Chapter Song: This is Gospel by Panic! At the Disco
×Eleina's
Ang sakit ng ulo ko. What the hell happened? Iminulat ko ang mga mata ko at wala akong makita. Ang dilim pero ramdam ko ang pagkirot ng labi ko at nalalasahan ko ang dugo. Nasaan na ba ako.
Bumangon ako dahil nakahiga ako sa malamig na simento. Tumayo ako kahit na wala parin akong makita. Ramdam na ramdam ko rin ang pananakit ng buong katawan ko. Ano bang ginawa sakin ng lalaking iyon.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako boses.
"You should thank me," kilala ko ang boses na yun.
Napapikit ako nang buksan nya ang ilaw at itinutok iyon sakin.
"I just saved you from those Orkbloods," iminulat ko ang mga mata ko. Inalis nya ang ilaw sa posisyon ko at pinasadahan ko syang tiningnan. Nakasuot sya ng simpleng tshirt at jeans, he looks simple but I bet his not.
"So your definition of saving is this? You even hurt me!," I shouted. Napahawak ako pumutok kong labi. Bakit nya pa ako kailangan saktan.
"Well, I'm really sorry for that, I didn't mean it," aniya.
"Who are you? What do you want from me!," I exclaimed. Nginitian nya ako. Isang nakakalokong ngiti.
"I don't need anything from you, I'm not gonna use you," hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
"Sinagip lang kita," dagdag nya.
"Well I don't need your help!," tumawa sya sa sinabi ko.
"Don't trust them, Orkbloods will use you," he said. Tsk. Anong akala nya sakin? Baliw para pagkatiwalaan ko sya?
"You're a halfblood," I concluded. Nagkibit balikat lang sya sa sinabi ko.
"You can say that," aniya. Nagkaroon ng ilaw ang buong lugar.
Nasa isang safehouse ako o more like nasa isang kulungan.
"Kung wala kang kailangan sakin then let me go!," I blurted.
Nakaupo na sya sa black couch. Tinaas nya ang pointing finger nya sabay lagay sa labi nya.
"Shhh...you're hurt Eleina, magpahinga ka muna," aniya. Hindi ako makapaniwala sa lalaking to. I don't even know who is this!
"You should sit, may bakanteng upuan," turo nya sa plastic chair. Sumunod na lang ako dahil masakit amg katawan ko.
"Mahahanap nila ako," diin ko. Natawa sya. I hate how he laughed at me.
"You know what Eleina, you don't need them," hindi ko alam kung ano ba ang nalalaman nya sakin.
"How can you say that," he wants to play a game? Makikipaglaro ako.
"You won't die," natigilan ako sa mga sinabi nya. So may alam nga sya.
"Anong alam mo," I asked. Biglang nawala ang lakas ko para makipagsagutan sakanya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}