Chapter Song: Everything you want by Vertical Horizon
×Eleina's
Huling naalala ko ay ang pagsambit ni Ronan ng pangalan ni Hunter. Naging blanko na ang lahat matapos iyon. Pero parang may hindi parin tama. Bakit parang may problema.
"That Hunter! Mapapatay ko sya!," galit na saad ni Ronan. Nakita ko ang pagkawasak ng mga gamit dahil dun.
"Ano ng gagawin natin ngayon? Matagal pa bago magkaroon ng eclipse, malapit na rin ang kaarawan ni Eleina," sambit ni Grae.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Sino ba ang pinalilibutan nila sa kama? Kita ko namang kompleto kaming lahat.
"At hanggang ngayon ay hindi pa sya nagigising," saad ni Sebastian. Kumunot ang noo ko. Lumapit na ako doon at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Is that me?," natanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang sarili kong nakahiga sa kama at walang malay.
"What is happening!," pinasadahan ko ang bawat isa sakanila. Bakit parang hindi man lang nila ako sinasagot?
"Grae," napatingin ako sa kamay ko nang hindi ko mahawakan si Grae.
Sinubukan ko ulit ang hawakan ang balikat nya pero hindi ko magawa.
"Feebie," tawag ko pero hindi nya ako nilingon.
Sinubukan ko ring hawakan si Ronan pero hindi ko sya mahawakan. Lahat sila! Kahit si Brick ay hindi ko rin mahawakan.
Teka. Patay na ba ako?
Bakit andito ako at nakahiga dyan sa kama sa katawan ko.
Napahawak ako sa dibdib ko. Patay na nga yata ako. They can't see me or even hear me.
"She's not breathing," ani ni Ronan at pinulsuhan yung katawan ko.
"Hindi na rin tumitibok ang puso nya," dagdag nya.
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa mga naririnig ko ngayon.
"She's not dead," ani ni Brick.
"Nawawala ang kaluluwa nya," ani ni Feebie.
Okay. Dapat ba akong matuwa na hindi ako patay pero andito ako at nakatingin sa katawan ko? Parang patay na rin ako kung tutuusin.
"Paano to nangyari?," ani ni Tita Maria.
Inisip ko ang sagot sa tanong na iyon pero hindi ko rin alam kung paano ba to nangyari.
"It's the side effect kumbaga," si Brick ang sumagot sa tanong na iyon.
"Hindi natapos ang ritwal. Nung ginawa natin iyon. Naghiwalay ang kaluluwa at ang katawang lupa ni Eleina at dahil hindi natapos ang ritwal dahil sa ginawa ni Hunter ay hindi naging isa ang mga ito. Nawawala ang kaluluwa nya," paliwanag ni Brick.Napatango ako. Kagagawan nga ito ni Hunter! Hindi nya talaga kami tatantanan.
Pero hindi naman ako nawawala. I'm here!
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}