XXI.

74 2 0
                                    

EDITED: OCT12,2018
FRIDAY

MAE's POV 

"nandito na tayo—" rinig kung sabi ni Rence pero pinutol ko na siya kaagad at hindi na pinatapos pa sa pagsalita.

"ALAM KO! Hindi ako tanga!!." sabi ko sa kanya at agad na naunang lumabas ng Van at dumiretso sa gate.

Papasok na nga sana ako sa gate nang biglang may humila sa kamay ko..

"ANO BA!?—" sabi ko at tinignan ang mukha ng isang demunyu na humila sa kamay ko.

"Please wag naman ganito Mae." sabi nito sa akin.

Manigas siya! Dahil hindi ako isang marupok na babae!

"Bitawan mo nga ako!" sabi  ko sa kanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Please Mae.. Please wag naman ganito." sabi niya sa akin at natigilan naman ako nang may makita akong namumuong luha sa mga mata niya at bigla na lang..

"Mae?! Ayos ka lang ba?"

"Mae! Andito na ako, wag kang mag alala."

"... Mahal na mahal kita. Mahal ko.—" 

"HINDI!" bigla kung sigaw at naalis yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

Napatingin ako kay Rence na mukhang nagulat sa nagawa ko.

Bigla naman akong natakot ..

B-bakit boses ni Rence yung narinig ko kanina?

A-anong nangyayari?

B-Bakit— 

"Mae—" paunang slita ni Rence sa akin.

"Wag kang lalapit! Diyan ka lang! " agad na sabi ko sa kanya na  medyo ikinagulat ko din.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit kay Rence.

H-hindi ko naiintindihan.

A-ano bang nangyayari sa akin?

JIN's POV

"Nalintikan na! Ihinto mo na lang ang sasakyan, Kael! Argghh nakakainis." sabi ko at agad nmang inihinto ni Mikael yung Kotse sa isang tabi na medyo may kalayuan sa checkpoint na nangyayari sa unahan.

Naunahan pa kami. Litsi.

"Argh! Bwisit talaga!" sabi ko at agad na inalis ang seatbelt at agarang lumabas ng kotse. Lalakarin ko na lamang papunta sa bahay ni Rexter—

"HOY! TEKA LANG! JIN!" rinig kung sigaw ni Mikael at narinig ko rin na bumaba ito sa kotse at hinabol ako sa paglalakad paalis.

Nakakabwisit!!!

Habang naglalakad naman ako ay kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Rence..

Nagbabakasakali lang..

Ring..

Ring... 

(Oh?)
"Anong 'Oh'!? Gusto mong upakan kita!? Nasaan ka ngayon at papatayin na kitang hayup ka!" agad kung sabi sa kanya at huminto na rin ako sa paglalakad dahil sa pagod. 

Si Mikael naman mukhang tinatawagan din ata sila Jerome. 

(Ano ba yang pinag-sasabi mo!?— sh*t! — MAE! MAE ! BUksan mo ang pinto! Pakiusap!) rinig kung sabi ni Rence sa kabilang linya at bigla naman akong kinabahan agad.

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon