THE VAMPIRE KEY
By: JareditsmePrologue
"Mom. I need to go bago ako tuluyang palayasin ni dad papuntang Canada. I need to go to that fieldtrip," I stated. My mom is currently baking at kanina ko pa sya kinukulit tungkol sa trip na to. Sa totoo lang nung isang linggo pa.
"Eleina," heto na naman ang tono ng boses nya. Alam kong hindi sya papayag.
"Mom please. Kasama ko naman si Keith at Kale," sabi ko. Yung dalawang bestfriend ko ang tinutukoy ko.
"They will take care of me. Walang mangyayaring masama sakin sa fieldtrip na yun mom," sabi ko. Tiningnan nya ako at pansin ko ang pagtitig nya sakin.
"Alright. Papayag na ako. But promise me to stick with that boys," naging malapad ang ngiti ko dahil dun. Yes! Finally! Makakapunta na ako sa ibang lugar! Kinukulong ako ng parents ko sa lugar na to!
"Eleina," nilapitan ako ni mom saka niyakap nya ako.
"Promise me, mag-iingat ka. Kahit na ano pang mangyari sayo, always be wise and follow your heart," kumunot ang noo ko sa sinabi nya pero hindi ko na pinansin yun dahil its my mom being a mom.
"Hindi na po ako mawawala mom. Malapit na akong mag 18," saad ko. Humigpit ang yakap ni mom sakin.
"Okay. Mabuti pa at maghanda ka na. Dalawang araw na lang at fieldtrip nyo na," humiwalay kami sa pagyayakapan. At tinanguan ko sya.
"Okay mom! Thanks!," mabilis akong pumanhik sa kwarto ko at agad na tinext si Keith at Kale.
"Finally Eleina! New environment!," I happily said. Nilabas ko ang maleta ko at mga damit na dadalhin ko. I'm too excited!
Hindi ko naman masisisi ang mom ko kung hindi nya ako payagan sa fieldtrip na to dahil nawala ako nung bata ako nung magcamping kami. I was too young back then at wala akong maalala sa mga nangyari. Kahit ngayon ay wala parin. At dahil dun ay umalis kami sa hometown namin at lumipat kami dito. I met these two boys. Keith and Kale and we became bestfriends.
Kinuha ko ang cellphone ko nang marinig ko ang ringtone ko. And it's Keith, calling. Pero nang sasagutin ko na sana ay nahagip ng tingin ko ang isang red rose. Kunot noo kong nilapitan iyon. Another one Eleina. Mukhang bagong pitas pa to. Parati akong nakakatanggap ng red rose sa study table ko. Una ay nakakatakot pero habang tumatagal ay nacucurious na ako. Hindi naman kasi mukhang pinasok tong kwarto ko. Ayokong sabihing may secret admirer ako dahil masyadong weird yun. But I guess, it's really a secret admirer Eleina.
"Who are you," I asked myself as I stare at this red rose.
×××
Characters:
Minah as Eleina Fate Ashton
Hongbin as Ronan Elise
Leo as Sebastian Elise
Seolhyun as Lirah
Ravi as Hunter
N as Grae
BINABASA MO ANG
The Vampire Key
Mystery / ThrillerLove. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}