41

681 31 1
                                    


Stupid Love

THIRD PERSON P.O.V

Mahaba-haba ang byahe ni Sebastian at Lirah patungo sa Placio kaya nakatulog sa byahe si Lirah. Pinasadahan sya ng tingin Seb saka binalik din ang tingin sa daan.

Nasa isip naman ni Sebastian ang kaibigang werewolf. Sana nga lang ay agad nyang mahanap iyon pagkarating sa Placio.

Nang makita na nya sawakas ang signage ng Placio ay pinabilis na nya ang pagmamaneho kaya naalimpungatan si Lirah.

Bago pa magtanong si Lirah ay sumagot na sya. "Where here,"

Sa Vampire Village...

Nasa café sila ni Brick at sinusubukan nilang hanapin ang isang bato na gagamitin para sa curse.

"Nagugutom ako," parehong napatingin si Ronan at Feebie kay Grae.

"Shut up Grae, maghanap ka dyan," ani ni Feebie na patuloy parin sa paghalungkat sa mga gamit ni Brick.

"Namimiss ko lang yung pagkaing sineserve ni Brick," nagkibit-balikat si Grae.

Hindi naman iyon pinansin ng magkapatid.

"Are you sure it's here?," tanong ni Ronan dahil kanina pa sila sa loob at halos masira na ang mga naiwang gamit ni Brick dahil sa paghahanap.

"Yes. Andito lang yun, maliit lang talaga," natigilan si Feebie sa paghahanap nang may naisip sya.

"Oh my," sabay na napatingin si Ronan at Grae sakanya.

"May problema?," Ronan asked.

Feebie snapped her fingers.

"Na kay Kuya Seb ang ruby," nasapo nya ang noo matapos sabihin iyon. Bakit nga ba hindi nya agad nalaman iyon.

***

Bumalik sila ng kanilang bahay dahil wala naman sa lugar ni Brick ang hinahanap nilang ruby, kundi na kay Sebastian.

Sumalampak si Ronan at Grae sa sofa.

"Sigurado kang nakay Sebastian yun?," tanong ni Ronan sa kapatid. Tumango naman si Feebie.

"Yung suot na necklace ni Eleina na binigay nya kay Kuya Seb bago pa mangyari ang lahat ng to," naalala nga ni Ronan ang necklace na iyon.

"Hintayin na lang natin ang pagbabalik nya," sumang-ayon ang lahar sa pahayag ni Ronan.

Sa Placio....

Tinigil ni Sebastian ang sasakyan sa isang lumang abandonadong simbahan na nasa magubat na parte ng Placio. Pinasadahan ng kabababa lang na si Lirah ang lumang simbahan na yun.

"Andito sya?," tumaas ang kilay nya sa bagong labas na si Sebastian.

"Dito ang pugad nila?," Lirah's thinking about a pack.

"No. He's alone," Sebastian said.

"We need to wake him up first," hindi naintindihan ni Lirah ang pahayag na iyon ni Sebastian pero hindi na sya nagtanong pa at sumunod sya kay Sebastian na pumasok sa abandonadong simbahan.

Kagaya ng inaasahan, balot ng alikabok ang lahat ng bagay sa loob ng simbahan. Dala-dala ni Lirah ang flashlight nya dahil walang nakakapasok na sikat ng araw sa loob.

Nakasunod sya kay Sebastian habang patungo ito sa altar na walang nakalagay na mga santo.

"Creepy," ani ni Lirah.

Tumigil naman si Sebastian sa altar at may ginalaw na bato saka nagkaroon ng daan pababa. Isang secret passage.

"Let's go," ani ni Sebastian at in-on na ang flashlight nya. Umuna syang bumaba at sumuno sakanya si Lirah.

The Vampire KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon