21

942 38 1
                                    

Chapter Song: Another Day by Paramore



×Eleina's 

     Nagkakasiyahan na ang lahat at dumating na rin si Brick. Nasa garden parin kami at patuloy ang barbeque time. Hindi na kami nababahala sa mga Halfbloods dahil andyan si Brick. Nilagyan nya ng harang ang bahay para sa proteksyon namin. Kaya walang makakapigil sa pagsasaya namin ngayon.

   Kasama ko sa table sina Feebie at Lirah. Nasa kabilang table naman ang mga lalaki dahil may sinasabi si Brick.

  
  Tahimik ako habang ang dalawa ay may pinag-uusapan, mabuti na nga lang at magkatabi sila. Nakapangatlong bote na nga pala ako at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagiging manhid ng katawan ko. Naiinitan na rin ako at pakiramdam ko ay lasing na siguro ako. Pero alam ko pa naman ang mga nangyayari. Maybe I'm just tipsy.

    "Diba Eleina?," naagaw ang atensyon ko dahil dun. Napatingin ako sa harap.

    "Hmm?," ani ko.

   "We're talking about you and Ronan," ani ni Lirah.

  Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

   "About me and Ronan?," inulit ko lang ang sinabi nya. Tumango sya sa sinabi ko.

   Natawa naman ako dahil dun.

   "What about me and Ronan?," kunot noo kong tanong.

   "Lirah's talking about how you and Kuya R look good together," ani naman ni Feebie.

   Natatawa talaga ako sa mga sinasabi nila.

   "I'm just saying na bagay kayo," kita ko sa dalawa ang panunukso nila sakin.

   Napailing ako.

   "Uh...walang meron samin, please," natatawa kong saad.

   
  "Alam mo naman yung prophecy diba?," nawala ang ngiti ko dahil dun.

   Napatango ako. Yeah. Alam ko ang tungkol dun.

   "Since I'm a key too ibigsabihin si Sebastian ang nakatadhana sakin," uminit ata ang katawan ko sa sinabi nya. Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasasabi ni Lirah.

   "Ikaw at si Ronan ang para sa isa't-isa," dagdag nya pa. Nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto kong sabihin na hindi totoo ang mga sinasabi nya pero hindi ko na lang ginawa dahil baka iba ang dating sakanila.

   

   "Pinag-usapan nga namin kayo ni Sebastian at parehas kami ng tingin sa inyong dalawa," sabi nya pa.

     Oo nga pala, parati silang magkasama.

  "Kayo na ba ni Kuya S?," tanong ni Feebie kay Lirah. Kinilig pa ito sa tanong  ni Feebie. Napakuyom ako ng kamay ko na nasa ilalim ng mesa.

    "Hindi pa. Pero ramdam ko naman sa pag-aalaga nya," saad nya. Hindi ko alam pero ako lang ba o masyado lang talaga assuming ang dating nya sakin?

    Nagiging masama yata ang mood ko ngayon. Pwede bang iba na lang ang pag-usapan namin dahil hindi talaga ako natutuwa sa mga lumalabas sa bibig ni Lirah ngayon.

   "Makakalabas din kayo Feebie," aniya at nginitian si Feebie.

    Iba talaga ang nararamdaman ko kay Lirah. Basta hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sakanya, o dahil sa nakainom ako at tipsy na ako.

  
    Napatingin naman ako sa kabilang table. Nahuli ko ang tingin ni Ronan sakin. Imposible ang mga sinasabi ni Lirah samin  ni Ronan. Hindi yata ako ang tipo ng babae na nagugustuhan ni Ronan.

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon