08/31/18-EDITED
FRIDAYJIN's POV
"Ano!? Seryoso ka ba diyan ha unano!? " sabi ko sa Jerome na 'to.
Nga pala, kinaladkad ko kaagad ang pandak na to papunta dito sa bahay dahil sa mga katanungan ko patungkol sa kanya.
"Gago. Wag mo ngang inaano height ko! Matangkad ka lang, sinasabi ko sayo at isa pa seryoso nga ako dito. " sabi ni Jerome sa akin.
Wala nga pala si Rexter dito. Ewan ko dun kung nasaan yun ngayon— hahahaha, juk lang. Nagtext yun na pupuntahan daw niya si Mikael sa bahay nito..
"EH bakit kasi hindi mo sinabing nagkarelasyon ka na pala?! pasikreto ka pa, hindi mo naman ikinagwapo yan. " sabi ko sa kanya.
"Wala din namang patutunguhan kung sasabihin ko sa inyo ang tungkol dito. Di ko naman maibabalik na maging kami ULIT kung sasabihin ko sa inyo ang tungkol dun. At di ko rin naman akalaing magiging ganito lang kaliit ang mundo at magkakilala pa kayo." seryosong sabi niya sa akin.
"Yeah right. Pero papano nga pala nangyari? Bakit hindi ko man lang napansin?" tanong ko sa kanya.
"Isa yan sa mga dahilan kung bakit, dahil ayaw niyang ipamukha sa ibang tao na may relasyon kami. High school pa lang na naging kami. After one year, nakipagbreak siya dahil ayaw na niya. Wla naman akong ibang nagawa sa desisyon niya, pero pinaglaban ko yung side ko. Kinulit ko siya na maging kami ulit pero ayaw na niya tlaga. Kaya simula nun, naging babaero ako. Mahal na mahal ko ang babaeng yun simula nung nakilala ko siya 5 years old pa lang ako. Pero naisip ko din na bakit ko nga ba ipagpipilitan ang buhay ko sa kanya na pwede naman akong maghanap ng iba, diba? So, I tried to find love through someone else. I even court someone, paralang makalimutan siya. Just to divert my attention. But unfortunately, siya parin ang tumatak sa puso at isip ko, muntik din akong mabaliw dahil sa pag-ibig na yan. " mahabang kwento niya sa akin.
Wow grabeng pag-ibig. Hahahaha.
".... Hanggang sa isang gabi may tumawag sa akin sa kalagitnaan pagtulog ko. Nagising ako sa tawag na yun at sinagot ko kaagad not knowing it was her, at doon ko lang naramdamn ang nakakamiss niyang boses." sabi niya at napapailing na lang ako sa storya ng isang 'to. Naks. Walang poreber! Hahaha.
"Wow bro, so you mean, nagkabalikan ulit kayo after that?"
"Ulul! Walang balikan na nangyari! Tinawagan niya lang ako nun dahil hindi siya makatulog. May Insomia siya at tanging ako lang yung makakapagtulog sa kanya. Simula pa nung mga bata kami, ako na ang tumatabi sa kanya matulog at nakakatulog din naman siya kaagad kagaya kagabi—"
"HA??? You mean, may nabuo ba!? Did you used a protection—Aray oy!" sabi ko nang bigla niya akong hinampas ng unan dito sa sala.
"Gago! Yang utak mo, pakilinisan paminsan minsan." sabi niya sa akin
Walanghiya.
"Walang nangyari ha. At isa pa, nirerespeto ko ang pagmamahal ko kay Alexa. Yun nga lang, nalaman ko pang crush niya pala yung walangyang pinsan ko." sabi niya sa akin na ikinagulo naman ng utak ko. Pinsan daw?
Sinong pinsan?
"Sinong pinsan? " tanong ko sa kanya. Wala akong ibang ideya kung sino ang tinutuloy niya. Gaya nga nang pagkakakilala niyo dito, masikreto siya sa mga bagay bagay.
"Si Kyle. " sabi niya.
"Oemji! Mukhang yummy ng papable na yan ah— ARAY NA NAMAN Oy, nasakit nun ah! " sabi ko sa kanya dahil hinampas kasi niya ako ng maliliit na unan dito sa sofa. Hindi man lang ako nakapag-ready. Walangya.
![](https://img.wattpad.com/cover/94370340-288-k767077.jpg)
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AksiLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...