Chapter Song: Sunday bloody sunday by Paramore
×Eleina's
"Eleina!," niyakap ako ni Tita Maria nang makababa ako. Lahat sila ay natigilan.
"Nakabalik ka," lumapit sakin si Brick at niyakap ako.
"Salamat," sagot ko. Humiwalay kami sa pagyayakapan.
Nagtama ang tingin namin ni Ronan. Nginitian ko sya, tumayo sya at lumapit sakin saka ako niyakap. Isang mahigpit na yakap ang binigay nya sakin.
Wala syang sinabi pero matagal bago nya ako pinakawalan.
"Alam kong makakabalik ka," aniya.
"Hindi ako," saad ko. Natigilan silang lahat sa sinabi ko.
"Hindi ako ang may gawa. Hindi ko nga alam kung paano ako babalik," saad ko.
"Kung ganoon, papaano ka nagising," tanong ni Tito Francis.
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pero bahala na.
"Si Hunter," sagot ko na ikinatahimik nilang lahat.
"Tinulungan nya ako. Sya ang dahilan kung bakit ako nagising," sabi ko. Kumunot ang noo ni Ronan. Ang totoo, silang lahat maliban kay Sebastian na wala dito.
"Bakit ka nya tutulungan? Sigurado ka ba?," tinanguan ko si Ronan.
"Nasa kwarto lang ang kaluluwa ko. Nakikita at naririnig ko kayo. At nung umalis kayo ni Grae, dumating si Hunter. May pinainom sya sakin at dahil dun ay nagising ako," paliwanag ko.
Hindi parin kumbinsido si Ronan sa paliwanag ko."May pinaplano sya," saad ni Grae.
At alam ko naman iyon. May plano talaga sya kaya nya ako tinulungan.
"Sinira nya ang ritwal," dagdag pa ni Feebie.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Wala na bang ibang paraan?," tanong ko. Ibinaling ko ang tingin kay Brick.
"Meron," aniya.Lahat kami ay nakatingin na sakanya ngayon.
"Pero imposible," aniya. Hindi na ako naniniwala sa salitang iyan. Parang lahat posible na.
"Ano yun," tanong ni Ronan.
"Imposible dahil iisa lang si Eleina," nakutuban na ako sa sinabing iyon ni Brick.
So totoo ang sinabi sakin ni Hunter. Na hindi lang ako yung key.
"It's possible," I said. Sakin naman ngayon napunta ang atensyon nila.
"Oo posible kung may isa pang katulad mo pero nag-iisa ka lang Eleina," sagot ni Brick sakin.
"Meron nga," saad ko.
Kinakabahan akong magkwento dahil galing nga kay Hunter ang mga impormasyong sasabihin ko.
"Sinabi sakin ni Hunter," namamaos kong saad. Kinakabahan ako sa mga magiging reaskyon nila.
"What? Sinabi sayo ni---," as I thought with Ronan's reaction.
"Nag-uusap kayo ni Hunter?," hindi makapaniwalang saad nya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}