Matapos ang ilang segundo ay lumabas na si Stephen dala ang medicine kit at naupo sa couch. Tumingin ito kay Paige at sumenyas na lumapit dito. Sumunod naman agad si Paige at naupo malapit sa tabi nito.
“Patingin nga...” sabi nito na ang tinutukoy ay yong sugat nya sa kamay. Asiwa pa si Paige na iabot dito ang duguang kamay. Warm blood was still flowing from the open wound.
Naningkit ang mga mata ni Stephen ng makita ang worst state nito. “Ano bang nangyari sa’yo?” tanong nito at nagpunta sa kusina para kumuha ng maliit na basin na may lamang tubig.
Mabilis namang nakaisip ng alibi si Paige. “Ah. A-Ano kasi… N-nanakawan ako kanina.” Alam nito na magdududa pa rin ito kaya dinugtungan pa nya. “Syempre nanlaban ako kaya ito... nasugatan tuloy ako.”
Psh. Ayos rin ang drama a. Stephen silently scoffed. Alam naman kasi nya ang totoo. Likas na ata talaga sa isang ‘to ang pagiging sinungaling. “Buti hindi ka tinuluyan?” Medyo pang-asar pa ang tono niya.
Bumaling ng tingin sa kanya si Paige. “Ang sama mo naman!” Hindi sinasadyang nahigit niya ang kamay nito sa kalikutan. “Aray! Concern ka na nyan?”
“Wag ka nalang ngang maingay dyan!” Napataas na rin ang boses niya. “Ang likot mo kasi.” Medyo tinablan ata si Paige at hindi na gumalaw sabay tahimik. Hindi pa rin tumitigil ang pag dugo ng sugat nito. “Kumakain ka ba ng tama?”
“Bakit naman pati pagkain ko napasama na sa usapan?”
He twisted his lips. “Mabagal mag-clot ang dugo mo.”
“Meaning?”
“Kulang ka sa white blood cells.” Explain nya dito na medyo naiinis na. Sa anong rason? Hindi rin nya alam. “Ano ba yan? Simpleng biology lang.” Bulong niya habang nililinisan ang sugat nito.
Narinig ata nito ang sinabi niya kaya nag-react. “Malay ko ba! Hindi naman ako interesado sa biology na yan e. Hindi ko nga pinapasukan kung minsan yon! Kaya nga architect ang kinuha ko di ba?” Inirapan sya nito.
May pagka-amazona talaga. Hindi nalang siya nagsalita. Maya-maya lang ay tumigil na rin sa pagdugo. Kinuha niya ang ointment saka nilagyan ng bandage ang kamay nito. Mahihirapan si Paige ngayon lalo na’t kanan pa ang nasugatan. Ano naman kayang kasalan meron ang babaeng ito at ganun nalang ang galit nung lalaki kanina?
“Paano mo nga pala nalaman yong sugat ko sa kamay?” tanong ni Paige. Hindi nga naman masyadong halata yong sugat dahil natatabunan ng blazer na suot nito.
“Anong palagay mo sa’kin bulag? Kanina ka pa nimimilipit sa sakit dyan e.” Yon nalang ang nasabi ni Stephen. Tumahimik naman si Paige sa simple reasoning scheme na sinabi niya. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi lang yon ang inabot nito. Masyado kasing malakas ang believe sa sarili. Naiirita na naman si Stephen sa tuwing naiisip ang pagiging careless ni Paige. Paano nalang pala kung hindi nya ito nasundan? Napailing nalang siya sa naisip.
“E paano mo ako nakita?” Tanong ulit nito. “Tsaka anong ginagawa mo naman dun?”
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...