or sabihin na nating ganun nga ang age nung bata, hindi mo ba alam na madaling antukin ang mga bata at that age? Kaya kung ako yong parents nung batang yon, I should’ve sent his/her tutor home kahit 5:00 pm palang.”

Paige frowned. Hindi nito alam kung san nakukuha ni Stephen yong mga pinagsasasabi nito sa kanya. Bakit parang lahat ng sinabi niya nakarecord at kaya nitong hanapan ng butas? May confidence pa ang tono ng pananalita as if he knew what he was talking about. Naguguluhan na talaga siya. Parang lawyer naman ang kaharap nya tapos sya yong nililitis sa husgado. Tsk.

Tiningnan pa sya nito mula ulo hanggang paa saka muling nagsalita, “And don’t tell me na nagbago na ang formality standard ng isang tutor. Kahit sinong tanungin mo hindi nila aakalaing tutor ka kung ganyan ang outfit mo.”

Tingnan mo yon! Pati outfit nya napansin? Dapat pala sinabi nalang nyang galing lang sya sa park at namasyal. Tss. Kaso imposible namang sa park pa sya galing sa ganung oras. Wala na ata talaga siyang malusutan sa isang ‘to a. Bigla tuloy siyang naasiwa sa suot nya. May suot pa syang ga-bilaong earrings. May tutor nga ba namang ganun ang suot? Tss.

“At dun naman sa hinold-up ka…” Natawa ulit ito. “As far as I know, kape lang naman ang dala mo…” Nagulat sya sa sinabi nito. Galing nga kasi sya sa coffee shop nun. Wala na. He definitely knew that she was lying all along. “…nakakatawa namang isipin na magkakainteres pa sa'yo — …”

“Oo na!” Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil pagtatawanan rin lang sya nito. Nakakatawa nga naman na magkakainteres pa yong magnanakaw sa kape na dala nya. Psh. Ang tanga mo talaga Paige! Hindi ka nag-iingat. Tumingin siya dito. “Sige na. Sasabihin ko na ang totoo.” No choice na sya. Wala na naman syang magandang alibi kay Stephen e. Ano bang utak meron yon? 

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon