Chapter Five

548 23 0
                                    

“Uy, Stephen!”

May tumatawag sa likod nya. Alam nyang may tumatawag sa kanya at alam rin nya kung sino yon. “Stephen!” Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali. Si Nicholas. Ilang araw na rin sya nitong kinukulit at nakikibalita tungkol kay Paige. Hindi naman ganun kalakas ang radar nya para malaman ang lahat. “Ano na kayang nangyari kay Paige?” At eto na naman sila. Q and A ulit. “Magda-drop na ba talaga yon?”

Nagkibit-balikat sya. “Yon ang alam ko.”

Papaakyat na sila ng hagdan ng makita nila ang umpukan ng mga estudyante sa di kalayuan. “Anong meron dun?” tanong niya sa kasama.

“Ah… Monthly release ng grades — ... ” Bago pa ito maglitanya ng pagkahaba-haba naisipan na niyang tingnan ang pinagkakaguluhang post sa bulletin. Susunod-sunod lang sa kanya si Nicholas. Sa huli sya nagsimula. Pangalan lang naman nya ang hinahanap nya. Medyo flattered sya ng makitang napabilang pa sa top ang pangalan nya kahit saling-pusa lang naman talaga sya sa University na yon. Top 3? Akalain mo yon! At lalo syang nagulat ng makita ang top 2. Paige Williams? At si Tiffany Cooper ang nag-top. Milagro ata ang nangyari dun a.

“Sayang talaga si Paige.” Andun na naman si Nicholas at bubulong-bulong sa tabi nya. “Ilang araw na syang absent.” Nanlaki ang mata nito nang makita ang pangalan nya sa top. Napatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. “Congrats! Top 3 ka pala dude!” Napangiti lang siya dito saka dumeretso na sa klase nila. Unang-una nya kasing nabasa ang pangalan ni Nicholas. 

Nanghihinayang rin naman sya sa outstanding remarks ni Paige that will just end up in nothing pag nag-withdraw ito. Hindi pa sya sigurado sa current state nito. Totoo kayang tutor ang napasukan na trabaho ng babaeng yon? Wala rin naman syang text na narereceive mula sa warfreak nyang kaibigan. Napakamot sya sa ulo sa kaiisip. Why is he worrying too much about that girl? Hindi naman pagiging guardian ni Paige ang pinunta nya sa Hartford a.

Malapit na sila sa klase nang may makasalubong silang mga MIB. Daig pa kasi ng mga ito ang Men In Black kung magdamit at kumilos. Kinutuban naman agad siya sa dating ng mga ito. Agent ba? Pero sa anong department? He guess not. Hindi naman pamilyar ang pagmumukha ng mga ito sa kanya. 

**thud**

Nagkalat ang maraming papel sa daanan. Sinadya nyang banggain ang isa sa mga ito na ikinahulog ng dala nitong mga papeles. “I’m sorry.” Cool at seryoso pa ang pagkakasabi niya saka dali-daling pinulot ang mga nahulog na papel. Maging si Nicholas ay napalimot na rin ng wala sa oras. Mabilis namang kinuha ng mga ito sa kanya ang mga dokumento na parang ayaw pang ipahawak sa kanila. Presto! May kopya na rin sya ng mga ito. Palihim niya itong kinunan ng picture gamit ang cam na naka-incorporate sa nerd glass na suot niya. Masyado na talagang advance ang technology. Nagmamadali namang naglakad papalayo sa kanila ang mga ito na parang inis na inis sa pagkakabangga niya. Kahit kelan talaga magaling syang mang-inis ng ibang tao.

Tinanaw pa niya ang paglayo ng mga ito hanggang sa mawala na sa paningin niya. Ilang sandal i pa ay tinawag siya ni Nicholas para iabot ang isang papel. May natira pa pala sa mga papeles na nahulog kanina. Napangiti naman siya. Baka makatulong pa ang isang ito sa misteryong pinipilit nyang resolbahin. Good for him but not for them. 

Habang klase ay walang ginawa si Stephen kundi tingnan ang nilalaman ng papel na yon. Mukhang parte lang ito ng isang chemical components. Kahit yong illustration at graphing ay hindi buo. Napabuntong-hininga siya. Parang isang piraso lang ng jigsaw puzzle ang nakuha nya. Nakamasid lang sa kanya si Nicholas na hindi maintindihan ang mukha.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon