Nagmamadaling bumaba ng bar si Paige para bumalik sa suite ni Stephen. Hapon na rin at malamang e pauwi na yon galing sa University. Bakit ba naman nalimutan pa nya yong cellphone na yon? Hindi na nga kagandahan mawawala pa. Nakita sya ni Margarette na nagmamadaling lumabas ng bar.
“Paige!” tawag nito at humakbang palapit sa kanya.
“M-May gagawin lang ako,” sagot niya at hindi na ito hinintay pa. Dirediretso syang nagpunta sa maliit na eskinita na dinaanan nila kanina. Malayo-layo rin ang Grand Shire Hotel kaya mahaba-habang lakaran pa ang gagawin niya. Lakad-takbo na nga ang ginawa nya makarating lang ng maaga dito pero inabot pa rin sya ng gabi. Maya-maya pa ay natanaw na rin niya ang entrance ng hotel. Medyo hinihingal pa sya ng pumasok sa lobby nito.
Mukhang nagduda pa sa kanya ang security at nilapitan siya nito para sitahin. “Dito po ba kayo nagi-stay, Miss?” Medyo iba pa ang tono ng pananalita nito na ikinainis ni Paige.
“Hindi. May kaibigan lang akong dito naka-check in,” sagot pa niya. “Galing na rin ako dito kanina. May naiwan lang ako dun sa suite ng kaibigan ko. Hindi mo ba ako natatandaan?”
Napaismid naman ang may katandaan ng security guard. “Sa dami nang tao dito, Miss. Sa tingin mo ba matatandaan pa kita?”
Natigilan si Paige. May point si manong. Sino nga ba naman sya para matandaan nito? “Ano bang pangalan ng kaibigan mo?” Tanong ulit nito sa kanya.
“Stephen. Stephen Lee.”
Napakamot ito sa ulo. Paige arced a brow. Yan kasi patanong-tanong e hindi naman kilala lahat ng guest nila. “Mabuti pa Miss pumunta ka nalang dun sa front desk at itanong mo sa receptionist namin.” Turo nito sa kanya.
“Sir, dito nga po sya tumutuloy… Stephen Lee ang pangalan nya.” Pagmamatigas pa ni Paige. Hassle pa kasi. Bakit kelangan pang i-check sa receptionist e alam naman nya ang room number nito. Dami namang arte.
“Sige na… Pumunta ka na sa front desk,” sabi pa nito at inginuso ang front desk sa may kanan. Wala ng nagawa si Paige kundi ang sumunod. Kainis naman si manong e.
“Yes, Ma’am?” Bungad ng magandang receptionist sa kanya.
Ngumiti naman sya dito saka sinabi ang pakay. “Pwede bang makausap yong kaibigan ko? Dito kasi sa hotel tumutuloy. Baka pwedeng pumunta ako sa suite nya kahit sandali?”
“Okay, Ma’am. Ano pong name ng friend nyo?”
“Stephen Lee. Room number nya 407.” Ayan complete details na binigay nya para hindi na ito mahirapan. Nakita naman nya na hinanap nito sa guest records ng hotel ang sinabi nyang pangalan at room number. Napatingin ito sa kanya at inenter ang mga data sa information system ng hotel para i-double check ito.
“Sorry, Ma’am. Walang Stephen Lee na naka-check in dito.”
Hah? Ano daw? Tama ba ang narinig niya? Walang Stephen Lee na naka-check in doon? Pinagtitripan ba sya ng receptionist na to? Napakunot-noo si Paige. “Sigurado ka ba? Check mo ulit. Baka may error lang sa database nyo.”
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...