XVI.

97 4 0
                                    

09/18/18-EDITED
TUE.

HANZ POV

"Ano?  Nakuha mo na ba? " tanong ko kay Rexter.

Umalis kasi kami ng maaga para may bilhin.  Si Rexter mga bulaklak ako naman cake na pinareserve ko kahapon pa. 

Bakit? 

Dahil dadalawin namin ang kapatid ni Jin. Matagal tagal narin akong di nakabisita sa makulit na yun. 

"Yes. Ano sa tingin mo?  Nasa bahay pa kaya sila ngayon? " tanong ni Rexter sa akin. 

"Hindi ko rin masigurado but don't worry.  Itetext naman tayo ni Rence for that. " sabi ko sa kanya at pumasok na kaming dalawa sa kotseng dala ko. 

Kotse ni Rexter 'to pero ako yung pinapadrive niya dahil pagod daw siya. 

Nagtataka na ako sa mokong na to e. Para kasing may mali. Lalo na sa kinikiloa niya na medyo hindi masyadong normal sa paningin ko.

"Oy,  ayos ka lang ba talaga?  Pang ilang beses mo nang sinasabi sa aming pagod ka.  Sbihin mo nga sa akin ang totoo, Rexter, may hindi ba ako nalalaman sayo? " sabi ko sa kanya at pinaandar na yung kotse papunta sa susunod naming destinasyon.

"Im fine, idiot.  Magmaneho ka lang diyan.  Tutulog muna ako dito at gisingin mo na lang ako kapag nakarating na tayo dun sa pupunthn natin." sabi  niya sa akin kaya hindi ko na lang siya kinulit pa sa pagtatanong o pagkumbinsi na sabihin ang totoo.

Pero alam kung may mali.. 

JEROME's POV 

"Sigurado ka bang ayos lang sa kanila? " paulit ulit na tanong sa akin ni Alexa. 

Medyo naiinis na ako kaya paslamat na lang talaga at mahal ko siya kaya tinitiis ko na lang.

As usual.. ganito dpat kpag mahal mo.
Andito nga pala ako sa bahay nila.  Umuwi naman ako kanina para makaligo at makapagpalit ng damit tapos sinabi ko sa kanya na isasama ko siya sa pupuntahan naming magbabarkada.  Sabado naman kaya walang problema.

"As what I have said earlier.  Ayos lang talaga. Babatukan ko naman sila kapag ayaw nila.  And besides,  nandoon si Mae. " sabi ko sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko. 

".. O?  Anong problema? " tanong ko ulit sa kanya. 

"Are you sure about that na pupunta rin si Mae? A-Alam niya ba kung sn at bakit doon?  " sabi niya sa akin. 

Umiwas ako ng tingin at huminga muna ng malalim. 

"Hindi ata.  Si Jin nang bahala magpaliwanag dun.  Mabait naman yung si Mae,  kaya wag ka nang mabahala. " sabi ko sa kanya.

Kanina ko lang sinabi kay Alexa na may kapatid si Jin, ang saya pa niya nung nalaman niya yun pero nawala naman agad yun nung sinabi ko sa kanyang patay na ang kapatid ni Jin 2 years ago. Kaya ganun na lamang siya magtanong tungkol kay Mae.

"Now I understand why that Pink guy loves Mae so much! Damn! Bakit hindi ko alam yun? Nakakainisnaman.  Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Kainis ka alam mo yun?" sabi niya sa akin at hinampas pa ako ng mahina sa braso.

"Hindi ko magawang sabihin yun sayo kasi binalaan ako ng baliw na yun na walang magsasabi tungkol sa balitang yun. Alam mo naman yun, ayaw niyang kinakaawaan. Medyo mataas ang pride nun pero alam mo? Nagbago lahat yun nang dumating sa buhay niya si Mae. Kaya nga nagulat ako ng tawagin siya ni Mae ng 'Mama' kasi sa lahat ba naman, bakit 'Mama' pa!? Pwede namang Kuya. Kabaliwan talaga ng gunggong na yun. Sumosobra na. " naiiling ko na lang na sabi kay Alexa at narinig ko naman itong natawa.

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon