EDITED: 08/29/18
GYM.
RENCE POV
"WHAT!? AKALA KO BA—" narinig ko agad na boses ni Dave mula dito sa pinto ng Gym.
Napatingin ako kay Mae na ngayon ay hawak ko parin yung kamay niya kaya napabitaw agad ako ng marealize yun.
"Anong nangyayari? " bulong na tanong ni Mae at sumilip kaunti para makita si Dave sa loob ng Gym.
I just shrugged and just watch her secretly watching Dave.
Hanggang dito lang ba talaga ako sayo? Yung nakatingin lang ako ng ganito? Yung di kita maangkin para sa—
"Hoy Rence! " rinig kung sabi ni Mae sa akin at nabalik naman ako sa katinuan dahil sa boses niya.
"Ayos ka lang? Minamanyak mo na naman ako no!? ANO!? " sabi niya sa akin at nakapamewang pa talaga.
Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa sinasabi niya.
"Anong ginagawa niyo dito? " ??
"ANAK NG POT— JUSKO naman DAVE! wag kang manggulat! " sabi ni Mae kay Dave pero napatigil agad ito sa pagsalita dahil tinaas ni Dave yung kamay niya which means 'Tahimik' at agad namang sinunod ni Mae. Tarantado to ah.
Tinignan ko agad ng masama ang litsing to. Umarangkada na naman ang katarantaduhan ng bwisit.
"Ano na naman bang problema mo? Wag mo kaming pinagbubuntungan ng galit dito Dave. Dun ka sa Ellaine mo, wag kami. Mabuti nga pinuntahan ka dito." may halong galit na sabi ko sa kanya at agad naman itong umiwas ng tingin. Siraulo.
Kapag talaga si Ellaine yung pinag uusapan lumalambot mundo ng ugok na to. Kumakalma talaga siya kapag si Ellaine yung pinag uusapan naming tatlo at hindi sa barkada.
Tsk. Pagmamahal nga naman.
"Ano? Hindi ka sinipot ni Ellaine , Dave? Bakit? Sa pagkakaalam ko kasi wala naman siyang masyadong gagawin sa araw na to. " sabi ni Mae.
Napatingin naman ako kaagad kay Mae habang nakatingin kay Dave.
You're just hurting yourself, Mae. Tsk.
"Yun naman pala. So, walang nangyaring date?" sabi ko sa kanila.
"Obvious naman diba? Tsk. " matabang na sabi ni Dave sa akin tapos nagsimula na siyang maglakad palabas ng Gym.
"Oy, Dave! Saan ka pupunta?" habol na tanong ni Mae kay Dave kaya napatigil ito sa paghakbang at tinignan kami. "..... Papaano 'tong prenipare mo sa loob? " tanong niya ulit kay Dave.
Yes, may prenipare si Dave sa loob ng Gym. Since dito naman nangyari ang lahat which is 3 months ago and it's their monthsarry this day. Kasi after a month nung ligawan ay sinagot na ni Ellaine si Dave, shortly saying, 2 months na silang dalawa.
Pero si Ellaine kasi...
"Wala nang date na mangyayari. Iligpit niyo na ang dapat na iligpit. Uuwi na ako." seryosong sabi ni Dave kay Mae saka siya agad na umalis.
Napatingin si Mae sa akin. Like as always, ganyan naman siya palagi. Nag aalala kasi siya sa Dave na yun.
"Ano? Gusto mo habulin ko yun at pipigilan ko? Asa ka naman." sabi ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin .
"Sira! Hindi no! Sasabihin ko lang naman sayo kung may ideya ka ba sa kung anong nangyayari sa kanila ni Ellaine! At alam ko namang di mo yun hahabulin noh." sabi nito sa akin kaya nairolyo ko naman ng wala sa oras ang mga mata ko. As if naman na maniniwala ako.
"Aba malay ko! Tss." sabi ko naman sa kanya at nakita ko naman siyang nag iisip.
Ano na naman kayang iniisip nito—
"HOY!!! ANONG NANGYAREEE??" ??
Bigla namang may sumigaw papasok dito sa Gym. At sino pa ba?
"Alexa." bulong kung sabi at napatingin sa kanya na dumiretso agad kay Mae at niyakap ito.
Napatingin din naman ako sa kasama nito.
Si Kyle.
"Anong bang nangyari?" tanong ni Kyle sa akin.
"Si Ellaine, hindi sumipot." sagot ko sa kanya at napatingin naman si Alexa sa akin na mukhang nagulat pa ata.
Tss.
"At bakit na naman daw?" sabi ni Alexa.
"Ewan. Pinapaligpit na nga niya yung pinahanda niya sa loob. Nagsayang lang siya ng effort noh? Alam niyo a, ewan ko lang kung anong nangyayari sa dalawang yun. Ayos lang naman sila last month diba? Ayos naman sila this past few days. Pero anyare?" sabi ni Mae kaya napatingin ako saglit sa kanya at umiwas din agad nang tingin nang napatingin din siya sa akin.
"Sa kanila na yun. Wag ka na lang makialam. " sabi ko kay Mae.
"OY! FYI lang Rence a! Di ako nangingialam! Nag aalala lang ako sa kanila. Sayang lang e, sayang silang dalawa." sabi ni Mae sa akin.
Defensive. Halata namang nasasaktan siya sa nangyayari.
"Sabi mo e." sabi ko na lang sa kanya at aangal pa sana ito nang umepal si Alexa between us.
"Ahem." Alexa.
Tinignan ko naman ang babaeng yun at sinamaan ng tingin.
Isturbo.
"Tama rin naman si Rence. Kung problema nila yun. Kanila na lang yun. Wag na tayong mangialam. " sabi ni Kyle.
Buti pa ang isang to.
"Sabing hindi ako nangingialam e!" defensive na sabi ni Mae kay Kyle. Narinig ko namang natawa si Alexa kaya napunta sa kanya yung atensyon naming tatlo.
"What? Problema na ba ngayon ang matawa?" sabi ni Alexa sa amin.
Talaga lang a? Halata namang nang-iinis siya no?
"Oo noh, kasi wala namang nakakatawa ?" sabi ni Mae sa kanya at nakita ko namang napatingin si Alexa sa akin sagliy bago niya tinignan si Mae.
Sabi na nga ba.
"Wala, natawa lang ako sa reaksyon mo Mae. Pumapangit ka kasi lalo kapag ganun! Hahahaha " sabi nito kay Mae at alam ko namanh pilit yung pagtawa niya pero ito si Mae, mukhang di niya naman napansin yun at hinampas lang niya ito sa braso. Too Naive.
"Ansama mo! Sumbong kita kay Kyle e!" sabi ni Mae sabay turo kay Kyle na nasa tabi ko lang.
Hindi magboyfriend ang dalawang yan. Close lang talaga si Alexa at Kyle.
Mukhang sila pero hindi naman talaga.
"Ha? Paano naman ako nasali sa pinag uusapan niyo? Ahahaha." sabi ni Kyle.
"Duh? Manhid mo din Kyle noh? Alam mo namang mahal ka nito e." sabi ni Mae kay Kyle na tinuro si Alexa at dun ko na narinig ang malakas na tawa ni Alexa at Kyle.
"AHAHAHAHAHAHAHA! GRABE YUNG JOKE MO PRAMIS XD HAHAHAHAHAHA." Alexa
"NAKAKATAWA AHAHAHAHAHAHAHAHA!" Kyle.
Napatingin naman sa akin si Mae na mukhang nanghihingi ng tulong sa akin.
May magagawa pa ba ako?
"HOY! TUMIGIL NGA KAYO DIYAN! O baka gusto niyong kayo ang magliligpit sa loob?" sabi ko sa dalawa at napatigil naman ito kaagad. "Good." sabi ko at tinignan si Mae at tsaka kami naghigh five dalawa.
Ganito na lang ba tayo palagi,.Mae?
Kahit siguro sabihin ko yung nararamdaman ko. Wala rin naman akong magagawa kundi ang masaktan lang.
Dahil ang mahal ko, may mahal nang iba.
Kung nauna lang sana ako.
Kung nauna lang sana ako sa kanya. ..
Pero hindi pa ba ako ang nauna?
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AksiLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...