Paige told Stephen everything. Simula nang makilala nito si Margarette hanggang sa makapasok sa bar. Lagi rin nitong binibigyan ng stress na bar tender lang ang pinasok nito at hindi show girl o kung ano pa mang trabaho na malayo sa katotohanan. Baka kung ano pa ang isipin ni Stephen. Pati yong issue kay Drake at dun sa lalaking nag magandang loob na tumulong dito nung masugatan ang kamay nito. Isinama na rin ni Paige yong pag-alis nito sa bar dahil sa dami ng nasira at dahil na rin sa payo ni Margarette. Lahat nga daw di ba? Seryoso namang nakikinig sa litanya ni Paige si Stephen na parang nanunuod lang ng boring na movie. Mukha namang sanay na si Paige sa ganung reaction nito at hindi na rin masyadong pinapansin.
Napabuntong hininga siya ng marinig ang buong kwento. Aside from the fact na alam naman nya lahat ng yon kasi andun sya. Tama naman lahat ng sinabi ni Paige sa kanya. Nawala rin ata ang inseparable hobby nito na pagsisinungaling. “We should celebrate! You finally tell the whole truth,” pang-aasar pa nya dito. Hindi naman umimik si Paige. “This Drake?” usisa niya. “One of your past enemies?”
“Narinig mo naman, di ba? High school palang mayabang na ‘yon,” sagot naman nito.
Stephen suddenly stood. Nakamasid lang sa kanya si Paige. “Very well. Everything had been said.” Sya nalang ata ang may sekretong tinatago. At least he knew it was for their own good. “Dito ka na titira from now on.”
Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi nya. “A-Ano?!” Mautal-utal na tanong nito. “Seryoso?”
“You heard it right.” Sabi niya at derektang nagpunta sa kwarto para magpalit. Baka ma-late pa sya sa klase nya. Kahit wala syang pakialam sa mga lesson nila, feeling nya marami syang na-miss na importanteng bagay pag nali-late sya. Besides, he wasn’t favor of wasting time.
Anong pinagsasabi nun? Dito na daw ako titira? Sobra naman ata yon. Kahit temporary naman ok lang. Nasobrahan ata ng bait yon a. Napaanga lang siya habang dinadigest lahat ng sinabi ni Stephen sa kanya. Nakita na nya itong lumabas ng kwarto matapos ang ilang minuto. Tinanong nya ulit ito baka kasi nabingi lang sya kanina. “You’re really letting me stay here?”
Nainis na ata ito sa kakulitan nya. “Maglinis ka nga ng tenga mo. Wag ka nang mag-inarte. Wala ka rin namang pupuntahan di ba?”
Nag-iinarte agad? Nagtatanong lang e. Paige made a face. “E san ka naman pupunta?”
“University of course.” Maikli niyang sagot saka ihinagis dito ang isang T-shirt at baggy pants. Hindi pa naman nya nasusuot ang mga yon. It was actually a gift from someone. Sayang lang kung hindi magagamit. Saka unisex naman ang kulay at design. May kalakihan nga lang. “Magpalit ka. Daig mo pa ang nakapatay dyan sa duot mo.”
Napatingin si Paige sa damit nitong puro dugo. Nakapatay agad? Sya na nga itong muntik mapatay. Pero mas pinili na nyang hindi magsalita. Baka magkainitan na naman silang dalawa e. Mapalayas pa sya. Bigla nyang naiisip ang Hartford. Na-miss nya tuloy pumasok. Hindi pa naman nya nawiwithdraw ang admission nya sa University. Kahit yong scholarship nya. Pero parang awkward naman kung papasok pa sya. Nakikituloy nalang nga sya kay Stephen e. Hindi rin naman sya makakapaghanap ng trabaho dahil sa sitwasyon nya.
“Iwasan na kasi ang pagiging amazona.” Narinig pa nyang sabi ni Stephen bago lumabas ng suite. May kasama pang insolent smile saka tumingin sa kanya. Hindi na naman sya nakaganti dahil nagsara na yong pinto. Naiwan tuloy syang nagsasalita mag-isa. “Kainis talaga.” Napakalayo naman ng ugali nito sa dating Stephen na nakilala nya.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...