Comeback To Me
Third Person P.O.V
Nagpaalam si Lirah kay Sebastian. Hindi na inalam pa ng tuluyan ni Sebastian ang mga plano ni Lirah at naisip nyang mas makabubuti na hindi na sya madamay pa sa mga nangyayari sakanila sa Vampire Village. At naisip rin nyang hindi sya doon nararapat at andito ang kanyang buhay. Malayo sa mga bampira at sa mga Halfbloods.
Kinabukasan...
Tinigil ni Sebastian ang sasakyan sa isang bahay. Nagtinginan sila ni Josiah.
"You sure she's going to help us?," tanong ni Josiah. Hindi nagbigay ng reaksyon si Sebastian at tuluyan ng lumabas.
"Well, let's find out," he said at sumunod naman si Josiah lumabas ng sasakyan at sabay nilang kinatok ang pintuan.
Ilang saglit lang ay pinagbuksan sila ng isang matanda.
"Hello Misis Agatha, nice to see you again," bati ni Josiah sa matanda.
***
Sa Vampire Village..
Binabasa ni Feebie ang mga laman ng aklat ni Brick. Napansin nyang may kulang na pahina at naisip nyang baka kinuha iyon nila Cornelius at Hunter. Hindi parin nila alam kung nasaan nga ba ang mga iyon at lalo na kung ano ang mga nangyayari kay Eleina. Pinasadahan nya ng tingin ang kapatid nyang si Ronan. Malalim ang iniisip neto at mukhang wala sa sarili.
Alam nyang si Eleina ang laman ng isipan nya. No doubt with that.
Dumating naman ang sugatang si Grae sa balikat na agad na napahiga sa sahig kaya agad na nilapitan ito ng magkapatid.
"What happened?!," tanong ni Feebie at tinulungan nila si Grae na mahiga sa sofa.
Tiningnan ni Ronan ang sugat neto.
"Si Eleina," aniya na nahihirapang magsalita dahil sa sugat.
"Kukuha ako ng gamot," ani ni Feebie at iniwan ang dalawa.
"Sino?," parang nabingi si Ronan sa sinabing iyon ni Grae.
Napalunok muna si Grae bago magsalita.
"May lason-yung pana--," aniya na nahihirapan ng huminga. Labis na syang pinagpapawisan at kita sa kanya ang sakit na nararamdaman nya ngayon.
Dumating naman si Feebie na may dalang gamot.
"Sabi mo si Eleina," ani ni Ronan. Tumango si Grae. Napailing si Ronan.
"She's here, hinahanap ka nya," dagdag pa ni Grae. Napatayo si Ronan at hindi nag-atubiling lumabas ng bahay.
"Wait! Don't go!," pinilit ni Grae na pigilan ang pinsan pero hindi na ito nangyari.
"She's not the Eleina we used to know," saad ni Grae kay Feebie habang ginagamot ito.
***
Pinasadahan ni Sebastian ang matandang si Agatha. Kulay puti na ang mga kulot na buhok nya na sa pagkakaalala pa ni Sebastian ay itim. Kulubot narin ang mga balat nya at medyo lumiit sya dahil sa pagkuba ng likod nya."We need your help," saad ni Sebastian sa matandang si Agatha.
"What can an old woman do for you?," naghahanda ng tsaa si Agatha para sakanyang mga bisita kahit na sinabi ng dalawa na hindi sila magtatagal.
"Kailangan naming nung potion para sakin. Magbabakasyon ako papuntang Vampire Village," natigilan si Agatha sa pagbuhos ng tsaa.
"Tama nga ang hula ko," ani ng matanda. Dinala nya sa mga bisita ang tsaang hinanda nya at umupo sa kanyang rocking chair.
"Nahanap nyo na diba ang vampire key," saad ng matanda. Tumango si Sebastian.
"Kung ganon, bakit hindi pa nawawala ang sumpa?," tanong ulit ng matanda. Walang alam si Josiah kaya tahimik sya sa gilid at hinayaan si Sebastian ang magsabi.
Napatango ang matanda sa mga paliwanag ni Sebastian.
"Malaking problema nga iyan," komento ni Agatha. Naiinip naman ang dalawa dahil ang dami ng tanong ng matanda at kailangan nilang makaalis ngayon.
"Yeah kaya kailangan naming magmadali," punto ni Josiah. Napatawa ang matanda at dahan-dahan na tumayo.
"Patay na ang mga magulang namin," natigilan ang matanda at pinasdahan ng tingin si Sebastian. Bakas sa mukha ng matanda ang pagkabigla pero agad din namang nagpatuloy sa paglalakad at pumasok sa loob ng kwarto.
"Condolence," ani ni Josiah. Matagal din kasing nahimlay ang werewolf na to kaya wala na syang alam sa mga nangyari.
"So, how is Feebie?," nanliliit ang mga tingin ni Sebastian sa tanong na iyon ni Josiah.
"What? Kinakamusta ko lang sya," humagalpak ng tawa si Josiah sa reaskyon ni Sebastian.
Natahimik naman sila nang bumalik si Agatha na may hawak-hawak na maliit na bote.
"Hmm..pauwi na ang apo kong si Alessandra kaya kung maaari umalis na kayo," ani ng matanda at inabot kay Sebastian ang potion.
"Mag-iingat kayo at nakikiramay ako sa nangyari sa mga magulanag mo," aniya. Nagpasalamat ang dalawa sa binigay ni Agatha at lumabas na sila ng bahay.
Sinimulan na nila Sebastian at Josiah ang mahaba-habang byahe patungong Hollow Village.
***
Nilibot ni Ronan ang buong village para lang mahanap si Eleina. Kung tama nga ang mga sinabi ni Grae ay kailangan nyang mahanap at makita si Eleina. He needs to see her no matter what.
Nagulo nya ang buhok nya dahil sa inis na nararamdaman nya.
"Ronan,"
Agad syang napalingon dahil hindi lang sa pangalan nya iyon dahil sa boses.
"Eleina," nasambit nya nang makita nya ang mukha ng tumawag sakanya.
Nakatutok ang pana nya sakanya at handa na itong pakawalan.
"It's me," sabi ni Ronan. Hindi nya mabasa ang ekspresyon ni Eleina.
"Tama nga kami. You were brainwashed," kumunot naman ang noo ni Eleina sa mga sinabi ni Ronan.
Sinubukang lumapit ni Ronan sakanya pero binantaan sya ng dalaga.
"Kung ano man ang mga sinabi sa iyo ni Hunter. Walang katotohanan ang lahat ng yon," itinaas ni Ronan ang mga kamay nya sa ere at dahan-dahan na lumapit kay Eleina.
"I said stop there!," ramdam ni Ronan ang pagbilis ng tibok at pagbigat ng hininga ni Eleina. Ibigsabihin ay naapektuhan sya sa mga sinasabi ni Ronan.
"You really wanna die?," hindi makapaniwala si Eleina sa inaasta ni Ronan dahil walang bakas ng takot ang mukha neto.
"I'm not afraid of you," nakaramdam ng inis si Eleina sa sinabing iyon ni Ronan.
"Really?," at pakakawalan na sana ni Eleina ang arrow pero natigilan sya dahil sa sinabi ni Ronan.
Pakiramdam nya ay nanghihina sya sa mga sinabi ni Ronan.
"I love you Eleina," inulit ni Ronan ang linyang iyon at para bang may nagpipigil kay Eleina na patamaan sya.
"Comeback to us," ani ni Ronan at lumapit na ng tuluyan sakanya, hanggang sa lumiit ang pagitan nilang dalawa.Naibaba ni Eleina ang kanyang pana.
"Comeback to me," hindi maintindihan ni Eleina ang kanyang nararamdaman kaya hindi sya makapagsalita. Ronan was about to hold her hand but she disappeared all of a sudden.
At naiwan si Ronan sa lugar na iyon habang inaalala ang mukha ni Eleina.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}