33

782 37 2
                                    

 ×Eleina's

  Pagkatapos akong isayaw ni Ronan ay nagpatuloy ang kasiyahan. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong inantok kaya nauna na ako sa itaas. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, ang tanging nasa isipan ko lang ay ang humiga sa kama ko at matulog. Hindi na rin naman ako pinigilan ni Ronan dahil nakita nya siguro na bigla akong tumamlay. Pagkapasok ko sa loob ay agad na humiga ako at ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko na talaga matulog. Siguro lasing na ako o ano, pero isang bote lang naman ang nainom ko at hindi nga iyon naubos.

  Pagkapikit ko ng mga mata ko ay agad na nakatulog ako.

***

   Namulat ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa pisngi ko. Bumangon ako para isarado ang bukas na bintana. Nakaramdam ako ng pagtataka dahil gabi parin, bilog ang buwan at nakakasilaw ang ningning neto. Isinarado ko na ng tuluyan ang bintana kaya biglang dumilim ang paligid. Naisipan kong bumaba at baka sakaling hindi pa tapos ang celebration ng birthday ng magkapatid. Pagkababa ko ay agad akong nagtaka. Ang tahimik ng bahay at balot ng puting tela ang bawat kasangkapan sa bahay. Agad na lumabas ako ng bahay at tahimik ang garden. Walang bakas na nagkaroon ng celebrasyon.

  Naglakad ako patungo sa fountain at naupo dun. Napatingin ako sa suot ko. Katulad parin naman kanina pero bakit wala ng sinoman dito? Napatingala ako sa kalangitan. Hindi na ako nasisilaw sa ningning ng buwan. Napangiti ako dahil sa mga bituin. Napayakap naman ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin.

   Pero nawala ang ngiti kong iyon nang unti-unting nagbagsakan ang mga bituin hanggang sa wala ng natira sa kalangitan. Napatayo ako dahil dun. Napuno ng kadiliman ang paligid. Tanging ang buwan lamang ang ilaw ko.

  Nagsimula akong maglakad palabas ng bahay ng mga Elise at nakita kong bukas ang ilaw ng silid ni Lirah kaya pumunta ako doon para magtanong kung saan ang mga Orks.

   Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki. Parang boses ni Sebastian. Nagtatawanan sila ni Lirah. Napalunok ako at naisipang kumatok pero natigilan din naman ako nang marinig kong sambitin ni Sebastian ang salitang I love you.

   Unti-unting napaatras ako at naglakad palayo. Umalis ako. Sa kadiliman ng daan ng Vampire Village ay naglakad ako. Kahit na alam kong pwede ko akong makasagupa ng Halfbloods. Mas lalong lumamig ang paligid habang papalayo ako sa mga Elise. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero napatigil ako nang makita ko ang playground.

  Pumunta ako doon at kagaya ng dati ay umupo ako sa swing, sa pwesto ko nung nag-usap kami ni Sebastian. Nilingon ko ang kabilang swing at nakita ko ang nakaupong si Ronan. Kumunot ang noo ko dahil dun.

   Tinanong ko sya kung anong ginagawa nya dito. Pero hindi nya ako sinagot at nakatungo. Kahit na hindi ko makita ang mukha nya ay alam kong si Ronan ito.

  Tinanong ko ulit sya kung sinusundan nya ba ako at ang sinagot nya ang sagot nya sakin habang nagsasayaw kami. “Hindi mo lang alam Eleina,”. Tumayo ako at nang tingnan ko ulit sya ay nawala na lang sya bigla.

  Hindi ko alam pero, gusto ko syang makita. Gusto ko syang bumalik. Nagsimula kong tawagin ang pangalan nya pero walang sumagot. Umalis ako sa playground at pumunta sa malapit sa border at tama nga ako. Andun sya. Nakaupo. Katulad ng dati.

  Tumabi ako sa tabi nya pinasadahan ko sya ng tingin pero hindi ko maaaninag ang mukha nya. Sinubukan ko syang hawakan pero nawala na lang sya na parang bula.

