37

731 33 0
                                    

Chapter Song: Radioactive

THIRD PERSON P.O.V

     Malayo ang tingin ni Ronan sa labas ng border habang palubog na ang araw at hindi pa nila mahanap si Eleina. Una nya itong pinuntahan dahil dito nya natagpuan si Eleina noon pero iba ngayon, hindi nya makita si Eleina.

Nakakaramdam sya ng galit sa sarili dahil hindi nya nabantayan si Eleina at lahat sila ay si Hunter ang sinusupetsyahan sa pagkawala nya.

     Tinabihin sya ni Lirah pero hindi nya ito pinasadahan ng tingin. Ramdam nya ang paghugot neto ng malalim na hininga.

  “You love her,” sa sinabing iyon ni Lirah ay naagaw ang atensyon nya. Hindi sya nagsalita pero napangisi sya.

  “Don’t worry, she feels the same too,” ani pa ni Lirah pero hindi kumbinsido si Ronan. Hindi nya makumbinsi ang sarili nyang paniwalaan na pwede nga iyon. At hindi nya rin naman iyon hinihingi.

  “I’m sorry Ronan. Sa lahat ng mga ginawa ko. Sana ay nakawala na kayo ngayon kung hindi lang talaga samin,” malayo ang tingin ni Lirah nang sabihin nya iyon. Hindi nagbigay ng pahayag si Ronan. Tahimik silang dalawa habang unti-unting dumidilim ang paligid.

   “We will save her,” ani ni Lirah. Napatango si Ronan dahil gagawin nya ang lahat para makitang muli si Eleina.

  “Let’s go. She’s not here,” saad ni Sebastian na kasama si Grae sa paghahanap.

  “It's getting dark at pinapatawag na tayo ni Tito,” dagdag naman ni Grae.

  Bumalik sila sa ng bahay dahil may magaganap na pagpupulong at tungkol iyon kay Eleina. Nang makompleto ang lahat ay sinimulan ni Feebie ang usapan.

  “Hindi ko sya mahanap sa Vampire Village,” saad ni Feebie naa may hawak-hawak na bato at katatapos lang gawin ang locator spell pero wala syang nakuha.
May agad na pumasok sa isipan ni Ronan na kanyang ikinabahala.

  “What d’you mean with that?,” tanong naman ni Lirah na katabi si Sebastian at malalim din na nag-iisip.

  “Ang ibigsabihin lang nun ay nasa labas sya ng border, wala sya sa Vampire Village at malaking problema iyon,” si Francis ang sumagot sa katanungang iyon. Lahat ay natahimik. Dah kung tama nga sila ay mahihirapan silang makuha si Eleina dahil hindi sila pwedeng lumagpas sa border kahit na may protective spell pa sila.

“Anong mangyayari kay Eleina?,” tanong ulit ni Lirah. Matagal bago sumagot si Feebie dahil hindi sya sigurado sa kanyang isasagot.

  “I’m not really sure, kaya mahihirapan tayo. And we don’t know what they’re planning,” ani ni Feebie.

   Tumayo si Ronan dahil may alam sya sa mga gustong mangyari ni Hunter. At lalo nang napagtanto nya ang mga nangyayari kay Eleina ay parte ng plano para sa kamatayan nya.

  “Hunter wanted me to die, using Eleina. At sinisimulan na nya ang plano,” pahayag neto. Pagkabigla ang naramdaman ng lahat pero agad napalitan ng pangamba dahil wala silang magagawa kundi ang maghintay sa mga mangyayari. Dahil kung tama ang sinasabi ni Ronan ay makikita nilang muli si Eleina. 

   “Wala tayong magagawa kundi ang maghintay,” ani ni Francis at ang lahat ay sang-ayon dun.

***

     Sa kabilang banda naman ay pinapanood ni Eleina si Jared na maglagay ng bala sa baril neto. Hindi parin mawala sa isipan nya ang mga sinabi sakanya ni Jared ngayon. Na kailangan nyang maghiganti dahil sa pagpatay sa kanyang mga kaibigan. Pero may parte sa kanyang isipan na nagdadalawang isip na paniwalaan si Jared. Hindi nya alam kung bakit pero hindi nya parin masabi sa sarili nyang dapat nya nga ito pagkatiwalaan.

  Marahil ay masyadong mabilis ang mga nangyari ang nasa isipan nya. Napatingin sya sa labas at madilim na, bigla syang kinabahan dahil naiisip nyang pwede silang salakayin ng mga vampires.
 

“Kinakabahan ka?,” nabalik ang tingin nya kay Jared at umiling.

  “Hindi,” nasambit nya.

  “May mga tanong ka pa?,” napaisip sya at sa totoo lang marami talaga, pero lahat ay mukhang imposible kaya hindi nya itatanong.

  “Naiisip ko lang yung mga pumatay sa mga kaibigan ko,” ani ni Eleina. Natapos si Jared sa paglalagay ng mga bala sa baril dahil tuturuan nya si Eleina kung paano gamitin ang mga iyon.

  “Lahat sila, kaya tutulungan kita Eleina sa pagkuha ng hustisya,” may inilabas na picture si Jared at binigay iyon kay Eleina.

  “Sya,” ani ni Jared. Pinasadahan ng tingin ni Eleina ang nasa picture. Isang lalaki.

  “He’s a vampire,” nasambit nya habang tumatagal na tinititigan nya ito.
 
Napatingin si Jared sakanya.

  “Sya ang pumatay sa kaibigan mo, I saw him,” nang sabihin iyon ni Jared ay nakaramdam ng galit si Eleina habang tumatagal. Kahit hindi nya maalala ang mga sinasabi sakanya ni Jared ay nagagalit sya pero may iba pa syang nararamdaman at kaya naguguluhan sya sa sarili.

  “Tutulungan kitang mapatay sya,” dagdag pa ni Jared. Nalapag ni Eleina ang picture ng vampire na iyon.

  “Lahat sila ay magbabayad sa mga ginawa nila satin,” ibang aura ang naramdaman ni Eleina sa kasama nya. Maitim at punung-puno ng galit ang pagkakasabi nya nun kaya pati sya kinilabutan.

  “Are you with me Eleina?,” nagtama ang tingin nilang dalawa. Tumango si Eleina dahil yun ang dapat nyang gawin para sa mga kaibigan nya.

  “You need justice, we need to have our revenge with the Elise,” hindi nagsalita si Eleina sa sinabing iyon ni Jared.

Pero may biglang pumasok sa isipan nya.

  “Mukhang kilalang-kilala mo sila,” nasabi ni Eleina. Napatigil si Jared dahil dun.

  “Kilalang-kilala ko Eleina,” ani ni Jared na may ngisi sa mga labi neto.
 
  “You need to know everything about your enemies including their weaknesses and I have it now,”  makahulugang ang mga binitawang iyon ni Jared para kay Eleina. Hindi nya maiwasan ang
 
Eleina was about to say something when she heard something  creepy coming from the outside.

  Nagtama ang tingin nila ni Jared  at sumenyas si Jared na tumahimik at dahan-dahan na tumayo at kumuha ng dalawang baril. Nilapag nya sa harap ni Eleina ang isa. Napatingin si Eleina sa baril at hindi nya alam ang dapat nyang gawin pero sinenyasan sya ni Jared na sumunod sakanya.

  Jared mouthed the word vampires. Kinabahan si Eleina dahil dun. Hindi pa sya nakakita ng isa kaya kinakabahan sya.

  Nakahanda na ang baril na iyon na iputok sa mga vampires, napatayo si Eleina at dahan-dahan ring sumunod kay Jared.

  Napatigil sya nang tumigil din si Jared at bago pa sya makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga mapuptlang nilalang na namumula ang mga mata at ipinakita ang mga matutulis na pangil.

  Nabigla si Eleina nang magsimulang magpaputok si Jared sa mga bampira. Napatakbo si Eleina nang dumami ang mga ito. Nanginginig ang kamay nya dahil hindi nya alam ang gagawin.

  “Kill them all Eleina!,” sigaw ni Jared sakanya. Napapikit sya at huminga ng malalim bago tuluyang paulanan ng bala ang mga Halfbloods.
  
 
 

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon