Edited: December 15, 2018
Saturday
8:56 PMPOLICE STATION
JIN's POV
"Aray! Tama na!— ANO BA!?" sabi ni Dave sa akin habang pinapalo palo ko siya sa braso.
Nangigigil ako sa gagong 'to!
"Pinag-alala mo ako ng sobra! BWISIT KA!" sabi ko sa bugok na 'to.
"Tinawagan lang naman kita a? Ba't ka ba nanghahampas?" sabi niya kaya tumigil na ako sa kakahampas sa kanya.
"Bingi ka ba? Gusto mo ulitin ko tapos hahampasin kita nang mas malakas!? Ano?" sigaw ko ulit sa kanya.
"Tss. Wag na lang. Abuso ka naih— Teka nasaan si Ellaine?" tanong niya sa akin. Tignan niyo'to, nasa police station na nga, si Ellaine parin bukambibig ng litsi. Gago.
"Ellaine na naman? Gusto mo bugbugin na kita dito mismo!?—Aray! SINONG—" sabi ko at agad na lumingon sa bumato ng sapatos sa akin at nagulat kung na lang ako sa nakita.
"Mae? Anong ginagawa mo dito?" si Dave na ang nagsalita at agad na nilapitan si Mae pero bago pa ito makalapit ay biglang umeksena si Mikael.
"H-Hyung.." gulat na sabi ni Dave kay Mikael.
"Oo, ako nga." seryosong sabi ni Kael sa kanya kaya naman tinignan ko na lang si Mae.
"Oy Anak! Anong bang ginagawa mo dito? At may pabato bato ka pang nalalaman ah." sabi ko sa kanya at napakamot naman siya sa batok bago magsalita.
"Ahehe. Sorry naman. Kaslanan yun ni Dave kaya paluin mo ulit yan!" sabi niya at tinuro si Dave.
"Ako na naman? Isang tao lang tinawagan ko para tulungan ako tapos kasalanan ko na naman?— Aray! Ang sakit ah!" sabi ni Dave nang binato ko sa kanya yung sapatos ni Mae. Pinulot ko kasi kaya binato ko na lang ulit sa kumag na 'to.
Ahahahaha.
Napatingin naman ako kay Mikael kasi nagtataka ako kung bakit siya nandito.
" Kael, bakit ka ba nandito?—" salita ko pero bigla siyang nagsalita kaya naputol ang pagtatanong ko sa kanya.
"Nasaan si Ellaine, Dave?" seryosong sabi ni Kael kay Dave.
"Ha?" sabi ni Dave na nagkasalubong ang mga kilay na nakatingin kay Kael.
"Narinig mo akong gunggong! Nasaan si Ellaine!?" galit na sigaw ni Kael.
"Maghunos dili ka, Mikael! Wag kang mag-eskandalo dito. Pambihira!" sabi ko sa kanya at nilapitan naman ni Mae si Mikael para pigilan ito sa gagawin.
"Tinatanong kita, Dave. Sagutin mo ako!" ani ni Mikael kay Dave. Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita.
"Uh, hello... po?"
Napatingin naman kaming lahat sa dumating—
a-ang ganda niya— TEKA ANO? MAGANDA? seryoso?
"You must be Jin, right?" sabi nung babae habang nakatingin saakin na parang nakakita siya ng artista— I'm worldwide handsome you know? *wink*
"Ako nga. May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ako nga pala si Briana. ISA AKONG #1 FAN MO! OMG! Pwede po ba mahingi ang autograph mo po—" sabi niya habang ang lapit niya sa akin hanggang sa may humila sa kanya palayo— Thank you naman.
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
ActionLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...