SYWLG : Reflection II

213 8 0
                                    

8/4/18-EDITED

---

5:30

1 and half to go.

Maayos na yung venue.

The preparations and everything, pati na rin yung mga sound system at yung design ng event. Maayos na maayos na.

"wow. galing a?" napalingon naman agad ako sa nagsalita and there I saw the one and only... Rence.

"Oy ikaw pala." sabi ko saka tumabi sa kanya.

"Event organizer ka nga talaga... " sabi niya at napangiti na lang ako sa compliment niya.

"Salamat. Si Dave, nasaan? " tanong ko sa kanya. Bigla na lang kasing yung nawala.

"ah yun? ewan. " medyo walang ganang sagot niya sa akin habang nakatingin siya sa paligid at tinitignan yung ginawa ko.

"tsh. by the way, sinong sumuntok sayo? " tanong ko sa kanya patungkol sa natamo niyang sugat sa gilid ng labi nito. Good thing at mukhang nagamot na ito ngayon, kumpara nung kanina na parang kakagaling lang talagang nasuntok sa kung sino.

"Ah? eto ba?. Dave." sabi niya na ikinatigil ko naman at gulat na napatingin sa kanya.

"Ano?! Gago ba siya?. " hindi makapaniwalang sabi ko sakanya. Like, seryoso?

"ikaw kasi e." biglang sabi ni Rence sa akin na ipinagtaka ko naman ng slight. Hala ako daw? Nagawa ko?

"Anong ako? " tanong ko naman sa kanya pero tinignan niya lamang ako sabay ngumiti at saglit na hinawakan ang balikat ko.

"wala~ hahahaha. nga pala, pumunta nga pala ako dito para sunduin ka." sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi nito. 

"sundo? pero di ko pa talaga masyadong natatapos-" sabi ko pero pinutol na niya kaagad ang sasabihin ko at nagsalita siya kaagad.

"tch. yung mga kasamahan mo na ang bahalang gumawa niyan. Tara na~ " sabi niya at aakmang pauunahin ako sa paglalakad pero umtras ako ng konti sa kanya.

"Ha? p-paano naman kung-" pagrarason ko sa kanya dahil ayaw ko naman talgang magkandaletche ang lahat dahil sa kapabayaan ko.

"tch. tara na kasi~ " sabi niya na parang batang di binilhan ng kendi.

Oo na. ako na masama XD

"Oo na! teka lang muna. MISS! " tawag ko sa babaeng kumausap sa akin kanina. Lumapit naman kaagad sa pwesto namin at nagtataka.

"Bakit po? " tanong niya.

"sinusundo na ako e. kayo nang bahala a? " sabi ko sa kanya.

"makakaasa po kayo." sabi niya sabay kuha nung papers na hawak ko kung saan nakasulat yung mga nagawa at ichecheck na lang yung maayos na ba ito o hindi.

"sige." sabi ko at tumalikod na saka naunang maglakad kesa kay Rence.

"Hoy! Hintay!"  rinig ko namang sigaw niya na ikinatawa ko naman. Hahahaha.

Mabuti pa 'tong si Rence ambait. Bakit ba kay Dave pa ako nagkagusto e.

:'(

CHAROT HAHAHAHA

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon