XXIII.

88 3 0
                                    

EDITED: November 9, 2018
11: 10 PM.

MIKAEL's POV

Minulat ko ang mga mata ko at bumangon ng makaramdaman ako ng sakit sa ulo—

"Tang*na." sabi ko kaagad pero agad na napatigil ng mapagtanto ko kung ano ang nangyari. 

Nilingon ko kaagad ang paligid at agad na nakita ang iba. Si Jin, Rexter at si Jerome na wala ring malay sa kabilang higaan habang si Hanz naman ang katabi ko ngayon. 

nasaan ba kami? 

Sinubukan kung namang tumayo para gisingin sila pero ang sakit talaga ng ulo ko—

Bwisit na karayom yun!  Kainis! 

Teka, nasaan si Dave? 

Napalingon lingon ako sa paligid pero wala siya dito!  

Takte!  nasaan na yun? 

Nabigla naman ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita si Dave. 

"Tol! mabuti at gising ka na. " sabi niya at nilapitan kaagad ako. 

"Ulul! malamang nakadilat eh.  Teka,  hindi ba masakit ulo mo?  At nasan ba tayo? " sunod sunod na tanong ko sa kanya kasi ang kampante ng mokong eh.

"Uhm..  Ang hirap man paniwalaan pero nandito tayo sa bahay ng kapatid ni Rexter. " sabi niya na ikinagulat ko naman. 

"Huh!?  May kapatid ang badjao na yan!? " sabi ko at tinuro si Rexter na tulog pa rin kasama nung iba. Mga gago, may problema pa kami tapos natutulog pa.

Mabatukan nga ang mga ito mamaya.

"Oo. Tara muna sa labas,  ipakilala kita kay Trisha. " sabi niya sa Akin. 

Trisha? 

"Yan ba yung babaeng tumawag ng Kuya kay Rexter bago ito maospital? " tanong ko naman at bumangon na pero lintik,  masakit parin yung ulo ko, kabwisit ba ani oy! Litsi.

"Oo. Siya nga yun. " sabi ni Dave at inalalayan akong tumayo at maglakad palabas ng kwartong to. 

Kung kapatid niya yun,  bakit di yun pumunta sa ospital?  Ni hindi nga yun sumakay sa ambulansiya e.  Bigla lang nawala na parang bula. 

May takip yun sa mukha (mask) sa mga oras na yun kaya hindi ko masyadong nakita yung mukha niya pero paano nakilala ni Dave ang Trisha na yun? 

"P-paano mo siya nakilala? " tanong ko sa kanya.

"Pumunta yun sa bahay doon sa probinsya.  Nauna ako dun diba?  So ayun,  pumunta siya dun at nagpakilalang kapatid niya daw si Rexter at doon ko na rin nalaman yung sakit na meron si Rexter. " kwento ng ugok na to. 

Bigla naman akong napatigil nang pumasok sa isip ko si Rose. 

"May problema ba? " tanong ni Dave. Nahalata niya siguro yung pagtigil ko.

"Si Rose, may alam ka ba kung nasaan siya ngayon? " tanong ko sa kanya at magsasalita na sana ito ng may marinig kaming kalabog sa loob ng kwarto.

Nakalabas na kasi kami ni Dave at dahil sa pag-aalala babalik na sana ako doon sa kwarto para malaman kung ano ang nangyayari ng biglang may dumating na mga lalaking naka men in black—. 

what the heck!?—

"Dont worry. Hindi sila mga kampon ng Ama ni Rence." sabi ni Dave at agad naman akong napatingin ulit sa mukha niya. " mga tauhan yan ni Trisha.  Tara na sa kusina,  nandoon kasi siya ngayon nagluluto ng hapunan. " sabi ni Dave at nagsimula ulit maglakad papunta sa sinasabi nitong kusina. 

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon