Chapter Song: Summer by We The Kings
×Eleina's
"Eleina okay ka lang?," tinapik ni Grae ang balikat ko. Napatingin ako sakanya.
"Okay lang, kinakabahan lang ako," sagot ko.
"Magiging maayos din ang lahat, huwag kang mag-alala," tinanguan ko na lang sya.
Ilang sandali na lang kasi at maggagabi na at naghihintay na kami ng pagsimula ng eclipse. Hindi ako mapakali dito habang nakatingala ako sa langit. Nasa rooftop kami ng bahay ng mga Elise at lahat kami ay naririto, pati na rin si Brick.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang patabi ni Ronan sakin.
"Thank you Eleina," aniya. Huminga ako ng malalim.
"For what," tanong ko na hindi sya nililingon.
"For this. For helping us," aniya. Tumikhim ako bago magsalita."Tinutulungan nyo rin naman ako diba?," pinasadahan ko sya ng tingin. Nakatuon ang atensyon nya sa langit.
Tumango sya sa tanong ko.
Hindi na nadugtungan ang usapan naming iyon. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malakas na hangin at unti-unti na ring nawawala ang kulay orange sa kalangitan. Maggagabi na.
Humarap ako sakanila. Nakaupo sina Tito at Tita. Si Feebie naman ay kausap ni Brick. Si Grae at Sebastian ay may pinag-uusapan din. At si Lirah ay nasa bahay nya at nagpapahinga. Habang ako at si Ronan ay tahimik dito.
Umihip ulit ang malakas na hangin. Habang pinagmamasdan ko ang lahat ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip kay Hunter. Alam kong may binabalak sya. Hindi pa sya nagpapakita sakin matapos ang halik na yun kaya abot-abot ang kaba ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang nasa loob ko.
"May iniisip ka?," naagaw ni Ronan ang atensyon ko kaya napaharap ulit ako.
"Mga bagay bagay," saad ko. Hindi sya nagbigay ng sagot dun.
"Namimiss ko na si mom," sambit ko.
Kahit na anong sabihin ni Hunter. She's my mom. Wala na akong dapat ikwestyon dun dahil ramdam kong sya ang mom ko."Makikita mo ulit sya," ani ni Ronan. Napangiti nalang ako sa ideyang iyon.
Pinagmasdan ko si Ronan.
"And you know why she's not with you? She died. She died because of Ronan and Sebastian, they killed your mom,"Bakit ba bumabalik sa isipan ko ang linyang yun. Siguro dahil iniiwasan ko ang tungkol dun. Pero kung ginawa nga iyon nila Ronan---. No Eleina. Don't believe with Hunter. He's just tricking you.
Ibinalik ko ang tingin sa kalangitan. Nagisimula ng magsilabasan ang mga bituin. Naalala ko tuloy yung kwento ni mom sakin nung bata pa ako tungkol sa mga bituin.
"Napangiti ka ata," pinasadahan ko ng tingin ang nakatingin na si Ronan sakin.
"May naalala lang ako tungkol sa sinabi ni mom sa mga bituin," sagot ko at ibinalik ang tingin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}