C14.3

468 18 7
                                    

7:30 na. Thirty minutes nalang late na si Paige sa part time nya. Dali-dali syang naligo at nagbihis ng T-shirt na may tatak na Jellies and Java Candy Shop. Ibinigay yon sa kanya ng may-ari. Ito ang lagi niyang isinusuot kapag nagtatrabaho siya. Parang uniform. Kailangan niyang magsipag para mabayaran na nya ang lahat ng utang nya kay Stephen. Hindi pa rin siya kontento sa pagiging taga-linis lang ng unit nito. Sa tingin nya kasi natural lang na maglinis sya dito dahil nakikitira lang sya. Gusto nyang mabayaran ito ng eksaktong halaga. Cash. Saka siya sisibat at aalis na sa buhay nito kung saan pabigat lamang siya.

Ramdam nya ang pagkulo ng tiyan nya habang pababa na siya ng elevator. Siya lang ang laman noon hanggang sa marating niya ang ground floor. Buti nalang at siya lang. Walang nakarinig sa pag-aalburuto ng tiyan niya. Wala na kasing time kung magluluto pa siya. May malapit naman na coffee vending machine sa shop. Yon nalang siguro ang last choice nya.

“Paige!” Bati ng matandang lalaking may-ari ng candy shop nang makita siyang pumasok sa pintuan nito. “Nandyan ka na pala!”

Agad siyang ngumiti dito. “Good morning Boss! Medyo natanghalian nga ako e. Pasensya na po.”

Umiling naman ito. “Kabubukas ko rin lang.” Inihagis nito sa kanya ang susi na mabilis naman niyang nasalo. “Ikaw na ang bahala dito ha? May pupuntahan pa kasi ako. Balak ko kasing mag-open ng isa pang outlet. Maghahanap ako ng magandang pwesto.”

“Wow! Talaga po?” Bulalas nya. Mukhang sinuswerte ang amo niya at naisipan nitong magbukas ng panibagong tindahan. “Sige po. Ako na ang bahala dito. Sana po may makita kayo agad.”

Maya-maya pa ay may pumasok nang mga bata at agad na naglibot sa shop. Naghahanap ng sa tingin nila ay masarap at bago sa panlasa na candy. Pamilyar na ang mga mukha ng mga ito. Mga suki na nila. Ngumiti naman ang Boss niya saka bumaling sa kanya. “Bahala ka na sa makukulit na batang yan,” pagkasabi noon ay nagmamadali na itong umalis na sakay ng motorsiklo nito.

Lumapit si Paige sa mga bata at bahagyang yumuko. “Kayo na naman?”

“Hi ate!” Bati naman ng isang batang babae habang hawak-hawak ang isang star-shaped lollipop. “Kamusta ka na po? Ngayon lang ulit kita nakita.”

“May pasok kasi ako. Part time ko lang ito,” explain niya saka ngumiti dito.

Tumango naman ito saka nagpatuloy na sa pagpili ng mga bibilhing candy. Lumapit ang isang kasama nitong batang lalaki at iniabot ang sampong pirasong chewing gums at ilang marshmallows. “Ito po ang sa akin.”

“Wow!” Sabi niya. “Mukhang marami yan a. Hindi kaya sumakit ang ngipin mo niyan?”

“Wala na naman pong ngipin yan,” sabat naman ng batang babae. Nagtawanan ang iba pa nitong kasama. Isang masamang tingin naman ang iginanti ng batang lalaki dito na agad na nagpatahimik sa mga ito.

“Nagbibiro lang siya.” Si Paige na ang namagitan. “Halika na. Bilangin na natin kung magkano ba yang bibilin mo,” aya niya sa bata. Sumunod ito sa kanya papunta sa counter. Rinig niya ang mahinang tawanan ng mga kasamahan nito ng makalayo na sila. Lihim siyang napangiti sa kapilyuhan ng mga ito. Mga bata talaga.

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon