SYWLG: STAY

64 6 2
                                    


HANZ POV

"Manang, pupunta po dito yung mga kaibigan ko mamaya." sabi ko kay Manang at tumango naman ito saka ako pumunta sa taas para tignan si Carla.

Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko siyang tulog pa.

I can't help but to smile at umupo sa tabi nito.

Kahit na hindi ko anak yang dinadala mo.. mahal parin kita ..

Pero hindi ko papalampasin yung walangyang gumawa nito sayo..

"Hanz?" biglang salita ni Carla.

"Nagising ba kita?... Dahan dahan." sabi ko nang bumangon siya bigla galing sa pagkakahiga.

"Yah~ ayos lang ako." sabi nito sa akin at saka naman niya ako tinignan.

"pasensiya na talaga kung nagising kita."

"Ano ka ba, ayos lang. " sabi naman niya saka niya ako niyakap.

"Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at tumango naman ito sa akin.

"Tara sa baba,may pinahanda ako kay manang dun." sabi ko sa kanya at tumango naman ito ulit sa akin saka ko siya inalalayang bumaba sa higaan at naglakad kami ng sabay pababa ng hagdan hanggang sa kusina.

Umupo naman siya saka ko siya nilahad ng pagkain.

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagdoorbell sa bahay.

"May bisita ka ?" tanong ni Carla at saka siya kumain.

"Oo.. mga kaibigan ko." sabi ko sa kanya sabay ngiti at nakita ko naman sa mga mata niya ang pagka eksayt— Oh gawd,nakalimutan ko nga palang idol na idol niya si Mikael Hyung at si Rexter— pati na din pala ni Jin Hyung.. Aish,bakit ko nga pala nakalimutan yun? Kainis 😣 .

"Talaga!? Naks! makikita ko na si Jin, Si Rexter at tsaka si Mikael! Oemgee! Mas masaya din kung nandito si D-Diana.." sabi niya at bigla naman itong nalungkot kaya nilapitan ko naman 'to at niyakap siya saglit.

"Yaah~ alam kung masaya na si Diana sa kung saan man siya ngayon. Okay? Aalis tayo bukas para puntahan si Diana. Wag ka nang malungkot." sabi ko sa kanya at I saw her wipe her tears and put a smile nang tignan niya ako.

"Sorry.. "sabi niya at tumango naman ako.

Magsasalita na sana ako nang may marinig akong boses sa likod.

"Hyung.."

Napalingon naman ako kaagad sa nagsalita.

"Dave? Ang aga mo ata? Kasama mo ba sila?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Ewan? at kararating ko lang mag-isa— Teka, sino siya?" sabi ni Dave at tinuro naman si Carla.

"She's Carla.. girlfriend ko galing Cebu." sabi ko kay Dave at napanganga naman ito sa sinabi ko at bago pa mapasukan ng labggaw ang bibig niya ay tinakpan ko na ito agad.

"SERYOSO HYUNG!? GIRLFRIEND MO— AT MAGIGING TATAY KA NA!?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.

I avoided my gaze nang sabihin niyang 'magiging tatay' na ako dahil alam ko naman hindi ko anak yang dinadala ni Carla.

"Long story—"sabi ko kay Dave at pilit na ngumiti sa kanya.

"Wow~ ang gwapo mo po talaga sa personal Sir Dave Hyun. Ako nga po pala si Carla Gorrero. Isa akong tagahanga 😄" masiglang bati ni Carla kay Dave.

"Whoa~ kilala mo ako?" tanong naman ni Dave kay Carla.

"Yep, lagi kayong kinukwento sa akin ni Hanz nung nasa Cebu pa kami. "sabi naman ni Carla sa kaniya at nakita ko namang napatingin si Dave sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say You Won't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon