29

835 38 0
                                    

Chapter Song: Check Yes Juliet by We The Kings

×Eleina's
  

    Unti-unting napahiga si Lirah sa harapan ko. Bigla akong nataranta kaya tiningnan ko sya. Wala na syang malay at punung-puno na ng dugo ang dibdib nya.

 
   "Oh my God Lirah! Bakit mo ginawa iyon!?," hinawi ko ang buhok nyang nakatakip sa mukha nya.

   "Eleina let's go," lumapit samin si Ronan at nakatingin sya kay Lirah.

   "Ronan save her," kita ko sa mukha nya ang pagdadalawang-isip.

   "We can't leave her, please," I insisted. Sumuko rin naman sya kaya inalis nya ang nasa dibdib ni Lirah at binuhat nya si Lirah saka lumabas kaming tatlo.

   Pagkalabas naman namin ay sinalubong kami nila Feebie. Lahat ng mga tingin nila ay naka kay Ronan na buhat-buhat ang duguang si Lirah.

   Bago paman may magtanong kung bakit kasama si Lirah ay nagsalita na ako.

   "Niligtas nya ako. Ako dapat ang nasa sitwasyon na yan," ibinaba ni Ronan si Lirah at agad naman na lumapit si Sebastian sakanya.

   "We should go, natapos ko na ang spell, they're trap there," saad ni Feebie.

  
   Kaya bumalik kami sa bahay. Ginagamot ni Feebie ang ma magulang nya. Sina Sebastian at Grae ay nasa isang kwarto kung saan naroon si Lirah.

Tahimik naman ako sa salas dahil hindi ako mapakali sa lagay ni Lirah. She can't die because of me! Hindi ko matatanggap iyon! Magkakaroon ako ng utang na loob sakanya! No!

   "Magpahinga ka na muna," ani ni Ronan sakin. Napailing ako.

   "I can't---," sumingit sya sa sinasabi ko.

   "She'll be okay, sisiguraduhin yun ni Sebastian," aniya. Huminga na lang ako ng malalim at hinatid nya ako sa kwarto ko.

   "Thank you for saving me," ani ni Ronan. Nginitian ko sya.

   "You don't have to," I said at tuluyan ng pumasok sa loob.

   Una kong ginawa ay ang maligo. I'm so exhausted so I need to take a bath. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Lirah. Ano naman kasi ang pumasok sa isipan nya at niligtas nya ako? Dahil ba naguilty sya sa mga sinabi ko? Pero hindi nya man lang naisip si Sebastian. Kapag may nangyaring masama sakanya, pakiramdam ko ay hindi na ako tuluyang kakausapin ni Sebastian.

  
  
Napapikit ako habang iniisip ko ang mga bagay na yun. Pagkatapos ko namang maligo at makapagbihis ay humiga ako sa kama. It's been  awhile since nakahiga ako sa kama. This is hard for me and I miss my mom and my friends. I just hope na matapos na ako dito. Pero napapaisip rin ako kung ano ba ang mga mangyayari pagkatapos nito.

   Nalagay ko sa mukha ko ang unan dahil ayaw ako patahimikin ng isip ko. I just want to sleep. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagawa ko namang pigilan ang mga ideyang nagpapagising sa akin at nakatulog ako.

 

*

   Kinaumagahan ay nagising ako. Masarap ang tulog ko at para bang nabalik lahat ng lakas ko. Bago ako bumaba ay nagdasal muna ako na sana ay buhay pa si Lirah. Kaya pagkalabas ko ay kinakabahan na kumatok ako sa kwarto kung saan naroon sya. Maya-maya ay pinagbuksan rin naman ako. Ni Sebastian.

 
   Nangangapa ako ng mga salitang pwedenh ipangbungad sakanya pero hindi ako nakapagsalita kaya dumiretso na ako sa loob at nakita ko ang may malay na si Lirah. Nginitian nya ako.

   Lumabas si Sebastian para siguro bigyan kami ng oras ni Lirah na makapag-usap.

Napakagat ako ng labi ko habang papalapit ako sakanya.

   "Hi," bati ko. How stupid that was Eleina.

   "Are you okay?," I asked. Tumango naman sya sakin.

   "I'm sorry Eleina," aniya. Hinayaan ko na lang syang magsalita dahil may kasalanan naman talaga sya pero hindi naman sakin kundi sa mga Elise. Lalo na kay Sebastian. But I guess, napatawad na nya si Lirah.

  "Nakipagsabwatan ako kay Hunter dahil hawak nya ang pamilya ko. I can't do anything, kundi ang sumunod," paliwanag nya.

 

   "So I deserved this," aniya at napatingin sa sugat sa dibdib nya.

 
   "Narealize ko ang mga sinabi mo sakin, I love Sebastian and I hurt him, bigtime. Pero salamat sa'yo, you made me realize what I did," she added.

  
  
   "I'm sorry," she said. Nginitian ko sya para sabihing okay na kami.

   "Thank you for saving me," simple kong saad.

   Sa punto nato, pagkakatiwalaan ko si Lirah despite sa lahat ng mga nagawa nya. Mahal nya si Sebastian kaya wala na akong dapat ikapagtaka sakanya. Love can change a person.

   Matapos namin makapag-usap ay pumunta ako sa salas at nasalubong ko si Feebie.

   "Are you okay?," tumango sya sa tanong ko.

   "Okay na sina mom at dad," dagdag nya. Napahinga ako ng maluwag dahil dun.
  

  Magtatanong sana ako kung nasaan si Ronan at Grae pero hindi ko nalang tinuloy at sumama na lang kay Feebie.

  Gagawa sya ng potion for the recovery of Lirah at nila Tito at Tita. Malaki ang tulong na ginawa ni Feebie para matrap sila Cornelius at Hunter.

   Bumaba kami ni Feebie at tutulungan ko sya.

   "Nag-usap na kami ni Lirah," pagbubukas ko ng topic. Napatigil sya sa pagflip ng page.

   "Really? Anong sabi ate?," umupo ako bago sumagot.

  "Hmmm...she's sorry," sagot ko.

  "Nagtitiwala ka na sakanya ngayon?," tinaasan ako ng kilay ni Feebie.

   "Bakit ikaw hindi ba?," binalik ko ang tanong sakanya.

   "Well, malaki ang kasalanan nya dahil namatay si Brick pero dahil niligtas ka nya, siguro mga 50% yung tiwala ko sakanya," aniya.

   "Do you think  nagbago na sya?," tanong nya sakin at napaisip rin naman ako.

   "Well, I can't say that pero mahal nya si Sebastian," natigilan ulit si Feebie at nanliliit ang mga tingin nya sakin.

   "You're jealous ate E?," umiling ako.

   "Nope. Ewan ko," tinawanan nya ako.

   "Alam mo kasi naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa taong yun, and besides for me, love can change a person," pagkasabi ko nun ay pinanood ko si Feebie na may kinuha sa isang malaking aparador.

   "Naniniwala din ako dyan," rinig kong saad nya at humarap sya sakin at may binigay sakin.

  Isang picture.

   Pinasadahan ko ng tingin ang picture. Nabalik ang tingin ko kay Feebie nang mapagtanto ko kung sino iyon.

   "Is this Sebastian?," hindi makapaniwala kong tanong. Tumango ulit sya.

   "Yep! That's Kuya R. with his first love," nabalik ko ulit ang tingin ko sa picture. Hindi naman si Lirah ang kasama nya kundi, ako?

   "Wait. May sira na ba tong mga mata ko o tama tong nakikita ko? Is this me?," kumunot ang noo ko.

   "Nope. That's Juliet," tinitigan ko ng maigi silang dalawa. Hindi ko pa nakita si Sebastian na nakangiti. Then where's  Juliet? At isa pa, bakit magkamukha kami ni Juliet?

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon