C17.2

428 17 5
                                    

Minabuti na munang pumunta ni Stephen sa kusina para kumuha ng maiinom. Ano na ngayon ang gagawin niya? Ilang beses na nyang naitanong ang bagay na yon sa sarili niya pero wala pa rin siyang naiisip na magandang solusyon. Binuksan niya ang ref at nagsalin ng isang basong tubig. Naubos na niya ito ngunit hindi pa rin siya nakuntento. Lumapit siya sa wine cooler, tiyak na ito lang ang sagot sa pagkauhaw niya. Hindi siya madalas na umiinom. Social drinker siya. Dalawang bagay lang ang dahilan kapag umiinom siya. Una, kapag may problema siya. Pangalawa, kapag may okasyon o kaya bahagi ng misyon. Sa ngayon, halata naman kung bakit.

Malaki talagang gulo ang kahaharapin niya. He just received a gift. A can of worms. Naupo siya sa couch habang dala-dala ang bote ng wine at basong lagayan nito. Bakit ba mukhang hindi maganda ang araw na yon? Sunod-sunod ang mga problema. Una, nagkasagutan sila ng superintendent niya. Pangalawa, napasabak siya sa gulo. Pangatlo, ang pinakabumabagabag sa kanya — nalaman niya ang deal ng Daddy niya sa University. Nakipagdeal pa ito sa isa sa mga suspect niya. Ibinuhos niya ang alak sa wineglass at agad na ininom ito ng diretsahan. Ilang taon na silang hindi nag-uusap ng Daddy niya. Simula ng magdesisyon siyang pumasok sa Bureau, kinalimutan na nila ang salitang komunikasyon. Tanging sa kuya nalang niya nalalaman ang mga ginagawa nito. Akma na siyang maglalagay ng isa pang salin ng wine nang mapansin niyang bukas pa ang pinto sa may veranda. Tss. Ang babaeng yon talaga, hindi pa isinara ang pinto. Tumayo siya para isarado ito. Pabalik na siya ng may marinig na ingay mula sa labas. Alerto siyang dumikit sa pader, paiwas sa bubog na pintuan ng veranda. Walang ingay niyang hinawi ang kurtinang nakatabon dito habang lihim na nagmamasid sa labas. Nagsalubong naman ang kilay niya ng makitang nakahiga si Paige sa labas, tulog at walang kamalay-malay na napagsarhan na pala ito ng pinto. Pambihira naman ang isang to. Hindi niya alam na nasa labas pa pala si Paige.

Binuksan ulit niya ang pinto at ginising ito gamit ang paa. Tinatamad kasi siyang yumuko kaya sinipa-sipa nalang niya ang paanan nito. “Hoy, gumising ka nga dyan!” Walang response. Natutulog pa rin si Paige.  “Tss. Ano ba ito?” Pinagmasdan nya ito ng ilang sandali baka sakaling maalimpungatan ngunit hindi. Nagpaikot-ikot pa ito hanggang sa ilang dangkal nalang ang pagitan sa infinity pool. Ano kaya kung hayaan ko nalang siyang mahulog? Makaganti man lang. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi niya. Sige ikot pa. Umikot ulit ito ngunit pabalik naman, palayo sa pool. Tss! Umarko ang kilay niya sa nakita. Para itong robot. Alam ba ng katawan nito kapag may nagbabadyang panganib? Umiling siya, sapo ang noo. Wala na siyang choice. Lumapit siya para buhatin ito. Padalawang beses na niyang bubuhatin si Paige at aaminin niyang hindi ito magaan. Akma na niyang iaangat ang binti nito nang bigla nalang siyang yakapin nito. Hindi na niya mailarawan pa ang sunod na nangyari. Nakita nalang niya ang sariling nakalapat na ang labi sa labi nito. Sumulyap siya kay Paige. Pikit pa rin at halatang hindi alam ang nangyari. Kakaiba ang naramdaman niya. Medyo uminit ata ang paligid at pinagpapawisan siya. Hindi naman yon ang unang beses na may malapit sa kanyang babae, intimately. They were so close. Close enough that he could almost hear her heartbeat. Close enough that he could touch her whole being. Close enough that he was now kissing her! Marami na siyang nahalikang babae. Karamihan hindi niya kilala. Kung baga bahagi lang ng trabaho niya. He even flirt, drink and gamble with them sa mayayamang casino at clubs. Karamihan sa mga ito, mga karelasyon ng target niya. Dumating pa nga sa point na muntikan ng mauwi sa bed scene kung hindi pa sinabi ng isa sa mga yon ang impormasyong kailangan niya. Yet of course, he had no plan of digging that far. Though, this one is different. Far different. Paige is special of course. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang halikan ito. It happens for almost five seconds. And five more. Ang bilis namang umepekto ng alak na ininom niya! Sandali. Sandali. Mali ang ginagawa mo Stephen! Gising niya sa wisyo niya. Ano ka bantay-salakay? Bakit mo hinahalikan ang babaeng hindi mo naman karelasyon? Lalong-lalo na kung tulog ito? Wala kang excuse na masasabi dahil hindi naman siya bahagi ng misyon mo. Pero sa tuwing titingnan niya ang mga labi nito. Naaattract siya. Why is she so hypnotic when she was sleeping?! Even when she cries. Nang makita nya itong umiyak kanina. Kahit na noon lamang niya itong nakitang umiyak, it makes him want to protect her. Para kasing napaka-defenseless niya na lahat ng tao kaya itong saktan. Nawala ang amazonang Paige na kilala niya. And that makes his heart defrost. Oo. Na-defrost ang nagyeyelo na niyang puso. Corny ba? Pero yon ang naramdaman nya. It is the feeling he never felt before. Ngayon rin lang niya nalaman at naintindihan ang sinasabi ng kuya niya at superintendent niya. He was dumb not to know that he was now falling into her. Iba ang naramdaman niya kay Amanda, years ago. It took him years to realize that he love her fiancée. Pero bakit kay Paige? It just took her months to make his heart beat this wild! AHHHH! Nababaliw na siguro siya! Ano bang pumasok sa isip niya at halos lamunin na niya ng buo ang pagkatao ng babaeng nasa harapan niya! Kanina pa niya tinititigan ang mukha nito. Hindi ito maganda! Hindi pwede! Mabilis siyang umagwat sa pagkakayakap nito sa kanya at agad na binuhat ito papunta sa guest room. Matapos itong kumutan ay akma na siyang aalis. Ayaw na niyang madagdagan pa ang kasalanan niya.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon