Chapter Song: Iris by Goo goo dolls
×Eleina's
Nagising ako kinaumagahan at unang nakita ko ang mukha ni Feebie. Agad akong napabangon dahil may kung anonsa pinapakita nyang ekspresyon sakin.
"Ate E," aniya.
Kinakabahan akong nagtanong kung ano ang problema.
"Kailangan ka sa baba," aniya. Napatango na lang ako at bumangon na ng tuluyan.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko habang pababa kami ni Feebie sa salas at kinabahan na nga ako ng tuluyan nang makita ko sina Lirah at si Brick na alam kong si Hunter.
Napakuyom ako ng mga palad ko habang pinapasadahan ko ang bawat isa na nasa salas at iba ang tingin sakin.
"Eleina," tawag ni Tito Francis at pinaupo ako.
Mukhang kanina pa ata sila nag-uusap at malakas ang pakiramdam ko na ako ang pinag-uusapan nila.
Pinasadahan ko ng tingin si Lirah na pasimpleng ngumuti ng nakakaloko sakin.
"Anong nangyayari?," napalunok ako matapos kong tanungin yun.
Nagkatinginan silang lahat. Kinakabahan talaga ako.
"Sa tingin namin ay kontrolado ka ni Hunter," ani ni Grae.
Napanga-nga ako sa narinig ko at agad kong pinasadahan ng tingin si Brick.
"Ano bang ibig nyong sabihin?," kalmado kong saad. Nagdadalawang isip pa si Grae kung sasagutin nya ba ang tinanong ko.
Binaling ko ang tingin kay Ronan.
"Nakita ka ni Lirah na merong kausap at mukhang si Hunter---," hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Grae at napatayo.
I knew it!
Tinaliman ko ng tingin si Brick.
"Sa tingin nyo may ugnayan ako kay Hunter?," natatawa kong saad.
"Hindi ako. Kundi sila," matapang na tinuro ko sina Lirah at Brick.
Agad na nagbigay ng reaskyon ang nagdadramang si Lirah."Wala akong alam--," I cut her off.
Gusto nila to? I'll play with them.
"Nakita ko lang naman si Lirah na may kausap at si Brick iyon and wait! Patay na nga pala si Brick, pinatay sya ni Hunter at si Hunter mismo ang kasama natin ngayon," napahinga ako ng malalim matapos kong sabihin ang lahat.
Pero natahimik sila at iba ang mga tingin nila sakin.
"Sinabi ko na sa inyo, kontrolado sya ni Hunter," ani ni Brick.
Tinaliman ko ang tingin ko. Kung pwede lang talagang makapatay gamit ang mga tingin.
"Liar! You're not Brick! You killed him! Walang awa mo syang pinatay!," naiiyak na saad ko.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}