SYWLG : BEGIN

94 2 0
                                    

Edited: December 12, 2018
WED.
8:08 PM

HARRY's POV

"Doc,  is she okay now? " tanong ni Kyle sa doktor.

"She's fine.  Kailangan lang niyang mag ingat at wag masyadong ma-estress lalo na at nagdadalang tao siya— sino ba sa inyo ang asawa nito?" tanong nung doktor at tumingin muna ito sa akin bago kay Kyle.

Hindi ba obvious na magkamukha kami ni Alyssa? Tss!

Paano ko magiging asawa yan e kapatid ko yan! Litsing doktor to— Psh.

"Ako po, Doc." sabi ni Kyle sa doctor.

Kung nagtataka kayo o naguguluhan paanong naging sila, tanungin niyo na lang yung Author nito since wala akong alam nang punot dulo ng kainlaban nilang dalawa basta ang nalaman ko lang na engage na si Kyle pero di ko alam na kapatid ko pala pinuntirya niya.

Gago diba?

"Ok, she just need some rest at pwede na siyang umuwi when she finally wakes up." sabi nung doctor at agad na lumabas ng kwarto kasama ang assistant niyang nurse.

"Harry.. " tawag sa akin ni Kyle kaya tinignan ko siya. 

"Bakit? " tanong ko sbay upo sa kalapit na couch sa gilid.

"About the wedding.. "

"Bakit mo natanong?"

"Trap lang ba ang kasal?" tanong niya sa akin. Natigilan naman ako saglit sa sinabi pero nagpatuloy pa rin ako.

"Yes. "sagot ko sa kanya.

"Seryoso?" sabi niya ulit.

"Actually,  hindi dapat trap yun pero may nangyari kasi kaya nagbago yung plano. " sabi ko at nakita ko naman siyang napakunot ang noo niya at agad na umupo sa tabi ko. 

"What do you mean? " tanong niya sa akin.

"Remember the day nung pinanuod natin si Rence through that hidden camera?" sabi ko at tumango naman siya sa tanong ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagsalita.

"On that day, tinawagan ako ni Don Alfonso for some important matters,  he said na may mangyayaring transakyon sa Cebu at wala siya dito sa Manila kaya there's a possibility na may mangyayaring hindi maganda sa seremonya lalo na at may nakakaalam sa kasal ni Rence. Kaya imbes na ituloy ang kasal, he suggested it to be a trap para dun sa mga taong gustong kunin si Rence at isabutahe ang seremonya. " paliwanag ko sa kanya.

"You mean...  may nahuli ba talaga? At sino-sino naman? At paano malalaman na sila yung sasabutahe ng seremonya? " sabi niya and I just made a smile  at tumingin ako sa direksyon kung saan tulog pa din ang tulog mantikang kung kapatid.. 

"Gago. Syempre kilala na natin ang mga yun! Pinaimbestiga nga yun ni Don Alfonso sa atin noon diba? " sabi ko at agad siyang binatukan. 

"Pasensiya naman. Alam mo naman na hindi ako masyadong nakakagalaw sa mansyon ngayon dahil kay Alyssa. " sabi niya at napakunot naman ang noo ko.

"Talaga lang ah?  So parang sinasabi mong pabigat ako sayo!? " si Alyssa na ngayon ay masama ang tingin kay Kyle at hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa.

Lagot ka Kyle.

"Ha? H-hindi no! Ano ka ba, Alyssa." sabi ni Kyle at nilapitan kaagad si Alyssa at hinampas naman siya nito kaagad ni nang napakalakas. 

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon