C4.2

548 24 0
                                    

Dizziness plus frustration. Yon ang nararamdaman nya habang nilalakad ang napakaingay na sidewalk. Nilalampasan lang sya ng mga tao, kaliwa’t kanan. Mabilis lang na lumipas ang mga oras pero bokya pa rin sya. Walang tumanggap sa kanya kasi wala daw bakante. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan sa uhaw. Nanlalamig na pati ang pawis na umaagos sa leeg nya. Daig pa ang binabad sa yelo ang pakiramdam. Medyo manhid na rin ang mga palad nya. Naramdaman nalang nya ang biglang panlalabo ng paningin kasabay ang hindi inaasahang pagbangga sa isang hindi naman niya kilalang tao na muntik pa niyang ikatumba. Buti nalang pinsan nya si Tarzan at nakakapit agad siya sa poste. Siguro idadahilan nalang nya na nagpo-pole dancing sya. 

“Miss!” Narinig niyang tawag ng isang babae, wearing thick mascara. Hindi na niya ito masyado pang pinansin dahil sa hilo niya. “Okay ka lang?” Tanong nito saka siya inakay sa malapit na bench. Nang medyo okay na sya, hinanap nya yong babae pero wala na ito sa tabi nya.

May sa multo ata yong isang yon. O baka naman guni-guni ko lang?  

Nagulat nalang siya ng may biglang magsalita sa likuran nya. “Everything’s fine?” Nilingon niya ito. It was the same face she saw nung nanlalabo pa yong paningin niya. Agaw-pansin ang suot nitong red tube tops na hanggang pusod lang along with a sexy mini-skirt. Wow. Napakasexy naman nito. Meron pang dangling earrings tapos naka-red lipstick pa. Naupo ito sa tabi nya saka inabot ang isang bottled juice. “Here. Inom ka muna.”

Naalangan pa siyang tanggapin ito. Agad nyang kinuha yong wallet nya. Twenty dollars. Twenty dollars nalang natitira sa kanya. Saan naman kaya aabot yon? Kinuha niya ito at iniabot sa babae. “Pasensya ka na. Yan nalang ang pera ko e.”

Natawa naman ito sa kanya. “Hindi naman kita sinisingil a.” Kinuha nito ang kamay nya saka iniabot ang juice. For free.

“Meron pa rin palang free ngayon.” Sabi nya dito saka ngumiti ng bahagya. “Thanks.”

The woman smiled. “I’m Margarette.”

“Ah… Paige.” Hindi na sila nag-shake hands para namang hindi na uso yon ngayon e. Okay na yong simpleng smile smile nalang.

Napatingin ito sa pack bag nya. “Tumakas ka ba sa inyo?”

“Ah. Nope. Wala naman akong tatakasan.” Bulong niya. Margarette frowned. Napansin niya ito at agad na napailing. “W-Wala… wag mo nalang pansinin yon.” Mahaba pa kasing istorya kung ikukwento nyang lahat dito. Besides, hindi naman sila ganun close. Maya-maya pa ay tumayo na rin sya. Wala na ang sakit ng ulo nya tsaka there were still businesses to finish. “Sige…” sabi nya dito. “Marami pa kasi akong kelangang gawin. Salamat nalang sa juice.” Paige remarked sabay ngiti dito.

Pinilantik ni Margarette ang dark and long eyelashes nito. “Sandali. Naghahanap ka ba ng trabaho?”

Napatigil siya sa narinig. Tama ba ang narinig nya? “Trabaho ba ang sabi mo?”

Tumango-tango si Margarette. “Mukha kasing naghahanap ka ng trabaho sa get-up mo.” Talagang naghahanap sya ng trabaho for crying out loud! Napakunot ang noo niya saka nag-isip ng ilang minuto. Mapagkakatiwalaan ba nya ang babaeng ‘to? Hindi kaya raket lang? Wala naman sigurong masama kung susubukan nya. 

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon