Chapter Song: Monster by Paramore×Eleina's
Bumalik ako sa bahay at nadatnan kong nakabalik na sina Ronan at Sebastian. Napirmi ang tingin ko kay Sebastian. Pinaglalaruan lang sya ni Lirah."Asan si Lirah?," tanong ni Tita.
Mabilis ang tibok ng puso ko sa tanong na iyon.
"Ano.. si Lirah kasi--,"
Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin dahil dumating si Lirah.
Nagtama ang mga tingin namin. Tinaliman ko ang mga tingin ko dahil tama ako sa nararamdaman ko. Alam kong may mali sakanya.
Umupo na kami sa hapag at sabay na kumain. Tahimik ako at nakikiramdam. Napapailing na lang ako sa isipan ko kapag nagsasalita si Lirah.
Dammit. Nangangati na akong sabihin ang mga narinig ko kanina. Sigurado akong boses ni Hunter ang kausap nya.
Pero hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Maaaring maging baliktad ang mga mangyayari at ako ang lumabas na masama.Sa bait na pinapakita ni Lirah walang maniniwala sakin.
Pinasadahan ko si Ronan ng tingin.
Kung kay Ronan ko sasabihin maaaring paniwalaan nya ako. Pareho kasi kaming hindi kumbisido na si Lirah nga ang isa pang vampire key.
Natapos ang eksenang iyon at dumiretso ako sa kwarto. Nag-iisip ako ng mga dapat kong gawin. Anong gagawin ko sa nalaman ko? Kanino ko dapat sabihin ang impormasyong iyon?
Napatayo ako at nagsimulang magpabalik balik ng lakad.
Tanging si Ronan lamang ang mapagsasabihan ko nun.
"Alalahanin mo ang Plan B Lirah,"
Natigilan ako nang mapaisip ako kung ano ba ang motibo ni Lirah. Hindi ako pwedeng magsalita hanggang sa malaman ko ang lahat ng plano at mga dahilan nya.
Kung aakusahan ko lang sya na nakikipagtulungan sya kay Hunter, walang maniniwala sakin.
Lalo na't malapit si Lirah kay Sebastian. Kung iisipin, malaki ang pursyentong paniniwalaan nya ang kasinungalingan ni Lirah kesa sa katotohanan ko.
"Ako na ang bahala kay Eleina,"Ang mahalaga may alam na ako. Alam ko na ang totoong ugali nya. At alam ko na rin na hindi sya ang vampire key.
Lumapit ako sa bintana at saktong nakita ko ang paglabas ni Lirah ng bahay. Sinundan ko sya ng tingin.
Pabalik na sya ng bahay nya nang may maaaninag akong isang lalaki. Kahit medyo madilim ay alam ko kung sino iyon. It's Brick.
Nag-uusap na sila ni Lirah ngayon at mukhang seryoso iyon. Ano naman kaya ang pag-uusapan ng dalawang iyon?
Kumunot ang noo ko dahil mukhang nagtatalo silang dalawa.Hindi naman ganyan mag-usap sina Brick at Lirah. Sa katunayan hindi talaga sila ganyan.
Iba na talaga ang nararamdaman ko ngayon. May mali na talaga.
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}