SYWLG : Never Mind

123 3 0
                                    

08/29/18-EDITED
10:05PM-FINISHED
Wednesday

MAE's POV

Tahimik lang kaming kumakain. At dahil sa hindi ako sanay ng ganito katahimik kaya naman tinignan ko sila isa isa.

Napansin ata ni Mama Jin yung ginagawa ko since katabi ko lang naman siya kaya malamang mahahalata niya talaga.

"Anong problema maganda kung anak?" tanong nito sa akin pero hindi ko siya sinagot,bagkus ay si Kuya Rexter yung nagsalita.

"Pwede ba Jin? Wag mo ngang matawag tawag nang ganyan si Mae, akala ko dumadagdag yan sa ganda mo? Ganda ka ba?" sabi ni Kuya Rexter na katabi ko lang din nakaupo pero nasa kabila naman siya. In short, pinapagitnaan ako nitong dalawa.

"Tss. Inggit ka lang e. Kung gusto mo, sabihan mo si Mae na tawagin kang 'Papa' para ebribadi hapi hihihi" rinig na sabi naman ni Mama Jin kahit na hininaan niya yung iba niyang sinabi. Siraulo talaga to. Wag tularan mga beb.

"At bakit naman ako maiinggit? Tsh. " sabi ni Kuya na mukhang hindi niya talaga narinig yung buong sinabi ni Mama Jin at nagpatuloy siya sa kanyang pagkain dahil kapag narinig niya yun, ihanda mo na lang talaga ang pangmangga mo sa bangayan nilang dalawa.

Napatingin naman ako sa tatlo na nasa harapan lang din namin.

Si Mama Jin kay Dave tapos ako naman si Hopia tapos si Kuya Rexter naman si Rence. Gets niyo ba? Okay okay.

"Oh bakit? " tanong ni Rence kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahm, ano kasi—" salita ko pero naputol nang magsalita si Dave.

"Di siya sanay." biglang sabi ni Dave na ikinagulat ko naman at nagtaka rin  ako nang bigla akong may naramdaman na tensyon between Rence and Dave. Nagtitigan kasi sila na parang kulang na lang ay papatayin na nila ang isa't isa.

"Teka teka nga, may hindi ba ako nalalaman dito? Particularly, the both of you?" sabi ko at nilapag ko na yung ginamit ko na kutsa at tinidor sabay cross arms at tinignan sila Dave at Rence.

"Hoy mga ugok, ubusin niyo muna ang pagkain, wag kayong basto sa harap nang hapag! Tusukin ko kayo ng tinidor eh. Gusto niyo ha!? " biglang sigaw ni Mama Jin na ikinagulat ko naman at nagpatuloy na din ako sa pagkain. Kahit gusto ko ngang matawa pero dapat seryoso tayo dahil baka mabatukan pa ako ng wala sa oras ni Mama Jin.

*****

"Okay. Matulog ka na,Mae. Goodnight—" sabi ni Hopia sa akin  pero umangal ako at masama siyang tinignan kaya hindi na niya natapos ang dapat niyang sasabihin sana.

"ANONG MATUTULOG? Hindi ako pinanganak na Bobo! Mag-uusap pa tayong lahat diba? DIBA!?" sigaw ko sa kanilang lahat kasi kanina pa talaga nila ako sinasabihang matulog na e!

"Ipagpabukas na lang, Mae. Pagod na rin itong si Rexter. Alam mo na, kakarating lang 'to galing sa lung saan, isama mo na rin si Hanz. Gumagabi na rin." sabi sa akin ni Mama Jin.

"Eeeeeee! Sige na nga! " sabi ko saka ako padabog na umakyat sa taas papunta sa kwarto .

"GOODNIGHT ANAK KUNG MAGANDA!!! " Rinig kung sigaw ni Mama Jin.  At narinig ko pa yung iba na nag-goodnight din.  Pero iba ang umagaw sa pandinig ko nang buksan ko na sana yung pinto sa kwarto ko. 

"GOODNIGHT MAE!  DREAM OF ME! " rinig kung boses ni Rence sa akin.  GAGO.

"MAG-ISA KA RENCE! NAKAKADIRI KA! CHE! " Sigaw ko pabalik bago ako pumasok sa kwarto at doon na tumawa ng malakas. 

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon