36

728 33 0
                                    

×Eleina's

  “You always amaze me Eleina,” tiningnan ko sya ng may pagkamuhi. Gusto ko syang sugurin at gawin ang mga ginagawa nya samin!

  “Rot in hell, Hunter,” lumapit sya sakin. I was about to run when suddenly he’s infront of me. Smirking.

  “Hindi na kita pakakawalan Eleina,” he said. At nagtindigan ang balahibo ko sa batok.

  Umiling ako. Hindi ako makakapayag. Hahanapin ako  ni Ronan.

  “Mahahanap nila ako,” utas ko. Tinaasan ako ng kilay ni Hunter.

  “Kung mahahanap ka pa nila,” he smirked. Bigla  syang nawala sa harap ko. Napalingon ako at nasa labas sya ng border pero hindi sya nagiging abo.

  “Hindi ka nya mahahanap dito,” he’s pertaining to Ronan.

  “Get lost. Wala syang pakialam sakin,” diin ko. Tinawanan nya ako. Siguro nga may paki sakin si Ronan pero hanggang dun lang yun. Mali ang iniisip nyang may kung anong nararamdaman si Ronan sakin.

  “Well, let’s see sino ang tama sating dalawa,” napalunok ako.

  “You’ll come with me. Whether you like it or not, you’re under my spell,” sabi nya sabay pakita ng isang punyal. Agad akong napaktabo palayo pero bigla akong natigilan dahil hindi na ako makalakad.

  “Come here Eleina,” he said at parang puppet na sumunod ang katawan ko. Kahit na anong pilit kong hindi sumunod ay hindi ko na kontrolado ang katawan ko.

Ang tanging nasa isip ko na lang habang papalapit ako sa border ay ang sinabi ni Ronan. At naniniwala ako dun. Mahahanap nya ako.

  Napapikit na lang ako nang isang hakbang na lang ay lalagpas na ako. At hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari dahil nawalan ako ng malay.

Napabangon ako nang nanaginip ako ng masama, pero nang alalahanin ko iyon ay hindi ko na maalala kung ano ba yun. Agad na napatayo ako nang marealize kong nasa isang kulungan ako. Teka, nasaan sina Keith? Bakit andito ako? Nasaan ba ako?

   “Keith! Kale! Yumi!,” tawag ko pero boses ko lang ang narinig ko.

  “Nasaan ba ako?,” tanong ko sa sarili ko. Wala akong matandaan kung bakit ako nandito. Ang huling naalala ko ay kasama ko si Keith tapos--- hindi ko na alam kung ano ba ang mga sumunod na nangyari.

  “May tao ba dyan?! Tulungan nyo ako!,” sigaw ko ulit. Madilim ang paligif dahil tanging tong selda lamang ang may ilaw.

“Hello?!,” then I gave up. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

   Paano ba ako napunta dito? If this is a joke please hindi na talaga to nakakatuwa. They should stop this.

  “This is not funny guys!,” at sawakas ay may bumukas ang ilaw at napatingin ako sa paligid.

“Nasaan ba ako,” nasambit ko ulit dahil wala talaga akong alam kung ano ba ang mga nangyayari.

  “Eleina,” may isang lalaki akong nakita at papalapit sya sakin. Bumukas naman ang selda kaya lumabas ako. Hinintay ko syang makalapit sakin pero kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya kilala.

  “Who are you,” I asked. Natigilan sya sa paglalakad. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nya baka sakaling nakalimutan ko lang pero hindi ko talaga sya kilala.

  “I’m Jared,” pakilala nya. Wala akong kilalang Jared.

  “Nasaan ako at nasaan ang mga kaibigan ko?,” hindi maipinta ang mukha nya sa tinanong ko.

  “Bago ko sagutin ang tanong mo, gusto ko lang siguraduhin sa’yo na kakampi tayo,” he said. Napaisip ako sa salitang kakampi.

  “Hindi kita maintindihan,” sagot ko naman. Lumapit sya sakin at may inabot na picture. Nang tingnan ko ay isang lalaki at mukhang dad nya to.

  “That’s my father and he’s dead because of them,” sabi nya at may binigay ulit sakin na isang picture.

  Pinasadahan ko ng tingin ang isang pang picture. Isang pamilya sila at lahat sila ay nakangiti.

  “I’m sorry to heard that---but what’s my connection with this? I mean--,” parang nabingi ako sa sinabi nya.

  “What did you say?,” mahinang tanong ko.

  “They’re dead. Your friends. Pinatay sila ng mga bampira,” muntikan akong matawa sa mga sinabi nya.

  “Vampires? You’re kidding right? Seriously,” natatawa kong tanong. But his reaction is firm.

  “No. I wish I’m kidding right now because I want my father alive,” binawi nya ang mga hawak kong pictures at tinalikuran ako.

Na-offed yata sya sa sinabi ko pero hindi naman nya ako masisisi dahil vampires? At lalo nang sabihin nyang patay na ang mga kaibigan ko? No way!

  Sinundan ko sya at lumabas ako pero napatigil ako nang makita ko ang paligid ko. Nasaan ba ako? This is not NightFall Village.

  “Hey!,” patakbo ko syang sinundan dahil kailangan ko ng sagot at sa puntong ito, sya lang ang makapagbibigay nun.

  Nang makalapit ako sakanya ay napatigil sya.

  “I’m sorry kung na-offend ka sa sinabi ko kanina pero hindi mo naman kasi ako masisisi,hindi ko ala ang mga nangyari,” sabi ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

  “I’m sorry to say that but that was true. Tayo na lang dalawa ang magkakampi,” pinisil nya ang magkabilang balikat ko. Napatango na lang ako. Binitawan nya naman ako at naglakad ulit.

  Nang mapagtanto ko iyon ay sumunod ako.

  “So, patay na sila? Pinatay sila ng mga vampires?,” hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ko. Patay na sina Keith?

  “Pero wala akong maalala sa mga sinabi mo,” dagdag ko pa. Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isang warehouse. Pumasok sya kaya sumunod ako.

  Nang makapasok kami ay pinasadahan ko ng tingin ang loob. Ang daming sirang sasakyan at kung anu-anong bakal.

  “Dito ka nakatira?,” I asked.

  “Oo, dito kami nakatira dati ni dad,” napatango ako.

  “Wait. Sagutin mo muna ang mga katanungan ko,” sabi ko. Umupo sya sa isang plastic chair.Ang daming katanungan sa isipan ko ngayon sa totoo lang. Naguguluhan parin ako at nabibigla sa mga nangyayari.

“Paano kami napunta dito at paano mo nalaman na patay na ang mga kaibigan ko at lalong higit sa lahat ay bakit kilala mo ako,” madami kong tanong. Humigit sya ng malalim na hininga bago sumagot.

  “Para sa unang katanungan mo, hindi ko alam kung paano kayo napunta dito. Pangalawang tanong, dahil nakita ko. Isang gabi habang naghuhunt ako ay nakita ko kayong magkakaibigan, huli na nang dumating ako para tumulong dahil napatay na sila at ikaw naman ay walang malay at dinala ka nila sa lugar na yun but then I saved you. At panghuli, dahil narinig ko,” agad na napaisip ako sa mga sinabi nya. Maniniwala ba ako? Pero may choice ba ako ngayon?

  Hindi parin ako makapaniwala na wala sina Keith and here I am, with a stranger saying weird stuffs about vampires.

  “So yung pumatay sakanila yung pamilyang pinakita mo sakin?,” tumango sya. Biglang napupuno ng galit ang puso ko.

  “Kaya may plano ako. At isasama kita dun,” tumayo sya at pinanood kong may kinuha sa isang drawer.

  Kinabahan ako nang may ipakita syang baril sakin.

  “We will have our revenge, together,” naisip ko bigla. Ako? Maghihiganti sa mga bampirang yun?

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon