×Eleina'sMatapos nun, medyo may nagbago nga samin ni Sebastian. Nawala na yung barrier saming dalawa at hindi na awkward kapag magkasama sila ni Lirah. Yung pakiramdam na nakawala ka na. Basta yung magaan yung pakiramdam mo.
At lumipas nga ang tatlong araw na walang Halfbloods. Tho, nababahala nga ako dahil alam kong hahanap ng paraan si Hunter para makalabas dun at alam ko ring hindi pa sya tapos sakin. Pero sa ngayon. We're going to celebrate the birthday of Elise Brothers. Hindi ko pa malalaman kung hindi sinabi ni Grae sakin. And just like humans, they give importance to this occassion.
Palabas kami ni Lirah ng bahay dahil sa garden namin icecelebrate ang birthday nila. And yes, medyo okay na kami ni Lirah at ganun din ang iba sakanya.
Si Grae at Tito Francis naman ay binubuhat ang mahabang table na gagamit namin. Si Feebie at Tita Maria ang nagluluto habang yung dalawang Elise ay nasa kwarto at nilagyan ni Feebie ng spell para hindi sila makalabas. Natawa pa ako sa reaksyon ni Ronan nang malaman nyang yun ang gagawin sakanila.
Nang maipwesto na nila Grae ang table ay nilagyan ko na ito ng pulang tela. Saka naman nilagay ni Lirah ang isang vase at isa-isa nyang nilagay ang mga roses na pinitas lang din namin sa garden ni Tita Maria.
Inalapag naman nila Tito Francis ang mga uupuan at matapos nun ay naiwan kami ni Lirah sa garden. Naramdaman ko ang pagtitig nya sakin kaya napatingin ako sakanya.
"Iba yung ngiti ng mga mata mo," komento nya. Napatawa ako sa sinabi nya.
"Masaya lang ako," saad ko naman na nakangiti. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako masaya. Pero wala din naman akong dapat ikalungkot kung tutuusin.
"I think it's because of Ronan," napatigil ako sa ginagawa ko.
"Hindi ah," ilang araw na rin nila akong tinutukso kay Ronan. At hindi ko pa nga pala sya nakakausap tungkol dun sa pagsisinungaling nya sakin.
Habang si Lirah at Sebastian. Ang balita, magkaibigan lang daw sila. Tho,hindi ako naniniwala dahil sa pinapakita ni Sebastian.
"May regalo ka bang ibibigay kay Ronan?," napaisip ako sa sinabing iyon ni Lirah. Ilang araw ko na rin naiisip ang bagay na yan. Naisip kong bigyan ang dalawa pero naisip ko rin naman na may binigay na ako kay Sebastian kaya si Ronan na lang ang reregaluhan ko.
"Meron, pero hindi ako sigurado kung magugustuhan nya," sagot ko. Hinalungkat ko ang mga gamit ko nung isang araw at humanap ng pwede kong ibigay sakanya at may nakita naman ako. Nadala ko yung ginawa kong project sa TLE namin, isang bracelet at ako ang pinakamataas sa klase nun.
Natapos kami ni Lirah sa ginagawa namin kaya bumalik kami sa loob at kinuha yung mga gagamitin mamaya para sa party. At nang matapos rin naman sina Tita at Feebie na magluto ay nilabas na nila ang mga iyon habang si Grae ay kumuha ng wine at beers sa cellar.
Bandang hapon, mga 5:30 ata ay natapos ang paghahanda namin. Pumanhik ako sa taas, sa kwarto ko para kunin yung bracelet na ireregalo ko kay Ronan at nagbihis na rin. May binigay si Lirah sakin na isang dress. Kulay pula na favorite color ko. Nagbihis na ako at tama nga si Lirah. Bagay sakin.Pagkaayos ko ng buhok ko at makita ko sa salamin na presentable na akong tingnan ay lumabas na ako ng kwarto at saktong lumabas sina Ronan at Sebastian na bihis din at may takip sa mga mata na sinundo ni Grae at Lirah. Sigurado bang hindi nila nakikita ang paligid dahil una sa lahat bampira sila. Anyway, umuna akong bumaba at lumabas. Hawak-hawak ni Tita Maria at cake ni Ronan habang si Tito Francis naman kay Sebastian.
Nakakainggit talaga tong dalawa dahil ganito kasaya kapag birthday nila. Ako, hindi pa ako naka-experience ng ganito. Napailing ako sa mga naiisip ko, hindi ko to araw kaya hindi dapat ako mag-isip ng mga ganun.
Lumabas na nga ang dalawa at sinindihan na namin ni Feebie ang mga cakes. Inalayayan naman nila ang dalawa patungo dito at tumigil na sila sa harapan. Kinakabahan ako at excited sa magiging reaksyon nilang dalawa.
Iniwan na sila nila Lirah at Grae. Sinaway naman ni Grae si Ronan nang tangkain nyang alisin ang takip sa mga mata nya.
"Okay wait. Bibilang kami ng tatlo saka nyo lang tatanggalin ng sabay ang mga takip nyo sa mata!," ani ni Grae.
"Oo na!," natawa ako sa sinabi ni Ronan habang si Sebastian ay parang walang narinig. Magkaiba talaga silang dalawa.
"One. Two. Three!," sabay naming bilang at inalis na nga nilang dalawa ng takip sa kanilang mga mata at napatingala ako sa itaas nang may fireworks na nagbibigay ng kulay sa kalangitanan.
"Happy Birthday Ronan and Sebastian!," sabay-sabay naming bati at sabay na nagbukas ng champagne si Grae.
"Thank you to my magic," rinig kong saad ni Feebie.
Nakangiti ng malapad si Ronan at lumapit na kay Tita Maria kung saan andoon ang cake nya at ganun din si Sebastian. Kahit na hindi katulad kay Ronan ang reaksyon nya, alam kong masaya sya.
At sabay na nga nilang hinipan ang mga kandila matapos makapagwish. Lumapit si Lirah kay Sebastian at nakita ko ang pagbigay nya ng regalo kay Sebastian. Napatingin naman ako kay Ronan na nakatingin na sakin. Lumapit ako sakanya.
"You look great," saad nya.
"I know," ngisi ko.
"Anyway, Happy Birthday Ronan," saad ko at kinuha ko ang kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko at napangisi ako dahil dun. Nagugulat din pala ang bampirang to.
"This is my gift for you. Please wear this, always, kapag nawala mo yan, katapusan mo na," saad ko habang isinusuot ko ang bracelet sa kanyang wrist. I sound like a girlfriend.
Nang matapos kong gawin iyon ay pinasadahan ko sya ng tingin na tinitingnan ang regalo ko.
"This will be my lucky charm, on this day onwards," he said. Napangiti ako dahil dun.
Sumingit si Grae samin at hinila si Ronan. Kukunan kasi ni Grae ng pictures ang magkapatid kasama ang mga magulang nila at ang kaisa-isahang babaeng kapatid nila.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko silang lahat.
"Kinilig ako sainyo," napatingin ako sa katabi kong si Lirah na ang ganda tingnan sa suot nyang white dress.
Natawa na lang ako sa sinabi nyang iyon.
"Okay lang ba ang mga magulang mo?,"natanong ko bigla. Nawala ang ngiti nya sa labi kaya agad akong humingi ng tawad.
"It's okay. Matagal na silang patay, hindi na ako naniniwala sa mga sinabi ni Hunter," nginitian nya ako. Kung iisipin magkapareho kami ni Lirah.
"They're my family now," aniya. Napatango ako sa sinabi nyang iyon.
Tinawag naman kami ni Grae para sumama sa picture taking.
Tama si Lirah. They're my family now too.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}