Hindi nila napansin ang pagdating ng isang mamahaling sasakyan lulan ang taong hinihintay ni Stephen. Kahit ang pagpasok nito sa bahay ay lingid sa kaalaman nila. Nagulat na lamang sila ng may magsalita na papalapit sa kinauupuan nila.
“What do you think you’re doing here?” Tanong ng isang lalaking hindi pa katandaan. Halos namana niya dito ang lahat ng manly attributes na meron sya — height, complexion, that sardonic glare and even arrogance.
Matatalo siya kapag nagpakita siya ng kung ano mang emosyon sa harap nito. “I came here for — …”
“Kung tungkol yan sa share sa Hartford, the door is wide open. You may leave now.” Sumulyap ito sa kanya saka inihagis ang isang black envelope sa lamesang nasa harapan nila ng Auntie niya. May logo ito ng Hartford University. “You’re wasting both of our time. It’s settled.”
“Pinirmahan nyo ang kontrata? Wala na ba talaga kayong malasakit sa anak ninyo?” Tiim-bagang niyang tanong dito. Tama nga ang sinabi ng kuya Ray niya, hindi ito pumayag at nagmatigas sa pag-pull out ng deal sa University. Alam niyang hindi na patatagalin pa ng mga matatalino niyang kalaban ang legal validation ng shares nito. It was a damn trap! And his Dad was just fallen into it.
“Whose son are you referring to? I only had one at wala sya dito.” Pagkasabi nito ay dumiretso na ito para umakyat ng hagdan.
Masasakit ang binitawan nitong salita para kay Stephen. It was a knife-like words that tears his ego apart. Ang ikaila ka ng sarili mong ama sa harapan mo at ipagtabuyan ka paalis? You might not feel the pain but he could. Humugot siya ng hininga saka nagmamadaling umalis ng lugar na yon matapos ngumiti ng pilit sa Auntie niya. Ito na siguro ang huli nilang pagkikita ng ikalawa niyang ina.
***
Pinagmasdan ni Paige ang kabuuan ng kwarto. Hindi nga ito kalakihan pero napakakomportable ng lugar na yon para sa kanya. Kanina pa nakaalis ang weird na kambal at kaibigan daw ng weird ring si Stephen Lee, matapos siyang i-tour ng mga ito sa bago niyang tutuluyan. She tapped her forehead several times. Naloloka siya sa takbo ng buhay niya. Ano kaya ang dahilan at biglaan siyang pinaalis ng lalaking yon? Masyado ba siyang maaksaya sa kuryente? Baka nasobrahan siya sa panunuod sa flatscreen TV nito na kung hindi niya binubuksan ay titirhan na ng mga gagamba? O baka naman darating ang girlfriend nito? Napaisip si Paige. Wala naman kasi siyang alam sa buhay pag-ibig ng fake nerd na yon. Tss. Ano nga bang pakialam niya? Labas na siya dun. Pero hindi pa rin maiwasang mag-isip siya ng rason. Napasulyap si Paige sa maliit na envelope na iniabot sa kanya ni Arthur bago ito umalis. Ayon dito, galing daw ito kay Stephen at ipinabibigay sa kanya nito. Ano naman kayang laman nyan? Ah! Baka ang listahan ng utang na dapat nyang bayaran. Inabot niya ito saka binuksan. Namilog ang mga mata niya ng makita ang laman niyon. Binilang niya. Five hundred bucks! Sino namang siraulo ang magbibigay ng ganoong halaga ng wala lang? Sa pagkakaalam niya, sya ang may utang dito di ba? Climate change?
“Nababaliw na ang taong yon.” Kinuha niya ang jacket at agad na inilagay sa loob na bulsa nito ang sobre. Ibabalik niya ito. Kahit na kailangan niya, hindi naman siya tumatanggap ng limos na ganoon kalaki. Siguro naman nakabalik na siya ng unit niya. May nakalimutan rin nga pala siyang dalhin, ang teddy bear na binigay nito. Sayang rin yon di ba? Ibinigay na sa kanya e. Wala ng bawian. Kung wala pa siya dun… Kinapa niya ang spare key ng unit ni Stephen. Isa pa yon sa nakalimutan niya. Hindi niya ito naibalik. Kaya may susi pa siya. Natutuwa siya kasi makaluma pa rin ang security ng mamahaling Hotel na yon. Kung sabagay, old Western style ang concept nito. Magnetic keys na kasi ang gamit sa ilang sikat na condos. Kung minsan pa nga, biometrics na. Pero sabi nga, walang basagan ng trip.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...