“Have you made up your mind?” tanong ni Stephen sa mga magulang ng recent victim na si Nathaniel Gray. Bakas pa sa mga mukha ng mga ito ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kaisa-isang anak ng mga ito. He was in the act of pursuing them to file a reinvestigation case pero mukhang mabibigo sya. Ngayon pa na desidido na siyang sampahan ng patong-patong na kaso ang janitor na yon. Pero base sa mga sagot ng mga ito, it seems that they had been convinced na suicide talaga ang ikinamatay ng anak nila, though they couldn’t give any reason kung bakit magagawa ng anak nila ang bagay na ‘yon.
“We’re sorry.” Malungkot ang mukha ng ina ng batang biktima. “Ayaw na naming maungkat pa ang lahat tungkol kay Nathan. It had been quite a time for us to move on.”
Stephen nodded and set a faint smile. “If that was your decision, I respect it.”
Nagkatinginan nalang ang mag-asawa, mukhang naguguluhan pa sa bigla-biglang pagsulpot niya sa harap ng bahay ng mga ito. Idagdag pa ang convincing phraseology niya mahikayat lang ang mga ito na muling maungkat ang suicide incident. But it seems that he couldn’t dig up any further. Pressure na ang ibinibigay niya hindi option.
Ngumiti ang babae sa kanya although alam niyang napipilitan lang ito. “Nagpapasalamat kami dahil sa tinagal-tagal may isang taong nagproposed ng reinvestigation sa kaso ng anak namin, But we are convinced na depressed si Nathan kaya nya nagawa iyon. Accurate naman ang mga files na ibinigay sa amin ng Board at isa pa may tiwala kami sa mga University. Maybe we’re too strict kaya feeling ng anak namin that we’re already taking control of his life.”
Medyo natigilan siya sa sinabi nito. Taking control of one’s life ha? He smiled coyly at balik sa issue. “Hindi ba kayo nag-conduct ng private investigation?”
“Bakit pa?” Ang ama ni Nathan na ang sumagot. “The University handled everything. Kahit autopsy at interment expenses had been taken care of them. Nagpapasalamat nga kami dahil sa panahong iyon, we’re in the state of devastation.”
Something’s wrong. He had a feeling that something beyond everybody’s thought, one thing isn’t right. No. Not just a thing. Lahat. Lahat-lahat. It seems that they were in a big opera. They were the characters who plays a certain plot that were basically made by a single individual — the playwright. Stephen gritted his teeth. Internal bleeding ‘to. He was stuck in a huge maze that was quite impossible to escape.
He ended up in a nod. “I understand. Thank you for your time.” Agad syang tumayo at nakipagkamay sa mga ito.
“Kaibigan ka ba ng anak namin?” Usisa ng babae habang naglalakad sila palabas ng pinto. Nakasunod sa kanila ang dalawang body guards ng mga ito.
He looked at them for a moment saka sumulyap sa dalawang tauhan ng mga ito. “Sort of.”
Pagkasabi noon ay nagmamadali na syang umalis at dumiretso na sa kotse nya. He turned the engine on and started his way back sa unit nya. Nasa daan na siya ng maisipan nyang tumigil saglit at pag masdan ang sunset sa tabi ng coastline. He was so damned stress at halos wala na syang time sa sarili nya.
He shoved his both hands deeper into the pockets of his coat. Leaning his back against his car, pinanuod niya ang bahagyang paglubog ng araw. He sighed. Sigurado siyang may nasa likod ang lahat ng nangyayari. Either a single individual or a group. For now, tamang hinala lang muna siya. Maya-maya ay tumunog ang phone nya. He stopped and hesitated ng makita ang caller ID but he answered it anyway.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...