Nag-uumpisa na silang kumain ng bigla na lamang siyang siniko ng kaibigan niya. “Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa kasama mo?” Agad na natigilan si Paige. Nakalimutan na nya si Stephen! Sumulyap siya dito na tahimik pa rin sa isang sulok. Titingin-tingin lamang ito sa kanila. “May naalala ako!” Bulalas ng kaibigan niyang si Megan. “Hindi ba sabi mo kapag nagkita tayo, ipapakilala mo na sa akin ang boyfriend mo? Nagawa ko na ang part ko. Ikaw naman ngayon, Paige. Sya ang boyfriend mo hindi ba?”
Muntikan namang masamid ang lalaking kasama nito at agad na tumingin sa kanya na waring nagtataka. “Isang nerd ang boyfriend niya?” Tanong pa nito sa kaibigan niya.
Sumulyap siya kay Stephen at nakita niya ang pagbabago sa tingin nito bagaman hindi nakatingin sa kanya. Maging siya ay nagulat sa sinabi ng boyfriend ni Megan. Ang kaibigan naman nya ay natahimik at hindi alam ang isasagot sa lalaki. “Teka lang ha?” Siya na ang sumagot. “Wala naman akong nakikitang masama sa pagiging nerd. Isa pa — …”
“Ako nga pala si Stephen. Stephen Lee.” Putol ni Stephen sa sasabihin pa niya. “Oo. Girlfriend ko siya at ako ang… boyfriend nya.” Katahimikan ang sumunod. Sumulyap ito sa kanya saka ngumiti na parang natural lang. Saan ba niya nakukuha ang ganoong ekspresyon? Mabilis siyang pinamulahan ng mukha. Ano bang sinasabi ng isang to? Nasisiraan na ng ulo! Isang matalim na tingin ang ibinato niya kay Stephen. Naramdaman naman niya ang pagsipa nito sa paa niya kasunod ang isang makabuluhang tingin. Umiling na lamang siya.
“So Stephen…” Umpisa ng kaibigan niya. “Paano kayo nagkakilala ni Paige?”
Ngumiti ito at bahagyang inayos ang pagkakalapat ng salamin nito. “Sa Hartford University kami nagkakilala. Transferee ako galing Pristine.”
Namilog naman ang mga mata ng kaibigan niya sa narinig saka bumaling sa kanya. “Sa Hartford ka nag-aaral, Paige?” Tumago siya at paiwas na tumingin dito. Bumaling ulit ito sa kaharap niya. “Galing kang Pristine University? Wow! Puro genius ang nanggagaling sa University na yon!”
Isang pakunwang pagkasamid naman ang narinig nila. Si Bryan. Mukhang naaout-of-place na ito sa topic nila. Idagdag pa ang animoy pagkabagot ng itsura nito. Ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone nito. Mabilis naman nitong chineck ang notification. Halata ang pag-iiba ng itsura nito na bahagyang natigilan. Tumayo si Bryan. “Ahh. CR lang ako, hon.”
Tumango naman ang kaibigan niya. “Okay. Bilisan mo hah?”
Ngumiti ito at mabilis na umalis. Mamaya-maya ay nag-ring rin ang cellphone ni Stephen. “Excuse me. Importante lang.” Umalis rin ito para sagutin ang tawag sa isang pribadong lugar. Para namang nabunutan ng tinik si Paige sa pagkawala ng dalawa. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang iyon. Kahit na mukhang kalmado si Stephen, may pakiramdam siyang nagtitimpi lang ito. Iba rin naman kasi ang tabas ng dila at ugali ng boyfriend ng kaibigan niya. Tssk. Hindi pa rin siya makapaniwala na makikita nya ang kaibigan sa lugar na yon at kasama pa si Stephen. Ang malala pa, napagkamalan pa itong boyfriend niya na sinakyan naman nito. Double date tuloy ang nangyari.
“Mukhang napakabait ni Stephen.” Narinig niyang sabi ni Megan saka isinubo ang maliit na hiwa ng steak. “Sa Pristine pala siya nanggaling.”
Pilit siyang ngumiti. Mukha lang. Sa isip lang niya nanatili ang mga salitang yon at malayong-malayo sa lumabas sa bibig niya. “Oo nga e. Napakabait niya.” Buti nalang wala doon si Stephen at hindi maririnig ang mga pinagsasasabi niya. “Si Bryan rin naman e.”
BINABASA MO ANG
Dating A Geek
ActionPaige Williams was down on her life as an scholar sa kilalang University ng Hartford. Wala na syang ibang pangarap kung hindi ang maka-graduate sa architectural course na kanyang kinukuha which was her mother's dying wish. Things change when she met...