  Pinipiga ang puso ko dahil dun. Tinawag ko ulit ang pangalan nya sa kawalan at napalingon ako nang tawagin nya ang pangalan ko. Nasa labas sya ng border. Napatakbo ako dahil magiging abo sya sa ginagawa nya.

  Pero habang patakbo ako ay palayo ng palayo din sya sakin hanggang sa nadapa ako. Pilit akong bumangon pero nagdurugo ang mga tuhod ko. At nakita ko ang kanyang unti-unting pagka-abo at sumabay sa hangin.

  Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko dahil dun. Tinatawag ko ang pangalan nya pero hindi na sya bumalik.

   “Eleina!,” inangat ko ang ulo ko.

  “Eleina gumising ka!,” boses ni Ronan ang naririnig ko. Tumayo ako at hinanap ko ang boses na iyon na paulit-ulit kong naririnig.

  “Eleina! Bumalik ka!,” tumakbo ako para sundan ang boses na yun.

   At sa isang iglap ay nagising ako.  Unang nakita ko ang mukha ni Ronan. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Niyakap rin naman nya ako pabalik.

   “Ayos na, nakabalik ka na,” hindi ko namalayang umiiyak na ako. Matagal bago ko sya pakawalan. Hindi ko alam kung ano ba ang panaginip na yun pero nakakatakot yun.

  “I’m here, hindi ako mamawala,” pinunanasan nya ang mga luha ko at hawak nya ang nanginginig kong mga kamay.

   That was a nightmare. Ayoko ng bumalik dun.

  Bumukas ang pinto at pumasok si Sebastian. Nagtama ang mga tingin namin. Sumunod si Grae na nakatingin din sakin.

  “Ronan,” tawag ni Sebastian. Nilingon ni Ronan ang kapatid nya.

  “She’s gone,” ani ni Sebastian. Humigpit ang hawak ni Ronan sa mga kamay ko. Lumabas si Sebastian matapos sabihin yun. Hindi naman maipinta ang mukha ni Grae.

  Binalik ni Ronan ang tingin nya sakin.

  “Babantayan ka ni Grae,” aniya. Napatango nalang ako. At binitawan ni Ronan ang mga kamay ko at lumabas sya ng kwarto. Lumapit naman sakin si Grae.

  “Anong nangyayari sakin?,” tanong ko. Wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari.

  “Wala na si Tita Maria,” nabato ako sa sinagot ni Grae.

  “Kasalanan ko ba?,” nanginginig ang boses ko. Tumikhim si Grae sa tinanong kong iyon.

  “Grae. Kasalanan ko ba.,” matigas na tanong ko.

  Umiling sya.

  “Wala kang kasalanan,” aniya.

  Pero bakit hindi ako matahimik. Bakit parang kasalanan ko parin ang lahat?

  Tumayo ako at agad naman nya akong pinigilan.

 

  “Eleina. Please, humiga ka na muna,” aniya.

  “Hindi Grae. Ayoko ng matulog,” sagot ko at sumuko na rin sya kaya nakalabas ako. Napuno ng iyakan ang buong bahay. Nakita ko si Feebie na yakap-yakap ni Ronan at pinapatahan ito.

   “Tito,” saad ko. Napalingon sya at agad na napayakap sya sakin. Hinagod ko naman ang likod nya dahil alam kong masakit iyon. Masakit ang mawalan.

   “I’m sorry Tito, kasalanan ko to,” saad ko. Humiwalay kami sa pagyayakapan. Hinawakan nya ako sa balikat at pinisil ito ng kaonti. Umiling sya.

  “Ginawa nya yun para sa’yo, para sa lahat. Isa syang bayani,” napapunas ng luha si Tito Francis.

  “Wala kang kasalanan Eleina. Tandaan mo yan,” dagdag nya. Napatango ako. Pero kahit galing kay Tito Francis ang salitang iyon, hindi parin ako panatag. Pakiramdam ko ay kasalanan ko parin to. Pero ano nga ba ang mga nangyari?

  

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon