Chapter Thirteen

482 15 2
                                    

Nagpunta sila sa rooftop ng isa sa pinakamalapit na building. At least doon walang makakakita sa kanila lalo na at hinahunting sila ng grupo ni Christopher. Napasandal si Paige sa may railings. Nakakapagod rin tumakbo. Umagang-umaga ay napasabak na agad siya sa takbuhan. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakikipag-away dahil na rin siguro sa good influence sa kanya ni Stephen. Noon niya naisip na nakakamiss rin pala yong dati. Napangiti nalang si Paige. Napansin ito ni Stephen saka umupo malapit sa tabi niya. “Anong tinatawa-tawa mo naman dyan?” tanong pa nito. “Enjoy sa pagtakbo?”

Tumawa naman siya. “Magandang exercise yon. Gawin nga natin ulit.”

Umiling lang ito saka tumawa. “War freak.”

Pinili nalang niyang manahimik. Iba ang itsura ni Stephen kapag wala ang nerdy glass nito. May panlaban naman pala. Noon pa naman niya yon napansin which just adds to his mysterious personality. Naisipan tuloy niyang itanong, “Yong suot mong salamin, props lang ba yon ha?”

Natigilan naman ito. “Hindi a. Hindi nga kita maaninag e.”

Hindi na niya napigilang tumawa. Anong pinagsasabi ng lokong ito? Hindi daw maaninag? Umiling siya. “Hanggang kelan ka ba magpapanggap?”

Naging seryoso ang mukha nito at tumingin sa kany. “Bakit? Anong alam mo?”

May kung ano sa tono ng pananalita ni Stephen. A bit threatening. Napayapak ba sya sa isang land mine? May masama ba sa sinabi niya? Hindi tuloy siya makapagsalita at napakamot nalang sa may noo.

“Anong alam mo tungkol sa akin?” Ulit pa nito, a bit higher than usual.

“A-A… Ano bang dapat kong malaman? May hindi ba ako alam?” Kandautal-utal na sabi niya. Hindi pa rin inaalis ni Stephen ang tingin sa kanya. Ano ba naman to? Hindi tuloy siya makatingin ng diretso. Wala naman talaga siyang alam sa pagkatao nito. Nakakailang lang talaga ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya. “A-Ang ibig ko lang namang sabihin e, hanggang kailan ka magpapanggap na may vision defect ka? Yon lang. Ano bang iniisip mo?”

Matapos marinig ang sinabi niya natahimik na ito at inalis ang tingin sa kanya saka isinandal ang likod sa railings. Si Paige naman ay nakatingin lamang at salubong ang dalawang kilay. Big deal ba yong issue pagpapanggap na may depekto sa mata? “Ang weird mo talaga.” Pang-aasar pa niya.

“Marami ka lang hindi alam sa akin.”

“Gaya ng?”

“Wag mo nang alamin.” Pagkasabi nito ay tumayo si Stephen at nagmasid sa paligid.

Umiling nalang si Paige. Feeling artista naman ang isang to. May privacy pang nalalaman. Baka nga totoo ang hinala nyang drug pusher ito? Hindi naman siguro. Baka naman… “Hired killer?” Nasambit niya.

“Ano?” Hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Stephen.

Napalunok siya. “A-A… Wala. Sabi ko h-hired killer. Yong bida doon sa movie na napanuod ko. Hired killer ang role nya.” Palusot ni Paige saka umiwas ng tingin dito. Di kaya hired killer si Stephen? Kaya nag-transfer ito sa kanilang University dahil may target victim ito dito? Sa bilis ng reflex nito hindi malabo. Gaya nalang ng nangyari kanina. Naibato niya ng maayos ang bola kahit natamaan pa sya nito ilang segundo palang ang nakalilipas. Nakagat niya ang labi sa kakaisip saka sumulyap kay Stephen. Mukha namang hindi ito hired killer e. Baka athletic lang talaga. Kung sabagay, sumali nga pala ito sa aikido dati. Tumango-tango siya. Baka nga nagkakamali lang ako. Sumagi sa isip niya si Christopher. “Tyak na hinahanap na tayo ng mga mokong na yon.” Tumawa siya ng maalala kung papaano tinamaan sa mukha ang lalaking kinaiinisan niya. “Ang galing ng ginawa mo kanina. Haha. Perfect shot. Ang pinagtataka ko lang bakit si Christopher ang ginantihan mo e yong kaibigan naman niya ang bumato sayo di ba?”

Dating A GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon