39

650 29 1
                                    

THIRD PERSON P.O.V

"19-what?," ani ni Grae. Inilapag ni Lirah ang libro at hinayaan nyang basahin iyon ng lahat.

"Narinig ko sina Hunter at Cornelius na nag-uusap nyan noon, mabuti na nga lang at hindi ko sinabi sakanya na alam ko kung nasaan tinatago ni Brick ang librong yan," sabi ni Lirah.

"Another replica of Vampire Village?," natanong ni Ronan habang patuloy parin sa pagbabasa tungkol sa spell na yun.

"Yeah. Vampire Village in 1987. It's like a prison, and we can use it to Halfbloods," saad ni Lirah. Napatango sila.

" It's actually a good plan but we need to find and save Eleina first," pagsasang-ayon ni Ronan.

"Do you know where dad is?," random na tanong ni Sebastian. Naalis ang tingin ni Ronan sa binabasa nya dahil dun.

"Nagpaaalam sya sa'yo?," tanong ni Feebie sa kapatid na si Ronan. Umiling sya.

"Hindi ko napansin ang pag-alis nya," sagot ni Ronan.

"Don't tell me--," hindi natapos ni Lirah ang sasabihin nya dahil umalis si Ronan at sinundan sya ng kapatid nyang si Sebastian.

"Tell me what's happening!," kinakabahaan si Feebie sa mga nangyayari.

Kinuwento naman ni Lirah ang sinabi ni Francis na kung maaari ay sya na ang tatapos sa gulong to.

"Ang sabi nya kung ang pagkamatay nya ang gusto ang ni Cornelius ay ibibigay nya ito," napasinghap si Feebie sa narinig nya. No. She can't lose another significant person in her life. She thought.

Meanwhile..

Agad na pumunta si Ronan sa malapit sa border kung saan nila ikinulong noon sina Hunter at Cornelius at nanlumo sya nang may makita syang katawan sa malayo.

"Do you think--," hindi natapos ni Sebastian ang itatanong neto sa kapatid dahil napatingin din sya sa tinitingnan ng kapatid.

Lumapit si Ronan sa katawan at ganun din si Sebastian. Hindi pa sya nakakalapit ng tuluyan ay alam na nya. Alam nya kasi ang amoy na iyon dahil mula nang mabuhay sya sa mundong ito ay hindi nya malilimutan ang amoy ng kanyang ama.

Nang tuluyan silang makalapit ay doon na naging sigurado ang lahat. Ang katawang iyon ay si Francis. Hinawakan ni Ronan ang kamay ng kanyang ama at malamig na ito, kasing lamig ng yelo.

"Wala dito ang puso nya," malamig na saad ni Sebastian at pinasadahan ng tingin ang nakapikit at walang buhay na kanilang ama.

"Hindi nya to kailangan gawin," nagpipigil ng luha si Ronan na hawak-hawak parin ang kamay ng ama.

"I'm going to kill him," pinangako ni Ronan sa kanyang yumaong ama.

"Let's bring him home," saad ni Sebastian na kahit walang makikitang reaksyon sa mukha ay sa kaloob-looban nya,ipaghihiganti nya rin ang pagkamatay ng mga magulang nya.

Dinala na nga nila ang katawan ng ama nila at isang katok palang ay agad na binuksan ni Feebie ang pinto at tama nga ang nararamdaman nyang kaba. She lost someone again.

Ang gabing iyon ay napuno ng lungkot ang bawat sulok ng bahay ng Elise. Nawala ang dating makulay na aura na bumabalot sa kanilang tahanan nung buhay pa si Maria, ang kanilang ina. At ngayon ay tuluyan nang gumuho ang mga malalakas na sandigan ng pamilya nila sa pagkawala ni Francis.

Tanging ang bawat-isa na lang ang magiging sandigan nila sa pagharap sa mga Halfbloods at ang pagbawi kay Eleina.

***

Nanginginig ang kamay ni Eleina sa mga nangyari. Ramdam nya ang pawis nyang tumutulo galing sa mukha nya. Kabado na kabado sya matapos masaksihan ang lahat. Palabas sila ni Jared sa Vampire Village dala-dala ang isang puso na dinukot ni Jared galing sa isang bampira.

"Bakit---hindi natin sya tinulungan," ramdam ni Jared ang pangamba ni Eleina sa tono ng boses nya.

"He's a vampire," tipid na sinagot ni Jared ang katanungang iyon.

"But I heard him, tinawag ka nyang Hunter bago sya mamatay," hindi maiwasan ni Eleina na makaramdam ng kung ano sa sistema nya kapag inaalala nya ang mga nangyari kanina.

"I'm a vampire hunter, that's why," paliwanag naman ni Jared. Pero naalala nya rin ang pagtawag ng bampirang iyon sa pangalan nya.

"Kaya ba kinuha mo ang puso nya," napalunok si Eleina sa sinabi nya.

"Souvenier," ngumisi si Jared nang sabihin nya iyon.

Ibinaling ni Eleina ang tingin sa labas. Iba ang nararamdaman nya. Nakaramdam sya ng sakit nang makita nyang mamatay ang bampirang iyon. Pakiramdam nya ay nawalan sya ng isang kapamilya.

"You'll get used to it," naisip ni Eleina na sana ay tama nga si Jared na kaya nyang gawin iyon. Hindi dahil nauunahan sya ng takot kaya hindi nya makaya kundi may kakaiba syang nararamdamang sympatya at hindi nya malaman kung ano ba talaga ang pumipigil sakanya, o kung tama ba ang nararamdaman nya.

May malaki kang dahilan para magalit sa mga bampirang yon Eleina. Ano bang pumipigil sa'yo. Tanong nya sa isipan nya.

"Makukuha din natin ang dapat na sa atin Eleina," hindi alam ni Eleina ang dapat nyang isagot dun kaya nanahimik sila hanggang sa tumigil na sila.

"We're going to stay here for tonight," ani ni Jared at bumaba sa sasakyan. Napatingin si Eleina sa likod ng sasakyan kung saan nilagay ni Jared ang puso ng bampirang namatay.

Umalingawngaw sa tenga nya ang pangalang Francis habang nanonood sila ni Jared sa tabi na patayin ang bampirang iyon. Nakaramdam sya ng galit sa sarili dahil gusto nyang tulungan ang Francis na iyon pero wala syang ginawa at nanood ko lang sa tabi.

Bakit mo naman tutulungan ang bampirang iyon Eleina? Are you nuts?. Pangungumbinsi nya sa kanyang sarili na hindi dapat sya makaramdam ng kakaiba ngayon. O

Wala akong kasalanan kaya bakit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon?. Lumabas sya ng sasakyan habang si Jared ay gumagawa na ng bonfire para sakanilang dalawa. Hindi mapigilan tingnan ni Eleina si Jared. Hindi rin kasi maiwasan ni Eleina na mapaisip kung ano nga ba talaga si Jared.

"Need some help?," she offered. Umiling si Jared.

"I can handle this," saad ni Jared. Napatango na lang si Eleina.

Tahimik ang paligid at tanging ingay ng mga kuliglig ang pumupuno sa tenga ni Eleina.

Napatingin sya sa kalangitan. Kumalma sya nang makita ang mga nagniningning na bituin sa langit. Naisip nya ang mom nya bigla.

Pero may pumasok sa isipan nya.

Yung bampirang nagngangalang Ronan. Pinanood nila ang magkapatid habang nadatnan nila ang walang buhay nilang ama. Sa puntong iyon, hindi sya nakaramdam ng saya kundi pati sya ay nalungkot sya di nya malaman na dahilan.

Ibinalik nya ang tingin sa kasamang si Jared.

May hindi sinasabi si Jared sakin. And I need to find out that.

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon