Hindi nagpakita si Paige nang hapong yon. Malapit nang matapos ang klase pero wala pang Paige na nagpapakita. Stephen draw out a sigh. Kasalanan ba nya kung bakit ito absent? Napatingin sa kanya si Nicholas. “Nasaan si Paige?” The guy mouthed. Napakibit-balikat lang siya. Wala rin siyang idea kung saan ito nagpunta. Baka naghahanap ng matutuluyan o di kaya ay naghahanap ng pwedeng hingan ng tulong.
And there it goes. Natapos na nga klase at time na rin para magsiuwian ang lahat. Nicholas called out for him in the hallway. Ayan na naman sya. He was sure that it was about Paige again. “Nasaan nga kaya si Paige?” Tanong pa nito. At hindi nga siya nagkamali. Kelan pa ba siya naging police station na pwedeng pagtanungan ng mga nawawala. Intel agent po siya.
“Wala rin akong idea kung nasaan siya.” He turned to his watch. It was past six. Lumingon siya kay Nicholas. “Baka nauna nang umuwi sa atin.” Okay nang sabihin nya yon kahit hindi siya sure kung nakauwi na ba talaga ito, wag lang siyang kulitin ni Nicholas.
Napasang-ayon naman niya ang nerd at sabay na rin silang naglakad palabas ng building. Silence took over. “Alam mo ba nakakaawa si Paige,” basag nito sa katahimikan. He had no idea what this guy was fussing about kaya mas pinili nalang niyang makinig kay Nicholas. “Mag-isa nalang kasi siya sa buhay. Namatay yong mama nya halos isang taon na mula ngayon.” Stephen narrowed his eyes but chose to keep his silence. Ano ba naman yan? Parang nakokonsyensya na tuloy siya. Paige had been nice to him, kahit na weird-looking pa ang itsura nya sa suot niyang eyeglasses. Pero may mga bagay lang talagang dapat siyang i-consider that he could not easily agreed upon. Hindi na naman siya average college student na allowance at bills lang ang iniisip. No. Not anymore.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip, Nicholas spoke again, “Kumusta nga pala ang aikido?”
“Aikido?” Ulit pa niya saka sumulyap sa katabi. Mukha namang tama siya ng dinig. Excited kasi ang mukha nito at may pag tango pa. Stephen twisted his lips. “Medyo mahirap pero fulfilling.” He shove a hand into his pocket habang pababa sila ng hagdan. Napakatahimik pala ng University pag gabi. They had passed several rooms and most of them were already vacant. Konti nalang ang may klase at konti rin lang ang mga estudyante na uma-attend ng night class.
“Ilan naman ang nakuha mong grade sa aikido class mo?” usisa pa nito sa kanya.
Natagalan bago pa siya nakasagot. “I got F for Failed?” Nakangiti niyang sabi dito. Pinagtawanan naman siya ni Nicholas. Iniisip siguro nito na halos magkatulad lang pala sila kung kukuha ito ng aikido class. Stephen just laughed, shaking his head. Hindi naman kasi yon totoo. He got an A+ to be honest.
Napatingin siya sa may kaliwa niya at agad na napatigil. It was Christopher heading into that building again. Ano bang meron sa research lab na yon at binabalik-balikan ng mokong na to? At this point of hour, what would a normal student like Christopher do on that research-reserved spot? Naalala tuloy niya yong usapan ng med student at nung mokong.
Nalampasan na sya ni Nicholas kakatingin kay Christopher na parang multong nawala na naman. “Bakit ka napatigil?” tanong ng classmate nya. Wala na siyang time para sagutin pa ito at nagmamadaling bumalik ng building.
“Sa'n ka pupunta?”
“May nakalimutan ako,” sagot niya. “Mauna ka na.”
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
AksiPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...