THIRD PERSON P.O.V
Mahaba ang naging byahe nina Sebastian at Josiah kaya inubos nila ang oras sa pagkukwentuhan. Si Josiah kasi napakadaldal kaya walang magawa si Sebastian kundi ang sumagot sa katanungan ng kaibigan. Naging magkaibigan silang tatlo dahil tinulungan noon ni Josiah ang magkapatid sa mga Halfbloods and in return tinulungan din sya ng dalawa sa isang pack.
“Hindi mo babawiin ang pack mo?,” tanong ni Sebastian.
Nagkibit-balikat si Josiah sa tanong na iyon.
“Hmm..I don’t know. Gagawa na lang ako ng bagong pack,” he said. He’s an alpha in his pack, back in his old days. But he was replaced and so, he’s now a packless werewolf.
Kaya naman humingi sya ng pabor sa magkapatidd na kung maaari ay itago muna sya.
“Finally, we’re here,” ani ni Josiah nang mabasa ang signage ng abandonadong village.Tumigil sila ni Josiah at agad na lumabas si Sebastian dala-dala ang bag nya.
“You’re ready?,” Sebastian asked.
“Super ready! Let’s go!,” sagot ni Josiah at naunang maglakad papasok ng Hollow Village.
Sa kabilang dako…
“She’s brainwashed!,” Ronan exclaimed.
Kahit na alam naman na nila na ganun na nga ang mangyayari kay Eleina ay iba parin talaga kapag nangyari na. Akala mo handa ka sa mga pwedeng mangyari pero hindi parin pala.
Maayos na naman si Grae at nagamot na sya ni Feebie. Kumalma naman si Ronan matapos malabas ang frustration sa katawan.
“Our only hope is Kuya Seb,” ani ni Feebie.
Pero naniniwala parin sya na andun parin si Eleina. Nakita nya iyon kanina, ang mga tingin na iyon. Hindi parin nawawala si Eleina sakanya. At hindi sya nagawang saktan ni Eleina kaya magandang senyales yun.
“They’re here,” ani ni Feebie nang may maramdamang kakaiba.
Agad na bumaba si Ronan at tama nga si Feebie. Kapapasok pa lang nila Sebastian at Josiah sa loob.
“Dude!,” bati ni Josiah nang makita si Ronan. Bumaba naman si Ronan.
“You’re finally awake,” ani ni Ronan.
“Well,” nagkibit- balikat si Josiah.
Lumabas naman si Feebie para salubungin ang kapatid at hindi sya makapaniwala sa nakita nya sa kanilang salas.
“Damn,” aniya.
Kumaway si Josiah sakanya nang makita nya si Feebie. Inirapan sya neto at pumasok ulit sa kwarto.
“Problema nun? Hindi pa nakakamove on?,” kunot noong saad ni Josiah.
Inilapag ni Sebastian ang kanyang mga gamit at nakapameywang si Ronan na pinasadahan ng tingin ang dalawa.
“Wait. Where’s Lirah?,” takang tanong nya.
“Yung hindi girlfriend ni Seb? Umalis,” si Josiah ang sumagot. Napatingin naman si Ronan sa kapatid.
“I did not make her leave,” depensa ni Sebastian.
“He let her go,” komento ni Josiah.
Iniba na lang ni Ronan ang usapan at tinadtad ng tanong si Josiah.
***
Matapos ang reunion na nangyari ay nag-usap usap na ang lahat para sa gagawing plano. All is settle. They only need the perfect time to work out the plan. Kinuwento naman ni Ronan ang mga nangyari habang wala si Sebastian.
“We need your blood, that’s all,” ani ni Feebie na nanliliit ang tingin kay Josiah.
“No. That’s not all. You can help us in saving Eleina,” singit ni Ronan.
Kumunot ang noo nya.“Eleina?----Oh. The vampire key,”
Madilim ang aura ni Feebie dahil dun. Tinaasan lang sya kilay ni Josiah na para bang nang-iinis pa.
“So what’s the plan?,” tanong ni Josiah.
Ang nasugatang si Grae ang sumagot sa tanong na iyon.
“Ikukulong naming sya sa isang dimension. That’s why we need you to do the curse,”
“Kung patayin na lang natin si Cornelius? One bite can kill him, even scratch,” suhestyon ni Josiah. Medyo komplikado kasi sa pandinig nya ang mga sinabing plano ni Grae.
“You don’t know Cornelius, he will not die with a bite from a werewolf,” nakahalukipkip na saad ni Feebie.
“As much as possible, we want you to have less involvement with this, after all, this is not your fight but we are really thankful for your presence,” saad ni Sebastian. Sang-ayon si Ronan sa sinabi ng kapatid.
“Well, if that’s the case then sure, let’s go with your plan,” he gave Feebie a grin.
“But how can we save the vampire key?,” tanong ni Josiah.
***
Sa kabilang banda…
“You disappoint me with that Eleina,” napailing si Jared.
Hindi nakasagot si Eleina. Alam nya iyon. Pinalampas nya lang ang pagkakataon na mapatay ang pumatay sa kaibigan nya. Pero kapag inaalala nya ang lahat. Natatanong nya ang sarili nya.
Sino nga ba ang dapat nyang paniwalaan.
“You’re not telling me everything,” utas ni Eleina kay Jared.Iba ang aura ni Jared ngayon. Biglang kinabahan si Eleina sa kanyang mga titig.
“How did you do that? I just disappeared---,” hindi nya matapos ang linyang iyon dahil hindi nya mahanap ang tamang salita.
“You’re not a human,” narealized ni Eleina kaya agad nyang kinuha ang pana nya at tinutok iyon kay Jared.
“Who are you Jared or What are you to be exact,” ramdam nya ang pagkabog ng puso nya. Hindi gumalaw si Jared at unti-unting tumawa ito.
Naguguluhan si Eleina sa mga nangyayari, pero isa lang talaga ang sigurado nya. Nagsisinungaling sakanya si Jared.
Tuluyan nang humalakhak si Jared at napatayo at pumalakpak habang lumalapit kay Eleina.
“You always fascinate me Eleina. There’s something about you,” he said and his aura was darker than before.
“I can smell your fears,” he said. Hindi na alam ni Eleina ang pinasok nya. Pero kung mamamatay man sya ngayon, atleast she fought.
Tumigil sya at ngumsi “You don’t remember anything but still..you didn’t kill him,” naalala nya ang nangyari kanina. She can’t forget that line. I love you Eleina. Maybe it’s the major reason why she didn’t do it.
“You’re really the vampire key,” walang maintindihan si Eleina sa mga sinasabi ni Jared.Kahit pilit nyang alalahanin ang lahat ay wala syang maaalala.
“But we have an agreement and it was sealed. You can’t run away from it,” nakakaramdam na ng takot si Eleina. Hindi man nya maaalala ang lahat pero nararamdaman nya. Pinakawalan nya ang pana at sakanyang pagkabigla ay nabato sya. Nawala sa harapan si Jared.
“You’re a vampire,” halos mabulong ni Eleina ang linyang iyon.
Naramdaman na lang nyang nasa likod si Jared.
“And I’ll make forget them all. Even him,” bago paman makagalaw si Eleina ay sinaksak na sya ni Jared sa puso gamit ang onyx dagger.
Ramdam ni Eleina ang sakit na dinudulot ng punyal sa kanyang puso.
Bago pa tuluyang mawalan ng malay si Eleina ay may binulong sya sakanya.
“Forget them all Eleina. Hate them all and kill Ronan,”
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}