Chapter Song:Happiness by The Fray
×Eleina's
"Lasing ka na," rinig kong saad ni Ronan. Nakapikit na ang mga mata ko at gusto ko ng matulog. Nasobrahan na nga yata ako.
"Lika na," aniya at hinila ako pero kahit ang pagtayo ay hindi ko magawa.
"Dito na ako matutulog," mahinang sabi ko pero alam kong rinig nya iyon. He's a damn vampire.
May sinabi syang hindi ko naintindihan kaya hindi na lang ako nagsalita.
Naramdaman ko na lang ang pagbuha nya sakin. Binuksan ko ang mga mata ko at ang mukha nya ang unang nakita ko. Ang lapit lapit ng mukha nya sakin. Hinawakan ko ang pisngi nya.
"Eleina bitawan mo ako," saad nya. Ang bango parin ng hininga nya kahit nakainom na sya.
"Ayoko," nakangisi kong saad.
Iginala ko ang umiikot kong paningin. Papasok na kami sa loob ng bahay.
"Ronan," ibinalik ko ang tingin ko sa mukha nya.
Hinawakan ko ang matangos nyang ilong at ang kanyang makakapal na kilay.
"Bakit lahat ng mga bampira may itsura?," natawa sya sa sinabi ko. Lumabas tuloy yung dimples nya.
"Nagagwapuhan ka sakin?," saad nya. Kumunot ang noo ko.
"Wala akong sinabi," sabi ko naman. Tumawa lang sya sa sinabi ko.
"Wag mo akong pagtawanan," sinamaan ko sya ng tingin.
"Lasing ka kasi," kumunot ang noo ko sa sinabi nya
"Hindi ako lasing," nakapikit kong saad.Hindi sya sumagot hanggang sa naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa malambot na kama.
Naramdaman ko ang pagbitaw nya sakin kaya hinawakan ko ang kamay nya.Iminulat ko ang mga mata ko at kahit na medyo madilim at umiikot ang paningin ko ay kita ko ang mga mata nyang nakapirmi ang tingin sakin.
"Don't leave me. Stay here," I said. Hindi ko na maaninag ang reaksyon ng mukha nya."You need to rest," sagot nya. At inalis ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa ginawa nyang iyon.
Bumangon ako bago pa sya tuluyang umalis. No. He can't leave me.
"Dance with me first," I said. Dahil nakaharap ang likod nya sakin ay hindi ko makita ang reaksyon nya.
"You're drunk---," I cut him off.
"So what if I'm drunk? Why? Are you afraid of me?," I teased. Humarap sya sakin.
Dahil galing lang yata sa lampshade ang ilaw ay hindi ko maaanig ng maayos ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}