Edited: October 13,2018
SaturdayMAE's POV
"R-rence. Buntis ako."
"Im sorry Mae."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Anong 'I'm sorry'!?
"Hunghang ka ba?—"
"Aalis ako sa ng bansa, Mae. Kaya sorry—"
*PAK*
"WALANG HIYA KA! SO, GANUN LANG!? IIWAN MO AKO!? B-Bakit ka ba nagkakaganyan, Rence!? ANONG NANGYAYARI SAYO?! TANG*NA MO!" sabi ko at humagulhol na ako ng iyak.
"Im really sorry" sabi ni Rence sa akin.
SORRY!? SORRY NA NAMAN!? GANUN NA LANG TALAGA!?——
"Mae! MAE GISING! ANAK NG— GUMISING KA!"
Minulat ko kaagad ang mga mata ko at agad ring tinignan kung sino ang gumigising sa akin. At nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
Nag-iba man ang kulay ng buhok niya at kuminis man konti ang mukha niya, alam ko parin kung sino siya.
"K-Kuya?"
"Oo ako nga," sabi niya at bigla na lang akong umiyak ng umiyak.
"Tumahan ka na. Nandito na ako. Huwag ka nang mag alala. Masamang panaginip lang yun." sabi niya sa akin habang hinahagod niya yung likod ko to comfort me saka ako biglang natigilan at tinignan siya.
"Bakit?" tanong niya sa akin. Nagtataka.
"P-paano ka nakapasok Kuya? Si Rence? Nasaan siya—" sabi ko pero agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Wala siya dito. Wala akong pakialam kung nasaan siya. Pero Mae, lumayo-layo ka sa Rence na yun. Hindi mo siya kilala." seryosong sabi niya sa akin.
B-bakit? Konektado ba ito sa mga napapanaginipan ko? — HINDI MAAARI, dahil sa pagkakaalam ko... hindi ko kilala si Rence.
At sino ba siya para ganyan na lang magsalita si Kuya tungkol sa kanya?
"Si Dave, tinulungan niya akong makapasok dito sa bahay. Pinuntahan niya ako kanina sa dorm." salita ni Kuya na ipinagtaka ko naman. Magkakilala sila si Dave?
Pero, bakit parang iba ang kutob ko ngayon?
"Bakit? sa paanong dahilan?" tanong ko kay Kuya at imbes na sagutin ay umiwas ito ng tingin sa akin.
"Teka. Sila Jin? Rexter? Nasaan sila? Nakauwi na ba—" natatarantang sabi ko sa kanya kasi iba talaga kutob ko. Parang may masamang nangyayari.
"Mae, kumalma ka muna." sabi ni Kuya sa akin pero sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong nakaramdam ng galit.
"ANONG KAKALMA KUYA!? ANO BA KASING NANGYAYARI!? BAKIT KO—" sigaw ko sa kanya pero bigla akong natigilan sa pagsalita nang bigla akong nakaramdam ng pagsakit sa ulo ko.
"AAAHHHHHHHHH!!!!! K-Kuya , a-ang saket ng ulo ko..t-tulong. " sabi ko at napaupo naman kaagad ako sa sahig dahil sa sakit ng ulo.
"MAE! BAKIT? ANONG NANGYAYARI? MAE!! " Rinig kung sigaw ni Kuya sa akin at naramdaman ko din ang paglapit nito sa akin at hinawakan ang mga braso ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na dumilim ang paningin ko.
DAVE's POV
Inaaliw ko lang ang sarili ko dito sa loob ng kwarto habang nakahiga at nakatingin sa kisame.

BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AçãoLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...