XIV.

88 1 0
                                    

Edited: November 12, 2018
Monday
11:45 AM

DAVE's POV

"hoy. "

Napatingin naman ako kaagad sa nagsalita.  Si Hanz lang pala.

"Bakit? " tanong ko sa kanya at agad na kumain nung dalang hotdog nila Mikael kanina.

"May hindi ba ako nalalaman tungkol kay Rexter? " tanong nito sa akin na medyo ikinatigil ko pero medyo lang naman..

"Ha?  Paano mo naman nasabe yan?." sabi ko sa kanya sabay iwas nang tingin habang pasimpleng tumingin-tingin sa iba. 

Sana naman hindi niya iyon nahalata..  

"Hindi ka marunong magtago ng sikreto, Dave. Alam mo ba yun? " seryosong sabi niya sa akin. 

Nagsalita ang marunong...  Ha ha.

"Ikaw bahala. Puntahan ko lang si Rence— Oy Hanz naman e! " sabi ko kaagad dahil sa biglaang paghila sa akin pabalik.

Haish.  Nahulog tuloy yung hotdog! :((

".. Tignan mo,  nahulog tuloy! " sabi ko sa kanya at tinignan lang niya ako na parang kinikilatis ang kaluluwa ko."Ano ba Hanz?   Sinabe ko naman na wla akong alam diba? Kung gusto mo, si Rexter kausapin mo tungkol diyan. " sabi ko at umalis na talaga ako. 

Teka,  nasaan na kaya yung babaeng yun?  Akala ko ba pupunta yun dito? 

JEROME's POV

kanina ko pa napapansin ang kakaibang kinikilos ni Dave.

Napansin ko rin na parang wala sa sarili si Hanz kaya naman nilapitan ko ito matapos niyang hilahin si Dave kanina. 

"Oy Hanz.. " tawag ko sa kanya at tumingin sa akin.

"Bakit? " tanong niya at tumingin sa harap kung nasaan yung iba.

"Ayos ka lang ba?  Parang ang lalim kasi ng iniisip mo." sabi ko sa kanya.

"Ewan, pagod lang siguro ako sa biyahe. Kailan pala tayo pupunta sa bahay dito ni Dave? Teka, Puntahan ko lang muna si Jin at itatanong sa kanya. " sabi nito sa akin at agad na umalis saka nilapitan si Jin na nakikipagkwentuhan sa mga girls. 

Napatingin naman si Alexa sa gawi ko kaya ningitian ko ito at ganun din ito sa akin. 

Naks!

After a few hours..

JIN's POV

"Ano ba Rence!? Doon ka nga sabi sa kotse nila Rexter eh!  Wag ka dito. " pagrereklamo ko sa ugok na to. 

Katatapos ko lang magpaalam kay Claire matapos naming maubos yung dalang handa ng lahat.

Tanggap ko na ang pagkawala ng kapatid ko at parati siyang mananatili dito sa puso ko.

"No. I'll stay here. " pagmamatigas na sabi ni Rence at agaran na pumasok sa kotse. 

Mabuti at sa likuran agad siya pumasok. 

"Ma, kalma ka lang.  Wala namang masama na sumabay siya sa atin diba? " sabi ng anak kung ubod ng ganda pero mas dyosa ako noh!  Hmp! 

"Tss.  Nakakaasar kasi. Pero tandaan mo anak ah, pag yun nanligaw sayo at hindi ko alam,  malilintikan ka talaga sa akin.  Kayong dalawa, mismo." sabi ko sa kanya. 

Pero biro lang yun anu ba.  Hahahaha. 

"H-huh?  A-anong Ligaw pinagsasabi mo diyan? Umalis na nga tayo dito." sabi ni Mae at agad na  pumasok sa kotse, sa katabi ng driver.

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon