30

881 35 0
                                    

×Eleina's

     Natahimik ako sa sinagot ni Feebie sakin. Kaya ba ganon na lang sya? Napaka-cold nya at para bang walang puso.

   "Paano sya namatay?," mahinang tanong ko. Napatingin ako sa kawalan.

  "Sino pa bang pwedeng gumawa nun," ani ni Feebie.

   Wala akong ibang maisip kundi si Cornelius at Hunter. Sila lang naman ang mga hadlang sa buhay ng mga Orks.

   "Tapos simula nun naging ganon na sya? Hmmm..," napaisip ako.

  "Magkamukha kami  ni Juliet na nakakapagtaka," I said. Isinarado ni Feebie ang makapal na libro.

  "Yes, doppleganger ang tawag nun ate, nagulat nga kami nung unang dating ka dito sa Vampire Village, akala namin si Juliet," she said. Humalumbaba ako sa mesa.

  "Pupunta na ako sa taas ate, dito ka lang?," tanong nya. I raise my thumb as an answer. Narinig ko ang 'okay'  ni Feebie.

   Naisip ko lang kasi bigla ang lahat. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinabi ni Feebie sakin. Kaya ba ayaw ni Sebastian sakin dahil kamukha ko si Juliet? Tho, hindi naman nya sinabi sakin na ayaw nya sakin, pero minsan kasi yun ang nararamdaman ko. Kahit na nakatanggap ako ng rose na may initial nya ay hindi parin ako sure kung sakanya nga yun. Naiisip ko lang na baka dahil kay Juliet ay hindi nya ako gaanong pinapansin.

    Tiningnan ko ulit yung picture. Nakalagay ang kamay ni Sebastian sa bewang ni Juliet at ang lapad ng mga ngiti nilang dalawa. Mahal nya nga talaga si Juliet, siguro kaya nya inaalagan si Lirah dahil sakanya. Ewan ba, napapaisip lang ako  bigla.

    Kumunot ang noo ko habang tumatagal na tinitingnan ko ang picture. Napahawak ako sa necklace na suot ko.

   Teka. Parehas din tong suot kong necklace sa suot din ni Juliet? Wait. Naguguluhan na talaga ako. Napaupo ako ng maayos dahil dun.

   Coincidence lang ba na parehas kami o iisa lang talaga tong suot namin? How come napunta to sakin. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil dun.

   Gusto ko tuloy kausapin si Sebastian. Dahil kung tama nga ang naiisip ko na kay Juliet tong suot kong necklace then I should return this to him.

  Kaya nakaisip ako ng paraan para magawa ko yun. I want to talk to him. Nahihirapan siguro sya dahil nakikita nya si Juliet sakin. Kaya mas mabuti ng makausap ko sya.

  Kumuha ako ng papel at ballpen saka nagsulat. Tiniklop ko iyon at bumalik na ako sa taas. Pasimple akong pumasok sa kwarto nya at nilagay ang papel na iyon sa itaas ng unan nya. Sana ay makita nya.

   Bumalik ako sa kwarto at nagbihis. Maybe it's time. Nababaliw na nga siguro ako pero basta, bahala na.

  Hindi naman bongga ang pinalit ko. Isang red dress lang at nagsuklay ng kaonti. Tapos lumabas ako ng bahay. I'll be waiting Sebastian sa isang lugar. Dala-dala ko ang picture nila ni Juliet at handa na rin ako.

*

   Sa dami na ng mga nangyari sakin dito sa Vampire Village. Isa lang ang hindi ko pa pinapaniwalaan  hanggang ngayon, that I am inlove with Sebastian. Pilit ko kasing iniiwasan yun o dahil narin kay Lirah. I'm so afraid to admit it. Dahil alam ko naman na zero chance.

  Umupo ako sa isang swing. Natagpuan ko tong playground habang nililibot ako ni Ronan dito. I want this to happen here.

