XXVI.

71 3 0
                                    

Edited: November 13, 2018
2:06 PM
Tuesday

RENCE POV

Nang makawala na ako sa tali ay agad akong napahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Sobrang frustrate na ako sa mga oras na 'to.

Kailangan kong makausap sila Mae! Kahit sila Jin man lang. Bwisit!

I heard footsteps from the outside na sa pagkakaalam ko, mga bantay na inutusan ni Ama.

Makakatakas naman talaga ako sa walangyang lugar na 'to pero.. May cctv dito sa loob kaya malalaman at malalaman talaga nila na tumakas ako. Kahit di nila sinasabi na meron, alam ko namang meron kasi hindi naman ako bobo para di mahalatang may nakatutok na hidden camera sa paligid ko.

Tinignan ko naman kanina sa labas ng bintana kung may nakabantay ba, at hindi nga ako nagkamali.. Meron nga at mga sampu ata yung nasa baba para lang hindi ako makatakas.

Tang*na lang noh? Ano bang meron sa babaeng yun na gustong gusto akong ipakasal ng bwisit na yun!?

Arrgh!

Wala sa akin ang phone ko ngayon dahil kinomfiscate yun kanina ng mga magagaling na utusan ng demonyong yun.

I don't have any devices here na pwede kung gamitin to contact people from the outside dahil pati mga computer ko dito sa kwarto, kinuha na nila lahat.. Bwisit.

Nag alala na tuloy ako ng sobra. Bwisit. Lalo na ngayong, hindi pa siya nakaalala. Na hindi pa niya alam kung sino talaga siya. Paano na lang kung napahamak siya ngayon!? Papaano kung—

"Hindi hindi hindi.. Hinding hindi mangyayari ang iniisi ko.. " sabi ko sa sarili.

'Ah talaga lang Rence? Paano mo masisiguradong magiging ayos lang siya? Nawala nga yung magiging anak niyo dahil sa kapabayaan mo! Paano mo masisiguradong hindi!? HA!?

"P*TA!" sabi ko kaagad tska ko pinatid yung pinakamalapit na side table at saka tumayo sa pagkakahiga.

*Bogsh*

*Crasssh*

Tumilapon naman agad ang picture frame na nasa side table nakalagay kasama ng iba pang kagamitan at nakatumbang side.table.sa.isang tabi.

Bigla naman akong natigilan sa pag-iisip ng may marinig akong naguusap sa labas ng kwarto.

"Sumabog na yung bomba sa bahay na yun. " sabi ng isang boses.

Bomba? Anong bomba!?

"Ganun ba? Papaano yung mga tao doon? Yung hinahanap natin? " sabi naman ng isang pangalawang boses.

"Kritikal ang iba, pero yung babaeng nagngangalang Mae ay nasa puder na ni Sir Alfonso-" sabi nung unang boses.

WHAT!?

HINDI PWEDE!!! HINDI MAAARI!

"BUKSAN NIYO TONG PINTO! Buksan nito 'to at papatayin ko kayong lahat! Anong ginawa niyo!? Anong ginawa niyo kay MAE!? Buksan nito 'to!! P-paki-usap *sobs*" sabi ko at agad na napaluhod dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko kayang mawala ulit sa buhay ko si Mae..

Oo, inaamin ko namang may kasalanan din ako.. Dahil iniwan ko siya.. Dahil naging duwag ako.. Pero ang alam ko, mahal na mahal ko si Mae. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya.. Dahil alam kung sa mga oras na to.. Di niya pa alam kung ano talaga ako sa buhay niya...

"Mae..." huling nasabi ko bago ko naramdaman ang pagdilim ng paningin ko at pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig.

SOMEONE'S POV

"Hahahaha, sabi na e. " sabi ko naman habang may pinapanuod na palabas.

Napatingin naman ako sa katabi kung babae at yung isang taong nakikinuod din dito sa sala.

"Pretty corny. Ha ha. " sabi ng katabi ko.

"They really love each other. " Komento naman nung ugok at hinampas ko naman agad ito sa ulo.

"Manahimik ka! Kung hindi lang sana nauna ang litsing yan, akin sana yung babaeng mahal na mahal niya. Epal din kasi e. " sabi ko naman.

"Tss. Wala namang hampasan. Gago ka ba!? " inis na sabi nung ugok.

"Pwede ba wag kayong mag-away? Pagod ako okay?! At isa pa, naayos ko na lahatlahat. Planadong plantsado na. Ngayon, ano nang susunod na gagawin? " sabi ng babaeng nasa tabi ko.

Napatingin naman ito saglita sa akin bago sa isa pa.naming kasama dito at bumalik ulit ang tingin sa akin saka siya nagsalita. "Kung hindi lang sana dahil sa yo, hindi ko gagawin to. Alam mo bang gusto ko nang bugbugin ang bwisit na yan dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin!? Arrgh! Naiirita na talaga ako, sobraaa! " sabi niya ulit at nagcross arms. Halatang galit ito na parang batang hindi pinayagang lumabas sa bahay.

"Hahahaha. Tiis tiis ns lang babe- ARAY! Ano ba? Bakit ka naman nanghahampas!? " sabi ko kaagad dito at narinig ko namang natatawa yung isa na parang baliw.

Gagu.

"Babe your face! MANDIRI KA NGA, KUYA! And FYI lang ha? HINDI.AKO.BABOY!! Bahala ka sa buhay mo! Magsama kayong dalawa! TSE!" sabi niya saka agad na tumayo at umalis.

"HOY!  bumalik ka nga dito, HINDI PA TAYO TAPOS! Hoy LAINE! HOY! " tawag ko sa kanya pero ang Gaga ay Gaga talaga.

tss, napaka maldita talaga.

"Manang mana sayo. " sabi ng naiwang specie dito na kasama ko.

"Tss. Pamilya e. " sabi ko na lang at agad na may kinuhang mga papel sa mesa na dala ng kapatid ko kanina.

"Patingin. " sabi nang bwisit na to at may binigay naman ako sa kanya.

"Wow. Siya yung nag arrange ng mga to? " sabi niya sa akin at tumango naman ako bago magsalita.

"Half of it. Since may alam naman yun sa mga ganito. "

"But why? " tanong niya sa akin na ikinakunot naman ng noo ko sabay lagay ulit nung mga papel sa mesa.

"Anong 'why?' " Tanong ko sa kanya.

"I mean.. Pwede namang ikulong mo lang yung dalawang yun sa iisang kwarto para magkaaminan na. Bakit kailangan pang dumaan sa mga ganito? Alam mo bang ang laki ng utang na loob mo kay Boss dahil diyan sa pinaggagawa mo? " sabi niya sa akin.

"Tsk. You don't understand. We have a deal about it, dude. Sumang ayon naman siya kaagad. Wala namang problema sa kanya at tsaka, paraan ko na rin ito para mapatunayan ng bwisit na yun na iba ang ihip ng hangin ng Ama nito, kaya hindi na niya kailangan pang magtago. At tsaka isa na ring malaking tulong to para peace lahat. " mahabang sabi ko sa kanya.

"Tss. Basta, kahit ano man yan. Kapag pumalpak ka talaga, walang damayan dito." pagbibirong sabi nito sa akin at nagtawanan naman kami agad.

"Bwisit ka Kyle.. " Sabi ko sa kausap.

"Nagsalita ang hindi.. Harry. " sabi naman niya sa akin.

And tomorrow will be a blast for everyone *winks*

A big celebration to and a revelation!! Hakhak!

---

A/N :

I hope you enjoy! 

Thank you ! Mwah~ 

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon