Chapter Song: Brick By Boring Brick by Paramore
×Eleina's"You ready?," tinapik ni Grae ang balikat ko. Sina Feebie, Tita Maria at Lirah ay nasa ibaba na. It's already dark at kabadong kabado na talaga ako.
"Makukuha natin sya ng buhay," ani ni Grae. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Kailangan makatulong ako ngayon. This is all my fault.
Kahit ang sabi ni Grae sakin ay kusang ginawa iyon ni Ronan kapalit ng kalayaan ko ay hindi ko parin makumbinsi ang sarili ko na wala akong dapat ika guilty.
"Let's go," ani ni Tito Francis at umunang lumabas ng bahay. Huli akong lumabas at malamig na hangin ang sumalubong sakin. Hawak-hawak ko sa aking kanang kamay ang isang flashlight. Vampires can see in the dark so they don't need to have flashlights. But in my case, I'm a human.
May ilaw naman ang mga poste pero hanggang poste lang. Mabuti nga sana kung magpapakita ang buwan para kahit papaano ay hindi balot ng dilim ang village. Iginala ko ang tingin sa paligid at wala akong makita.
Naglakad na kami at si Brick ang nasa unahan. Sya kasi ang nakakaalam kung nasaan tinago si Ronan dito sa Vampire Village.
"Masama ang pakiramdam ko dito," ani ni Brick at napatigil sa paglalakad.
"This maybe a trap," dagdag ni Brick. Nagtinginan sila ni Tito Francis.
"Alam ko. Kung gusto nilang patayin si Ronan, madali lang iyon. But we need to take risks," sagot ni Tito Francis.
Sumagi na rin sa isipan ko yun. Dahil kung papatayin rin naman si Ronan, sabi nga ni Tito Francis ay madali lang iyon. Lumagpas lang sya linya, magiging abo na sya.
"Saan sya tinatago?," tanong ni Sebastian.
"Nasa Aira Building," sagot naman ni Brick at nagsimulang maglakad si Sebastian. Sumunod ako sakanya hanggang sa sumunod na ang lahat.
Mabilis ang lakad namin at tahimik parin ang paligid. This is really a trap. This is suspicious enough dahil walang umaatake samin. Alam na ni Cornelius ang pagdating namin.
Abot-abot ang kaba ko sa mga pwedeng mangyari. Binuksan ko ang flashlight nang nasa labas na kami ng Aira Building.
Humugot ako ng malalamin na hininga at pumasok na kami sa loob. Tanging ilaw galing sa hawak hawak kong flashlight nanggagaling ang liwanag.
Tahimik parin ang paligid at ani moy walang nasa loob na building na to.
"Be alert everyone," paalala ni Tito Francis habang sabay naming tinutungo ang alley.
Pero napatigil kami nang marinig kami ng isang tunog.
"Ano yun?," natanong ko at lumingon sa likuran ko. Nanliit ang mga mata ni Grae nang tamaan ng ilaw ang paningin nya.
"Uh. Ako lang yun. Sorry," aniya. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang silid.
So nasa isang hotel kami.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}