“Salamat po.” Iniabot ni Paige ang bayad at bumaba ng taxi. Mismong sa harap ng Grand Shire Hotel siya inihatid nito. Wala na siyang inaksayang panahon. Nagmamadali na siyang pumasok sa loob. Medyo hapon na rin kasi at ayaw rin naman niyang gabihin ng uwi. Ano ba kasing importanteng sasabihin ng taong ‘to? Tssk. Ngayon pa ako pinapunta. Sumakay siya ng elevator. Puno na pero sumiksik pa rin siya. Buti nga at hindi siya naipit ng pinto. 56. Number na agad niyang pinindot sa panel.
Inabot siya ng ilang minuto bago tuluyang narating ang pinakataas na palapag ng building. Kung kasing yaman niya si Stephen, hindi na niya nanaising tumira sa ganoon kataas na floor. Tiyak na uubanin na siya bago pa makarating sa unit. Lalo na kung ganoon kadami ang sumasakay. Kailangan pa niyang makipagdikdikan makarating lang sa pintuan na nasa harapan niya.
Knock. Knock. Knock.
Wala pa ring nagbubukas ng pinto. Hinintay niya ang ilang minuto baka sakaling may tinatapos lang pero wala pa ring nagbubukas noon. Haayyyy. Ang tagal ha. Kumatok ulit siya.
Knock. Knock.
Biglang nagbukas ang pinto at bumungad ang nagtatakang mukha ni Stephen. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong wag ka nang pupunta dito? May nakalimutan ka pa ba? Ano ba yon?”
Mabilis na tumaas ang dugo ni Paige kasabay na rin noon ang pagtaas ng kilay niya. Sira pala to e. Bakas na ang pagiging iritable ng tingin niya. “Tigilan mo nga ako, Stephen!” Inis niyang sabi dito habang nakapameywang. “Ikaw ‘tong nagpapunta sa akin dito. Ikaw pa ‘tong magtatanong kung anong ginagawa ko dito?”
“Ano bang sinasabi mo?” Seryoso na ang mukha nito. Kung seryoso na kanina, mas serysoso pa ngayon.
Kinuha niya ang cellphone at ipinakita dito ang ibedensya. “Ayan o. Tingnan mo!” Kita niya ang paniningkit ng mga mata nito habang binabasa ang laman ng conversation nila. Agad itong lumabas ng pintuan at may tiningnan na kung ano sa may elevator. O ano namang tinitingnan nito ngayon? Umiling-iling siya. Siguro na-wrong send ito sa kanya at iba naman talaga ang hinihintay.
Damn! He gritted his teeth. Tumatakbo ang mga elevator pataas. Of course. Lagi namang operational ang mga ito. Pero masama ang pakiramdam niya sa kung sinong laman ng mga yon. 15. Nasa 15th floor palang ang isa. The other one… Sumulyap siya sa LED display ng katabing lift. 35. Too close. Mabilis siyang bumalik sa unit at iniabot kay Paige ang cellphone nito. “Umalis ka na. Bilis!”
“H-Ha?” Maang na tanong nito. “Matapos mo akong — …”
Wala na siyang panahon para magpaliwanag pa dito. Hinila na niya ito papunta sa private elevator na nasa bandang kanan at medyo tago rin. Ginagamit kasi yon ng mga service personnel at VIP na kinabibilangan ng kuya niya na siya mismong Director ng Hotel. Siya naman, minsan lang dumadaan doon kapag emergency katulad ng nangyayari ngayon.
“Wag ka nang babalik dito. Kung gusto kitang kausapin, tatawag ako o kaya pupuntahan kita. Hindi isang simple at cheap na text lang.” Mariin pa niyang sabi kay Paige. Siguro dinelete nito ang number niya. Ang layo naman kasi ng number na yon sa gamit niya.
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...