   Umihip ang malamig na hangin dahil gumagabi na. Pinagmasdan ko ulit ang mukha ni Sebastian sa picture. I want him to be like this again at alam kong hindi ako ang makakagawa nun. Mahihirapan lang sya sakin. Si Juliet ang makikita nya at hindi si Eleina.

   Napakagat ako ng labi nang may makita akong lalaking papalapit at unti-unting naaninag ko ang mukha ni Sebastian. He's gorgeous and like an angel, he's tempting.

  Itinago ko ang picture bago nya pa makita.

  "Hi," bati ko. Nginitian nya ako at hindi masaya ang naramdaman ko, bigla akong nalungkot at may kung ano sa loob ko na sumasakit.

   Umupo sya sa katabing swing. Pinasadahan ko sya ng tingin.

  Dapat nga kabahan na ako sa mga sasabihin ko ngayon. Pero kahit katiting na kaba ay wala akong maramdaman.

   "Uhm.. mabuti nabasa mo at pumunta ka," I started. Napakagat ako ng labi.

   "Gusto lang kitang makausap tungkol sa isang bagay," inabot ko sakanya yung picture.

  Pinasadahan nya muna yung binigay ko bago tinanggap iyon.

  "About that but let me talk first," huminga ako ng malalim bago magpatuloy magsalita.

  "Nasabi sakin ni Feebie kanina ang tungkol kay Juliet at nagulat ako nang makita kong magmamukha kami. And then I realized, maybe that's the reason why you're aloof with me. Tho, wala ka namang sinabi sakin na ganon nga ang nararamdaman mo pero yun kasi ang dating sakin, yun ang nararamdaman ko. Pero hindi naman ako galit sayo o ano. I just want to say that, I am sorry kung nahihirapan ka dahil sakin. If everytime you look at me you remember her. I'm sorry if I make it hard for you," malayo ang tingin ko habang sinasabi ko yun dahil hindi ko kaya na tingnan sya.

  Gusto ko pa sanang magsalita pero natatakot ako na baka magsalita pa ako, iiyak na siguro ako. Kahit na wala naman akong dahilan para iiyak. Pero ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko.

   "Eleina," malamig ang dating ng pagtawanag nya sa pangalan ko.

   "I'm sorry," napalunok ako dahil dun. Ayokong makarinig ng kahit na ano sakanya.

  "Wait," I said at inalis ko ang suot kong necklace. Tiningnan ko sya at ngumiti.

  "This belongs to you, to her," inabot ko sakanya ang necklace.

   "Salamat sa pagpapahiram," I stated at tumayo na ako. I manage to give him a smile.

   Inilahad ko ang kamay ko na ikinabigla niya.

   "I hope this breaks the barrier, let's be friends Sebastian," saad ko. Matagal nya akong tinitigan at ramdam ko ang pangangalabit ng luha ko.

     Sumaya ako nang magshake hands kami. Kasabay nun ay ang pagtanggap ko na hindi talaga pwede.

   "Uhm. Pwede bang paunahin mo na akong umalis? Mga 10 minutes saka kana sumunod," napangiti sya sa sinabi ko. Hindi ko kasi kaya na sumabay sakanya bumalik ng bahay.

   Tumango sya at yun na nga. Umalis na ako sa playground at agad na napapunas ako ng luha habang papalayo ako. I'm letting him go. Mas makabubuti to.

   Habang papalapit ako sa bahay ng mga Elise ay napatigil ako dahil sa isang bampirang nakasandal sa isang poste.

  Napailing ako nang makilala ko kung sino yun. Dinaanan ko sya at ramdam ko ang pagsunod nya sakin.

   "Stalker," I murmured at nakatanggap ako ng tawa galing sakanya.

  Napatigil ako nang nasa harapan ko na sya. Papatayin ako sa gitla ng bampirang to.

   "Here," aniya at may nilahad.

  "Tanggapin mo," hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ang isang rose sa palad ko at tinalikuran ako at naglakad palayo. Wow ha, ang gentleman.

   "Anong trip nun," nasabi ko at sumunod rin naman sakanya. May pabigay-bigay pa sya ng rose sakin.
 

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon