Chapter Song: Guillotine by Jon Bellion
×Eleina's
"I need to go," napatayo ako at pinasadahan ako ng tingin ni Feebie.
"Teka saan ka pupunta?," huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Lalabas lang ako saglit. I'll be right back Feebie," saad ko at hindi na hinintay ang sagot nya.
Patakbo kong tinungo ang lugar kung saan alam kong makikita ko si Hunter.
Yes. I'll do it. Tatanggapin ko na. Kailangan kong tanggapin iyon dahil mamatay si Ronan kapag hindi ko ginawa. Hindi ko sya pwedeng hayaang mamatay lalo na't alam kong may paraan. Paraan na napakadelikado.
Humihingal na tumigil ako at iginala ko ang tingin ko sa paligid.
"Hunter!," I shouted. Walang sumagot sakin maliban sa malamig na hangin.
"Alam kong andito ka! Magpakita ka!," I scan the place again.
"I'll do it,"
With that ay nagpakita sya.
"Alam kong magbabago ang isip mo," nakangising saad nya.
"Very good Eleina," aniya. Napakuyom ako ng mga kamay ko. I want to slap him so hard but I can't do that.
"Gagawin ko na. Just give me the potion," kalmado kong saad. Umiling sya sa sinabi ko.
"You heard me. Gagawin ko na. Payag na ako," I said. Umiling ulit sya
Damn! Ano bang ginagawa nya!
"I don't trust you sorry," he said na nakapag-igting ng panga ko.
"You don't have to trust me," I insisted. Humagalpak sya sa sinabi ko.
"If that's the case I won't give you the potion," kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Stop playing games with me Hunter!," tumawa ulit sya sa sinabi ko. What the hell is wrong with him!
"I'm not playing with you Eleina. I need to have your word for me to give this to you," pinakita nya sakin ang maliit na bote na naglalaman ng potion.
"Akala ko kasi hindi na magbabago ang isip mo kaya nabuhos ko, sorry," aniya. Kita ko ang pagkonti ng laman ng potion. Parang isang patak na lang talaga ang naiwan sa bote.
"You're playing dirty Hunter," tinaliman ko ang tingin sakanya.
"You want this right? Then I need your word Eleina. Give me your word," he said.
Naninigurado sya sakin. Alam nyang hindi ko gagawin ang napagkasunduan namin. Hindi ko magagawang pumatay.
"You have my word," I answered. Ngumisi sya sa sagot ko.
"Say it! Say it Eleina!," he shouted.Mabibigat ang hininga nya at ganun na rin ang sakin pero sinusubukan kong maging kalmado.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}