9

1.7K 59 3
                                    

Chapter Song: Look After You by the Fray

×Eleina's


    Sumunod na ako sakanila. Pagkapasok ko palang sa loob ng bahay ay kakaiba na ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan na ako ng todo-todo.



    "Eleina," nagulat ako kay Ronan. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa paghila nya sakin.



     Tumigil kami sa salas ng bahay. Sira-sira ang mga gamit at punung-puno ng alikabok ang buong bahay. Kanina pa  nangangati ang ilong ko.


    "Here," turo ni Sebastian sa malaking lumang orasan.


    "Dyan tayo dadaan?," nagtataka kong tanong. Si Ronan ang sumagot sakin.

   

    "This is the portal," ani ni Ronan. Nilapitan ito ni Sebastian at binuksan ito. Paano naman kami dadalhin ng lumang orasan sa Vampire Village?


    Sinet ni Sebastian ang oras.



    "12 a.m," ani Ronan. Pinanood ko itong sinet ni Sebastian.


    Napahawak ako sa balikat ni Ronan dahil biglang lumindol.



   "Now what?," sigaw ko. Pakiramdam ko ay guguho ang bahay na to!



   Sasagot sana si Ronan nang biglang umilaw ang lumang orasan.


    Damn! Lumalakas na lalo na ang lindol. Nagsisibagsakan narin ang itaas na parte ng bahay.



  "Pumasok ka na!," sigaw ni Ronan kay Sebastian.



Agad din namang sinunod iyon ni Sebastian at bigla na lang syang naglaho. This is real Eleina.




   "Ready?," aniya at sabay kaming pumasok sa lumang orasan.


  *
  

   Nakaramdam ako ng malamig sa noo ko.



    "May malay na sya," isang boses ng babae ang narinig ko.



    Unti-unti kong imunulat ang aking mga mata at isang mukha ng babae ang una kong nakita.



    "Gising na sya," saad ng babae.



The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon