20

942 36 4
                                    

Chapter Song: Yellow by Coldplay



×Eleina's

Naninibago ako sa kadahilanang walang Hunter ang nagpapakita sakin ngayon. Mas lalo tuloy akong napapaisip sa mga pinaplano nya. Hindi nya ako tatantanan hanggat hindi nya nagagawa ang gusto nya.

Pinatay ko ang shower at kinuha ang towel saka binalot ito sa basang katawan ko. I really need this. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Lumabas ako ng banyo at nagsimula na akong magbihis. Napahiga ako sa kama nang matapos ako, kahit ang pagsuklay ng buhok ko ay tinatamad ako. Ayaw parin ako lubayan ng isip ko. Hanggang sa nakarinig ako ng pagkatok galing sa labas.

Napabangon ako at pinagbuksan ko kung sino man ang nasa labas.

Pero pagkabukas ko ay mukha ni Sebastian ang bumungad sakin.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"Uh...," yan lang ang nasabi ko.

"Can we talk?," aniya.

Totoo ba tong nangyayari? Kinakausap ako ni Sebastian?

"Uhh..sure," pinapasok ko sya sa loob ng kwarto.

Kabado ako dahil out of nowhere ay gusto nya ako makausap. This is weird! Totally weird!

Pinagmasdan ko sya. Iginala nya ang kanyang paningin sa loob ng silid ko. Mabuti na nga lang at malinis. Pero nakakahiya ang ayos ko. Hindi man lang ako nakapagsuklay!

"I just want to say sorry," mahinahon nyang saad.

Kumakabog ang puso ko habang iniisip kong mabuti ang linyang yun. He's sorry for what?

"Uhh..," hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang.

"Tungkol kahapon, sorry if I offended you," aniya. Napatango ako. Tungkol pala kahapon ang punto nya.

"I know you're the key and we are thankful for everything that you have done for us but we also need Lirah," he explained.

Sa mga sinasabi nya palang ngayon ay masaya na ako.

"You don't need to explain your side, alam ko naman yun," sagot ko.

"But thank you for telling me that," I added.

Tanggap ko na na si Lirah ang other key. Wala naman akong dapat ikabahala o anuman. And besides I'm thankful because finally may paraan na.

"Pasensya na rin sa mga nasabi ko at ni Ronan kahapon, we're just making sure," ani ko at tumango naman sya. Ang akala ko rin kasi nainis sya sa pinakita namin ni Ronan.

Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha nya. Maybe I'm really am attracted to Sebastian.

Matapos ang usapan naming iyon ay lumabas na sya. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa nangyari. Inisip nya talaga yung naramdaman ko sa sitwasyong iyon. So far, yun ang pinakamagandang usapan namin ni Sebastian.

Lumabas ako ng silid ng naka-ayos. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang mag-ayos. Kaonting polbo at lipstick lang naman ang ibigsabihin ko ng ayos.

Nakasalubong ko si Feebie pagkababa ko. Tinutukan nya ang mukha ko.

"Nagpapaganda ka ata ate E!," namula yata ako sa sinabi ni Feebie sakin.

"Hindi ah, nag-ayos lang ako," I defended.

"Where's everyone?," I asked. Ang tahimik kasi ng bahay.

"We're having barbeque time," ani ni Feebie at hinila ako palabas ng bahay. Bumungad naman sakin ang halakhak ni Grae at Ronan.

Si Tita at Tito ay nag-iihaw ng barbeque habang si Sebastian ay kasama si Lirah.

I hate what I am feeling now. Hinila ako ni Feebie papunta kina Ronan na nagtatawanan parin.

Natahimik naman sila sa pag-upo ko sa tabi ni Ronan.

"Tulungan ko lang sina mom," ani ni Feebie at umexit.

"Akala namin tulog ka," ani ni Grae.

Ronan offered me a bottle of beer and I didn't hesitate to accept it.

Uminom ako. Hindi ko talaga gusto ang lasa ng beer pero hindi namang masama kung subukan ko kahit paminsan minsan lang. And everyone's chilling.

"I don't want to be left behind," sagot ko sa sinabi ni Grae.

Napahinga ako ng malalim at uminom ulit. Napangiti ako nang makita kong punasan ni Tita Maria ang pawis ni Tito Francis.

Nakaramdam ako ng inggit. Naisip ko lang kasi na hindi kami nagkaroon ng ganito. Busy parati si dad sa trabaho nya at minsan lang kung umuwi. Wala kaming ganito. Bonding time. Kahit pagkain ng kumpleto sa hapag ay hindi ko rin naranasan.

Kung noon ang iniisip ko ay dahil sa workaholic si dad ngayon iba na. Hindi kami nagkakaroon ng ganito oras dahil hindi naman talaga kami pamilya. My mom is my aunt and my real mom is dead.

Tiningnan ko ang katabi ko na si Ronan and he met my gaze.

"Are you thinking about me?," naiwas ko ang tingin ko dahil dun.

"Makaalis na nga! Pinalilibutan ako ng mga lovebirds!," ani ni Grae at umalis papunta kina Feebie.

"What are you thinking? Mukhang ang lalim," pinasadahan ko ng tingin si Ronan.

Sasabihin ko ba? Baka masira ko lang ang lahat kapag sinabi ko.

"Nagugutom ako," saad ko. Mukhang naniwala naman sya kaya tumayo sya at pumunta kina Tita. Siguro kukuha ng pagkain.

Pinagmasdan ko lang ang malapad nyang likod.

Bakit ba ako natatakot na itanong kay Ronan ang tungkol dun.

Natatakot lang siguro ako. Natatakot ako na tama si Hunter.

Lumingon ako sa likod kung saan andun sina Lirah at Sebastian. Nahuli ako ni Lirah na nakatingin kaya kumaway sya at nginitian ako. I smiled in return. Inalis ko rin naman ang tingin ko nang makabalik si Ronan sa tabi ko.

"Eat, all of that," saad nya or more like utos nya.

Pinagmasdan ko ang isang plato ng barbeque na nasa lap ko.

"Seryoso ka? Anong tingin mo sakin? Patay gutom?," umiling ako sa sobrang dami ng dinala nya.

Tinulungan nya rin naman akong ubusin ang mga barbeque. Everyone's having a great time. Parang wala kaming dapat ikabahala at intindihin. Masaya ako kahit maraming mga nangyari ay may pagkakataon kaming maging ganito.

Naubos ko na rin sawakas ang isang bote ng beer at isang malaking achievement iyon para sakin.

"Ronan," tawag ko.

"Hmmm...," aniya. Napatingala ako sa kalangitan. Gumagabi na at nagsisilabasan na ang mga bituin.

"Paano nyo nalamang ako yung key?," out of nowhere kong naisip. Ang dami kong tanong sa isipan ko.

"Dahil sa pangalan ko? Sa mga guardians?," hula ko.

Tinuon ko ang atensyon ko sa mukha ni Ronan. Bakit ba maganda ang lahi ng mga bampira?

"Hindi," simpleng sagot nya.

"Hindi dahil sa pangalan mo o kahit sa mga guardians mo," dugtong nya.

"Eh papaano?," I asked.

"I just happened to know it's you," saad nya.

Hindi ko alam kung ano o bakit pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Yung parang aatakihin ka sa sobrang bilis neto? Kahit na anong sabihin mong "kalma lang" ay hindi ka sinusunod ng puso mo, parang may sariling pag-iisip ito.

"I know you're the key," Ronan added.

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon